Episode 1# The wedding
chapter 1
Jinky
Mabibigat ang mga hakbang ko habang papasok sa loob ng simbahan... Kasabay ng pagbukas ng malaking pinto ay ang paguunahan ng mga luha ko. Hindi mapigilan at ayaw magpaawat. kasal ko ngayon ngunit nagmistulan itong araw ng libing para sa akin, dahil ito ang araw ng pagkamatay ng puso ko. Marahan at maliliit na hakbang ang aking ginawa, kung maari ko lang sanang pigilan ang oras, O' mangyaring wag nalang sumapit ang araw na ito ay ginawa ko na. Kung may sapat lang sana akong lakas ng loob para ipaglaban kung ano at sino ang gusto ko. Pero wala, Hindi ko kayang kalabanin ang mga magulang ko. Ang mga taong nagbigay buhay, nag aruga at nagmahal sa akin.. Hindi ko kayang saktan ang damdamin nila. Ang bigyan sila ng sama ng loob.
Buong buhay ko ay sila lang ang pinapakingan ko, ang sinusunod ko. Kahit hindi ako sigurado sa sarili ko kung gusto ko rin ba iyon basta yon ang gusto nila hindi na ako umaangal pa at ginagawa ko nalang.
Ganon na ang naging buhay ko, ang nakasanayan ko. Ngunit minsan ko lang sinubukan sumuway... Ang sundin ang gusto ko, ang sinasabi ng puso ko. Ang piliin ang kaligayahan ko, ang mahal ko.. Pero ang naging kapalit nito ay buhay ng ama ko, At ngayon ay agaw buhay ito sa ospital dahil sa akin. Kaya labag man sa loob ko ang magpakasal sa kababata ko ay wala akong magagawa.Ayoko nang sumuway pa,hindi ko kakayaning mawala ng tuluyan ang ama ko.
Napatingin ako kay kuya William na siyang tumayong guardian ko ngayon dahil nasa ospital pa si papa, at si mama naman ang nag babantay dito. Seryoso lang ang mukha ni kuya as usual na aura nito.
Nang magkatapat na kaming dalawa ay kinuha niya ang kamay ko pagkatapos ay iniangkla sa kanyang braso at nagsimula na kaming maglakad. Nakatanaw ako sa lalaking nakatakda kong pakasalan na matiyagang nagaantay sa unahan. Si Anthony, ang kababata ko. Magkaibigan ang pamilya namin, kaya bata palang ay itinakda na agad nila kami sa isat isa. Anton is a perfect man, mabait, magalang. Galing sa kilala at maayos na pamilya. Magaling na doctor but I ca'nt picture myself having a family with him. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung matuturuan lang sana ang puso eh di sana wala akong problema ngayon.Pero kahit anong pilit kong isaksak sa utak ko na si Anton ang nakatadhana para sa akin iisa parin ang sinisigaw ng pasaway kong puso...
Walang iba kundi si Chris!
Ang lalaking nagbago ng pananaw ko sa lahat ng bagay. Ang nagbigay kulay sa mundo kong walang buhay. Noon ay para lang akong manika na de susi na kung anong iutos sa akin ay yon din ang aking gagawin.
Walang sariling disesyon, walang pagpipilian... Laging may rules and regulation na sinusunod. Ngunit nang makilala ko si Christian ay natuto akong baliin ang rules at sumuway sa regulation. Nabuksan ang isip ko na mas masarap din palang maging malaya at hindi parang ibon na nakakulong sa sariling hawla.
Chris teach me how to enjoy life, na hindi kailangan ng pera o mamahaling bagay para maging masaya. Nakakalungkot isipin na bago pa man lumago ang relasyon namin ay kailangan nang putulin.
Napaluha nanaman ako nang maalala ang huling tagpo namin ni Chris.. At iyon ang panahon na pagsisisihan ko habang buhay,ang pinakawalan ko ang isang tulad niya.
Nanginginig ang katawan ko habang inaabot ni kuya kay Anton ang mga kamay ko. Malawak ang pagkakangiti nito at bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha, na siya namang kabaliktaran ko.
Maingat niya akong iginiya papunta sa harapan ng altar at sa paring magbibigay basbas sa amin.
