Nagulat ang mga kawal na abala na nag-eensayo sa istasyon sa biglaang pagdating namin roon. Natigil pa sila sa kani-kanilang mga pagsasanay at maaayos na luminya sa aming harapan para batiin kami. "Magandang araw sa inyo, mga Kamahalan." Magalang na pagbati ng lahat sa akin at mga prinsipe. Seryoso naman inilibot ni Prinsipe Boreas ang tingin sa lahat na tila ba kinikilatis niya ang mga kakayahan ng mga bagong kawal sa Adaeze palace. "Hindi ba masyadong mga bago pa ang mga kawal ng iyong palasyo, Prinsesa Prima." Nag-aalalang komento sa akin ni Prinsipe Casper. Ngumiti ako. "Tingin ko ay mas mabuti na iyon, Prinsipe Casper." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Nais kong bumuo ng tiwala sa mga taong wala pang sinusumpaan ng kanilang katapatan." Tumango tango naman si Kuya Orion na tila nauuna

