Galit na galit na hinampas ng aking Ama ang mesa sa aming harapan na ikinahati nito sa gitna. Napangiwi ako sa kanyang taglay na kakaibang lakas na hindi pangkaraniwan. Marahil ay ito ang kanyang itinatagong abilidad bilang isang Calareta. Mabuti na lamang ay kami lang ang naririto at nakakita sa kanyang ginawa. "Hindi ko akalain na ilang taon nila ako napaikot!" Naggagalaiti niyang sambit at dinurog sa kamay ang ilang parte ng mesa na nahati sa gitna. "Pinamukha nila akong tanga! Ako na hari ng kahariang ito! Pagsisihan nila ang panloloko nila sa akin. Ngayon alam ko na ang lahat ay gagawan ko ito ng paraan para pigilan ito." Nangangako niya pang sambit. Napahawak sa kanyang ulo si Chancellor Solomon dahil sa hindi malaman kung paano papakalmahin ang kanyang kaibigang Hari. "T-Teka lang

