Chapter XXIII

2133 Words

Kinakabahang sinundan ko si Chancellor Solomon papasok sa Brenin Palace. Ramdam ko ang pagsunod sa akin na tingin ng bawat opisyales na aming makakasalubong habang papasok kami sa loob ng palasyo kaya hindi ko maiwasang mapayuko ng ulo para iwasan ang mga tinging iyon. Pakiramdam ko kasi ay hinuhusgahan nila ang aking pagkatao mula batay lang sa pagtingin nila sa aking kabuuan. "Pasensiya ka na, Prinsesa." Hindi masayang sambit ni Chancellor Solomon nang mapansin ang hindi ko pagka-komportable sa atensyong nakukuha ngayon. "Pagsasabihan ko sila sa paraan ng pagsalubong nila sa iyo. Binabastos ka nila at wala niisa pa sa kanila ang yumuko man lang para batiin ka. Sisiguraduhin ko na makakarating ito sa hari." "H-Hindi na kailangan, Chancellor Solomon." Pagpigil ko sa binabalak niya. "H-Ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD