Ashley Sa mga hindi na matapos-tapos na insidente ay mas lalo na ring naging mahigpit ang pagbabantay pa sa akin. Maliwanag na ako talaga ang gusto niyang patayin at hindi si Luke, balak nito akong paslangin para maipag-higanti ang ama nito. Mata sa mata, ngipin sa ngipin ika nga nila. Pero kahit ganoon hindi din naman namin hahayaan na patuloy lang kaming matatakot at mangangamba, hindi iyon ang dahilan para hindi namin makamit ang masasayang pangyayari sa aming buhay. Gaya na lamang ngayon, magkakaroon ng magarbong celebrasyon si Edward dahil sa mahalaga nitong anunsyo sa amin. Hindi na nito nasabi kung ano iyon kung kayat sinigurado nila na magiging ligtas ang pagdadausan ng selebrasyon na iyon. Abala ako sa pag-aayos ng aking susuotin ng biglang may yumapos sa aking bewang at ang

