Pagkatapos ng aming tanghalian ay inayusan ako ng mga tagasilbi dahil nais ng aking Amang Hari na sumama ako sa kanyang pagharap sa mga opisyales. Nais rin niya na pormal ako makilala ng mga opisyales bilang susunod na lider ng kaharian ng Calareta. Tamang tama na naririto ako dahil magkakaroon kasi sila ng isang pagpupulong na naantala na ng ilang oras dahil sa aking biglaang pagkawala. Ayoko man magpakita sa mga opisyales ay tila may nagtutulak sa aking kalooban na gawin ito. Nais ko makilala ang bawat opisyales ng palasyo at makilatis kung sino sa kanila ang dapat mga iwasan at subaybayan. "Mahal na Hari! Hindi karapat dapat na manatili ang prinsesa sa palasyo! Isa siyang kahihiyan sa inyong pangalan!" Rinig kong pagngungumbinsi ng isang opisyal sa Amang Hari para paalisin ako sa pal

