bc

Sold For One Night

book_age18+
30.4K
FOLLOW
150.9K
READ
revenge
possessive
one-night stand
CEO
maid
drama
bxg
campus
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

BLURB:

Upang makapag-aral ang mga kapatid ni Madice, kinailangan niya ng trabaho na magbibigay nang malaki at sapat na suweldo upang matustusan ang pangangailangan nila kaya naman tinanggap niya ang alok ng kanyang kaibigan upang mamasukan siya bilang G.R.O sa isang sikat na club. While Madice was dancing on stage, isang lalaki ang nag-table sa kanya. Si Owen De Jesus, ang pinapangarap ng lahat ng kababaihan, na siya ring ex-boyfriend niya. Pinagsaluhan nila ang gabing iyon nang hindi siya nakikilala ng binata. Nilisan ni Madice ang hotel at hindi na muling nagpakita pa kay Owen, ang lalaking pinag-alayan niya ng lahat, na dati niya ring minahal.

Magtatagpo pa nga ba ang landas nila Owen? Paano kung oo, pero puno pa rin ng galit ang puso ng lalaki?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Bunggo
“Good morning, class. Today, we will elect the class officers in our classroom. So, let’s start with the Class President. The table is now open for the nomination of President,” sabi ni Mrs. Banaag sa kanyang mga estudyanteng Senior High, ngunit wala ni isa man ang tumayo para mag-nominate ng kanilang Class President. “Kung ayaw ninyong mag-nominate, mag-volunteer na lang kung sino ang may gusto. Anyone?” “Ma’am, si Madice na lang po ang President at ako na lang po ang Vice. Siya naman po ang magaling sa aming mag-kaklase,” sabi ni Pawi na sabay tingin kay Madice ngunit pinanlakihan siya nito ng mata. “Okay, Miss. Roxas. Miss Reyes, payag ka bang ikaw ang presidente ng ating classroom?” baling ng guro kay Madice. Walang nagawa si Madice kundi’y tumango na lamang sa kanilang guro. Pagkatapos ng klase nila’y dumiretso na siya sa karinderya para magtrabaho. Ito ang schedule niya, estudyante siya sa umaga at dishwasher naman siya sa hapon. Magaan lang ang trabaho niya roon bilang taga-hugas ng mga pinggan at buti na lang, mabait ang kanyang amo. Pagsapit ng alas siyete, umuwi na si Madice sa kanilang barong-barong na tirahan. Nag-uwi siya ng ulam at pagkain para sa kanilang magkapatid. Nadatnan niyang nag-aaral si Marina kaya bumeso siya rito at nagtungo sa kanilang maliit na mesa. Dahil ulila na sila sa mga magulang, siya na ang tumayong magulang ng mga kapatid niya. “Kumain na ba kayo, Marina?” tanong niya sa kanyang pangalawang kapatid. Ipinatong niya ang dalang ulam at kanin saka isinalin sa plato. “Hindi pa, Ate. Pero si bunso ay pinakain ko na, kaso bitin daw siya. Kaunti na kasi ‘yong isinaing ko kanina.’’ “Utang na lang tayo bukas kay Aling Trining. Nasaan pala ‘yong dalawa? Tawagin mo na sila para sabay-sabay na tayong kumain. Masarap ang pinadalang ulam sa akin ngayon ni Ate Lulu,” sabi niyang ngumiti kay Marina. “Nakikipaglaro pa sila sa kapitbahay. Siya nga pala, Ate iyong sapatos ko bumuka na sa harap. Pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko kanina,” sabi nito sa kanya. Lumapit siya kay Marina, tumabi siya rito at hinawakan ang kamay ng kapatid niya. “Kaunting tiis na lang, ha. Suotin mo muna ‘tong sapatos ko bukas, magka-paa naman tayo kaya kasya ‘to sa ‘yo.’’ “Pero paano ka, Ate? Baka ikaw naman ang pagtawanan nila sa school?’’ sabi nito sa nag-aalalang boses. “Okay lang ako. May tsinelas naman ako riyan kaya iyon na lang muna ang susuotin ko,’’ sagot niya. Ngumiti si Marina at niyakap siya nito. “Sige na, tawagin mo na ‘yong dalawa. Baka maubos mo pa iyang ulam kung mauuna kang kakain, ang takaw mo pa naman,’’ biro niya. Natawa silang pareho. Pagkatapos ay lumabas na si Marina upang tawagin ang dalawa nilang kapatid. Kumain nang sabay ang apat na magkakapatid at natulog na rin sila, ngunit hindi makatulog si Madice. Kinumutan niya ang tatlo bago siya lumabas para magpahangin. Umupo siya sa maliit na bangko na gawa pa ng kanilang ama noong nabubuhay pa ito. Tumingala siya sa langit at halos nagkikislapang bituin ang kan’yang natanaw. “Ama, ina, kung nabubuhay pa sana kayo ngayon, hindi kami nahihirapan nang ganito ng mga kapatid ko. Kung puwede sanang bumalik kayo sa amin, sana bumalik po kayo,’’ bulong niya at nagsimulang pumatak ang kanyang luha. Namatay ang kanilang ina sa sakit na cancer at dahil hindi matanggap ng kanilang ama ang pagkawala ng nanay nila’y nagkasakit ito at namatay rin. Isang taon na rin mula nang sila’y maulila. Masakit mang tanggapin ngunit iyon ang katotohanan. Ipinangako niya sa kanilang magulang na gagawin niya lahat para sa kanyang mga kapatid. KINABUKASAN . . . “Madice!” pasigaw na tawag sa kanya ni Pawi. Para siyang bingi sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. Abot yata hanggang Tawi-Tawi ang boses ng kaibigan niya. “Hindi pa ako bingi para sumigaw ka nang ganiyan, Pawi,’’ sabi niyang inirapan ang papalapit na babae. “Ang sungit mo today. Siguro, mayro’n ka ngayon, ‘no?” sabi nito at umupo sa tapat niya. “Wala. Ang ingay mo kasi, nakikita mong nag-aaral ang tao rito, eh.” “Sorry naman. Mamaya ka na kaya mag-aral. Hindi ka na nga sumasama sa akin, wala ka pang oras para makipag- chikahan,’’ sabi ng dalaga sa kanya at nangalumbaba ito. “Miss Paula Winslette Roxas, may trabaho po ako ng hapon. Hindi kagaya noon na anytime puwede kitang samahan sa lakad mo. You know my responsibilities to my three siblings, ‘di ba?” aniyang itinuloy ang pagbabasa ng libro. “Mamaya ka na nga magbasa. May ichichika ako sa ‘yo,” sabi niyang kinuha ang libro at inilagay sa kanyang bag. “Tungkol saan ba ‘yan, Pawi?” “Hindi tungkol saan, kundi’y sino.’’ “At sino naman ‘yang ichichika mo sa akin? Ikaw, tsismosa ka.’’ “Makinig ka muna sa ‘kin. Alam mo ba, sabi ng mga ibang estudyante ay may bagong lipat daw rito. At take note, girl, super duper pogi ng lalaki,’’ sabi nito sa kinikilig na boses. “Super duper? Baka naman, mukhang Bentong.’’ “Alam mo ikaw, mapanglait ka. Hindi mo pa nga nakikita ‘yong tao, nilalait mo na. Baka ‘pag nakita mo ang lalaking pogi na tinutukoy ko rito sa eskuwelahan natin, titili ka rin sa kilig ‘gaya ko.’’ “Ako?’’ turo niya sa kanyang sarili. “Titili ako sa kilig? No way! ‘Buti kung mala-Tom Cruise ang itsura kahit maihi pa ako sa kilig.’’ “Grabe ka naman. Maiihi talaga? Kung may dala kang extrang panty, puwede. Eh kung wala? Ikaw talaga, Madice. Totoo ang sinasabi ko sa ‘yo. Pogi raw ‘yong transferee at bukas na bukas din, makikita na natin siya. Ah!” tili pa nito na nagpatakip naman ng tainga kay Madice. “Ewan ko sa ‘yo. Tara na, pasok na tayo. May trabaho pa ako mamaya,’’ sabi niya saka tumayo. “Iyong libro ko, ha! Kukuhanin ko iyan mamaya. Nariyan din ‘yong assignments natin sa Mathematics, gayahin mo na lang mamaya at baka magreklamo ka na namang, ‘What are friends for?’” aniya at tumawa siya nang mahina. “Nakakatawa?’’ sabi nito sa kanya at nagawa pa siyang pandilatan nito ng mata. “Totoo naman ang sinabi ko, ‘di ba? Kaya tingnan mo, binigyan kita ng sapatos at sakto sa ‘yo kaya magkaibigan talaga tayo.’’ “Oo na at salamat dito sa sapatos,” pasasalamat niya saka itinaas ang isang paa. “Kahit isinusumbat mo.” “Panunumbat ba iyon? Sinasabi ko lang ang totoo sa ‘yo, Ms. Madison.’’ “Huwag mo nga akong matawag-tawag na Madison, panlalaking pangalan ‘yan.’’ “Iniinis lang kita,” sagot ni Pawi sa kanya sabay akbay sa kaya nito. “Halika na nga, kung ‘di lang kita love, aasarin talaga kita.’’ “Love ka riyan. Ano tayo, mag-jowa?’’ “Puwede naman,’’ sagot nito habang ginagaya ang boses ng isang lalaki at tumawa sila nang malakas habang sabay nilang tinutungo ang last subject nila. Sumapit ang oras ng alas dos, dumiretso na si Madice sa kanyang pinagtatrabahuhan. Nagpalit muna siya ng uniporme bago humarap sa mga kustomer. Medyo maraming tao ngayon sa karinderya at mag-isa lang siyang trabahante ngayong hapon. Hindi kasi pumasok ang kasama niyang serbidora. “Miss, isang menudo nga at isang kanin. Pakisamahan mo na rin ng mainit na sabaw,” sabi ng isang pedicab driver. “Ako naman, miss ay isang onecino at isang kanin, pakisamahan mo na rin ng toyo-mansi.’’ “Kuya, wala po kaming onecino, tocino po ang mayroon,’’ sabi niya sa lalaking mukhang larva ang pagmumukha. “Tocino nga, miss kaso isang tocino lang ang o-order-in ko kaya onecino,” pilit pa ng lalaki sa kanya sabay tawa nang malakas. “Mag-reserve po kayo ng tawa ninyo bukas, kuya. ’Wag niyo pong ubusin ngayon,’’ aniya at tinalikuran niya na ito. Kinuha niya ang order ng mga kostumer at bumalik na siya sa loob. Pasado alas kuwatro nang kumaunti ang tao. Habang siya ay naglalakad at dala ang tray ng pagkain, bigla siyang nabunggo ng isang lalaki kaya nabuhos niya rito ang pagkain sa damit nito. “Oh no! Look what you have done, Miss,” sabi ng lalaki sa kanya. “Ginawa mo ‘kong sarsiyado.’’ Tumingin siya sa lalaki at nagtama ang kanilang mga mata pero siya rin ang unang nagbaba ng tingin. “Ikaw ‘tong hindi tumitingin sa dinaraanan mo, eh,’’ bulong niya. “May sinabi ka, miss?” “Wala,” sagot niya at kinuha ang malinis na panyo sa bulsa. Pupunasan na sana niya ang damit ng lalaki nang hawakan nito ang kamay niya. “Ako na. Baka pagkamalan pa nila tayong mag-jowa,” sabi nito at kinuha ang panyo sa kanyang kamay. “Balik ko na lang ang panyo mo kapag