"I-I-Isa kang Calareta!" Seryosong seryoso na pagtatanong sa akin ni Prinsipe Orion at napahigpit ang kanyang pagkahawak sa aking braso. Naiinis na pinalis ko naman ang pagkakahawak niya sa akin. "T-Teka lang! H-Hindi ako isang Calareta!" Pagtanggi ko sa sinasabi nila. "Oo, may ginintuan rin akong buhok na katulad niyo pero imposible na maging Calareta ako." Todong pagtanggi ko pa sa inaakala nila. Kumunot ang noo ng mga prinsipe sa aking sinabi. Napailing na lang ako ng ulo saka dinampot ang nahulog kong sumbrero saka isinuot muli ito para itinago ang aking mahabang gintong buhok. Pinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdanan. Pagkaapak na pagkaapak ko muli sa entablado ay kapansin pansin na nasa akin ang tingin ng lahat. Marahil katulad ng mga prinsipe ay iniisip nila na isa akong Calare