"Anthony Delgado, do you take Jinky Bolivar to be your wedded wife,
to live together in marriage. Do you promise to love her, comfort her, honour her and keep her for better or worse, for richer and poorer, in sickness and in health, and forshaking all others, be faithful only to her, as long as you both shall live?"
tanong ng pari dito na mabilis naman na sinagot nito. Kaya nang siya na ang balingan ng pari ay biglang nanikip ang kanyang dibdib na para bang kinakapos siya ng hininga. Ni hindi niya kayang ibuka ang bibig niya para sagutin ang tanong nito.
Nagpailing iling ako na ikinabahala ng mukha ni Anton. Napasapo naman ako sa aking noo, dahil sa biglang pagkaramdam ng pagkahilo
" I reapeat, Jinky Bolivar, do you take An-" Ngunit hindi na natapos ng pari ang tinatanong nito. Dahil hindi ko na napigilan ang sarili at kasabay ng pagpikit ng aking mata ay ang pagbagsak ng aking katawan. I passed out..
Nagising ako na nanunuot sa aking kalamnan ang lamig na hatid ng aircon. Naigala ko ang paningin sa paligid. Ang pamilyar na lugar at amoy ang namulatan ko.Napapitlag pa ako sa pagkagulat nang bumukas ang pinto.Magkasabay pang pumasok sina kuya at Anton kasama si Doc. Mendez na isa rin sa mga katrabaho ko. Naalala ko ang pangyayari kanina, sa kasal sana namin ni Anton bigla nalang nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay. Dahil ba yon sa sobrang stress?..
Ngumiti sakin si Doc. Mendez
"How's your feeling Doc. Bolivar?" tanong nito
"Im fine Doc" mahinang sagot ko
"Good, well that's normal naman lalo na sa kalagayan mo" saad nito
kunot noo naman akong napatingin sa kanya. Mas lumawak naman ang pagkakangiti nito.
"Congratulation doc Jinky and Doctor Anton, Doctor Jinky is 8 weeks pregnant" masayang balita nito
Nanlaki naman ang mga mata kong napatingin sa kanila.
"w-what?.." Di makapaniwalang tanong ko. at wala sa sariling napahawak sa impis ko pang tiyan.
Nagbunga ang isang gabing isinuko ko ang aking sarili sa mahal ko. Yon din ang huling araw na pagsasama namin. Dahil kahit mahirap at sobrang sakit ay pinili ko siyang iwan... Napabalikwas ako sa pagkakahiga at mabilis na umahon sa higaan.. Nahihilo man ay pinilit kong itayo ang sarili..
" Kuya pahiram ng susi ng kotse mo." Saad ko rito na ikinagulat niya.
" Jinky kailangan mo pa magpahinga"
"No, kuya hindi yon ang kailangan ko, I need him, I want to see him, Kailangan niya malaman na magkakaanak na kami." luhaang saad ko.
Bumakas ang pagkalito sa mukha nito, ngunit wala akong panahon na makinig sa kanya. Kaya kaagad kong kinapa ang bulsa ng pantalon niya at mabilis na kinuha ang susi dito..
Patakbo akong lumabas ng kwarto at nagmamadaling binaktas ang kahabaan ng hall way. Wala na akong pakialam sa mg mata na nakatingin sa akin, hindi ko narin alintana ang ayos ko ang mahalaga mapuntahan ko siya at makausap..
Mabilis ko lang narating ang parking lot kung saan naroon ang kotse ni kuya. Agad akong sumakay At pinaandar ito.
Puno man ng pangamba at pagaalala ang puso ko ay handa na akong magpakatatag at harapin ang lahat.. this time ay handa na akong sumugal, para sa munting anghel na nagsisimulang pumintig sa aking sinapupunan. Nagpatuloy lang ako sa pagdrive baon ang pagasa na magiging maayos din ang lahat.
Ngunit ganon nalang ang pagkabigla ko nang may isang kotse na biglang sumulpot sa aking harapan at huli na para maiwasan. Kasabay ng mga ingay at lagitlit ng mga bakal ay ang sakit na hindi matatawaran na nanunoot sa aking laman. Hindi ko malaman kung saan ba ito nagmumula ni hindi ko maikilos ang aking katawan.
God! save us please...
Tanging naiusal ko nalamang bago ako napapikit at mahulog sa kawalan....