Ashley Saktong 6 o'clock ng makarating kami sa bahay ni Edward, kanina pa sana kami dumating kung hindi pa humirit si Luke. Napapatawa na lang ako sa taglay nitong kamaniyakan. Di ko alam kung saan nito namana ang ganoong kapilyuhan. Nang makapasok ay naupo na kami sa pwesto kung saan naroon sina Aro at Jacob. Saktong magsisimula narin ang celebration. Nakita kung umakyat si Edward sa maliit na entablado, malawak ang bahay ni Edward pero mas malawak ang sa amin nina Luke. Sakto lamang ang laki ng bahay niya upang magkasiya ang napakaraming tao na kaniyang inimbitahan. "Good Evening ladies and gentlemen, I would like to take this opportunity to celebrate a very special day of the person whom I love the most." "Nak nampucha! May tinatago pala itong mukong na ito eh nuh!" Bulalas ni Jac