nagawi ulit ako rito. Pasensiya na. Heto ang bayad ko para hindi na ikaltas sa suweldo mo,” dagdag ng lalaki sa kanya na humugot ng isang libo sa pitaka. “H-Hindi na po, Sir. Ako na ho ang bahalang magpaliwanag sa amo ko,’’ tanggi niya sa lalaki. “Okay,” sagot ng lalaki na ibinalik ang pera sa loob ng kanyang pitaka at umalis na ito. “Hindi man lang marunong magpasalamat. Mahirap bang sabihin ‘yong ‘Okay, salamat sa panyo’ Tsk! Guwapo sana kaso mukhang suplado,” bulong niyang muli sa kanyang sarili. Tapos ng linisin ni Madice ang lahat ng kalat at maging ang mga hugasin sa kantina. Tuwang-tuwa siya dahil ngayon ang kanyang buwanang suweldo at buong-buo niyang makukuha iyon. Pumunta siya sa Supermarket para mamili ng kanilang pangangailangan. Habang inaabot ni Madice ang de lata, isang lalaki ang biglang sumulpot sa kanyang harapan kaya naman nasagi niya ang ibang in can goods kaya naglaglagan ito sa likod ng lalaki. “What the hell!” sigaw ng lalaki at tumayo ito. Napaatras si Madice sa sigaw ng lalaki at pareho pa silang nagulat nang mamukhaan nila ang isa’t isa. Buti na lang at hindi matao sa lane na iyon. “Ikaw na naman?” gulat na sabi nito. “Bakit, sa ‘yo ba ang Supermarket na ‘to at bawal akong mamili?” sagot naman niya. “Tsk! Ang layo ng sagot mo sa tanong ko. Sinabi ko bang sa ‘kin ang Supermarket na ito? And did I say ba na bawal kang mamili rito?” “Hindi, t-tinatanong ko lang. Bakit kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot na parang kabute?” alma niyang sabi habang hindi makatingin nang diretso sa lalaki. “So, kasalanan ko pa pala?” “Wala naman akong sinabing kasalanan mo.” “Teka, sinusundan mo ba ako? Stalker ba kita?” “Paano kita susundan, eh hindi kita kilala. Kapal ng mukha nito.’’ “Saan ka ba nakakita ng manipis na mukha?” “Saan? Baka kanino? Kay Michael Jackson,’’ sagot niya sabay irap sa lalaki. Natawa nang lihim si Owen sa inasal ni Madice. “Alam mo, miss, natapunan mo na nga ako ng ulam kanina, ngayon naman ay nahulugan ako ng mga de lata dahil clumsy ka. Ano kaya’ng susunod? Sana naman, malaking tilapia na,” nang-aasar na sabi nito habang ngumingisi nang nakaloloko. “Bastos!” sabi niya sa lalaki. “Ano’ng bastos do’n? Eh isda ang tilapia, hindi ba? At least, alam ko na at masasalo ko pa,’’ anitong kinindatan ang dalaga. “Loko-loko! Diyan ka na nga,” inis namang paalam ni Madice. Tatalikod na sana siya nang pigilan siya ng lalaki. “Miss, wait!” “Ano?” “I’m Owen De Jesus,” pakilala nito habang nakangiti at inilahad ang kamay sa ere. Tiningnan ni Madice ang kamay ng lalaki at tinanggap iyon. Nakipag-shakehand siya at tumalikod rin sa lalaki nang hindi man lang niya sinabi ang kanyang pangalan. “Hey! Tell me your name, Miss,” pahabol nito ngunit hindi lumingon ang dalaga. Hindi na nangulit pa si Owen at umuwi na rin si Madice sa kanila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
174.4K
bc

His Obsession

read
84.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
132.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
25.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook