Lumipas ang ilang araw mula nang makilala ko ang aking Amang Hari at nalaman ko kung sino ang mga opisyales na may kagustuhan na ipapatay ako. Buti napagkiusapan ko sina Calypso at Oenone na ilihim muna nila kina Sir Charl at sa mga Calareta ang kanilang narinig sa mga opisyales. Katulad ng aming plano ni Chancellor Solomon ay kailangan muna naming umakto na walang alam habang lihim na naghahanap ng mga ebidensiya laban sa kanila. Ngayon ay apat na pangalan na ng opisyales ang nasa listahan ko na kailangan subaybayan. Hindi ko pa alam kung ilan pa ang kailangan idagdag roon bilang mga kasabwat nila. "Prinsesa, naririto si Chancellor Solomon at pinapunta niya kayo agaran sa silid aklatan." Pagbibigay alam sa akin ni Oenone. Agad ako napatayo sa aking kinauupuan. "May sinabi ba siya kung

