Chapter XLVI

2558 Words

Sinundan ko si Cronus paloob sa sikretong kwarto. Nagulat ako na makita ang isang maayos na opisina kumpara sa opisina niya sa labas. Hanggang sa may buksan siyang isang metal cabinet na naglalaman ng napakaraming folder ng mga papeles. "Ito lahat ang naipon ko na impormasyon sa mga bawat opisyales ng palasyo." Seryosong sambit niya. "Nakakalungkot man pero kulang pa rin ang mga ito para isiwalat ko sa lahat." Napalunok ako habang lumalapit sa kanya. Nakita ko ang folder niya para kina Marquiss Acrisius at Viscount Laius. "Hmmm. Ang dalawang iyan ay napapabilang sa mga pinaka-aktibo na mga opisyales pero pinakamahirap hanapan ng mga matitibay na ebidensiya." Komento ni Cronus habang tinitignan ko ang mga nakalap niya. "Masasabi ko na may mas malaking tao pa ang sumusuporta sa kanila."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD