Natigil sa ere ang kamay ni Dervis na ikinakunot niya ng noo. Sa isang iglap ay biglang lumabas sa aking tabi si Prinsipe Casper habang hawak hawak ang kamay ni Dervis na may hawak ng espada. Nanlalaki pa ang aking mga mata na tinignan siya. Ito ba ang tinatago niyang espesyal na abilidad? Pero bakit parang wala lang niya ipinakita iyon sa lahat? Nahihibang na ba siya? "P-Prinsipe Casper." Kinakabahang sambit ni Frolan sa biglaang pagsulpot ng prinsipe. "Naloko na! Sinundan niya tayo!" Natatakot na komento naman ni Red saka nagtago sa likuran ni Gyro. Napakamot ng batok si Prinsipe Casper marahil wala talaga sa plano niya ang magpakita sa amin. Ngunit dahil masyado na naging malaki ang gulo ay kailangan na niya pumagitna sa amin. Hindi maganda ang kalalabasan kung sakaling mapatay ni

