Episode 26

1197 Words
Ashley Masaya akong nagba-bake sa aking shop habang ka-kwentuhan ko si Andrew. Yes! Pinayagan ako ni Luke na lumabas para magpunta sa coffee shop ko, dahil panigurado wala din naman akong ibang gagawin sa bahay kundi ang matulog at kumain. Saktong napadaan naman si Andrew sa shop at di niya inaakala na ako pala ang nagmamay-ari noon. "Walang kupas mga gawa mo, masarap pa din at kakaiba ah." Pagpuri nito sakin dahil pinatikim ko sa kaniya ang strawberry cake na gawa ko pati na din ang banana choco cookies na gawa ko. "Alam mo naman na ito ang hilig ko, nais ko nga din sana magkaroon ng sariling farm, taniman ng mga gulay at prutas." "Maganda yan, iyon ay kung papahintulutan ka ng asawa mong napaka-higpit." Sabi nito habang nakatingin sakin. "Kung ako lang ang naging asawa mo, hindi kita pagbabawalan sa mga bagay na gusto mo at ikakasaya mo." Muli nitong sabi habang patuloy na kumakain. "Andrew..." Magsasalita sana ako pero agad nitong pinutol ang sasabihun ko. "Yeah Ash. Nauunawaan ko, hindi na kita mapipilit na hiwalayan ang asawa mo. Nagbabasakali lang ako, na baka may chance din na magustuhan mo ako." Bakas sa mukha nito ang matinding lungkot at panghihinayang. Naging mabuting kaibigan sa akin si Andrew. Noong mga panahon na hirap na hirap ako sa sitwasyon ko ay siya ang naroon upang pasayahin ako at iwaglit ang lungkot na nararamdaman ko. Siya din ang nag-alaga sa akin noong mawala sakin ang anak ko. Kung kaya't hindi ko ito masisisi kung tuluyan na siyang nahulog sa akin, pero hindi ko naman ito magawang suklian, dahil sa paglipas ng araw at buwan, nanatiling si Luke ang laman ng aking puso't isipan. "Anyway Ash. I have to go. Marami pa akong gagawin, see you again then!" Pagpapaalam nito sa akin. Bago ito umalis ay niyakap ako nito at hinalikan sa noo ko. "Take care always Ash." Matamis nitong ngiti bago lumabas ng aking shop. Napatingin pay ako sa labas ng aking shop ng namataan ko si Amber na nakatayo at nakangisi sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba, nakatago lamang ito sa pagitan ng mga sasakyan dahilan upang hindi ito mahalata ng mga bodyguards ni Luke. Tumalikod na ito sa akin at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti bago ito tuluyang sumakay sa sasakyan niyang pula at pinaharurut ito ng mabilis. Sa pag-alis na iyon na Amber saka lang ako nakahinga ng maayos, lumapit rin sa akin ang isa kung staff at tinanong kung maayos lang ako. "Ayos lang ako, dalhan mo na lang ako ng tubig." Ngiti ko sa kaniya at bumalik sa aking opisina. Habang nasa loob ako ng shop ay hindi mawala sa isipan ko ang pagpunta ni Amber sa aking Shop. Ano na naman ang plina-plano nito. Makalipas ang ilang linggo ay tahimik ang lahat, walang nangyari na hindi maganda. Na mas lalo ko naman ikinatatakot dahil sa malamang sa malamang nagpla-plano sila ng matindi. Ilang araw din na naging busy si Luke, panay ang labas nila ng mga kaibigan dahil may mahahalaga din silang inaasikaso. Nanatili lang din ako sa bahay ngayong araw dahil nawawalan ako ng gana na umalis ng bahay, lagi din akong binibisita ni Andrew sa shop o kaya naman ay mayat-maya itong tumatawag inaayaya akong lumabas pero as usual hindi iyon gusto ni Luke. Abala ako sa pagkain sa kusina ng biglang may narinig akong komosyon sa labas. "Kukunin lang ho sana namin iyong bola na pumasok, sige na po." Rinig ko sa labas, tila boses ito ng bata. Para tignan kung ano iyon ay lumabas ako ng bahay at kita ko ang dalawang batang lalake na ngayon ay nasa tapat ng gate. "Sige na ho, kukunin lang ho namin ang bolannamin." Muli nitong sabi. Nakita ko naman ang bolang sinasabi nila kaya agad ko itong kinuha at lumapit sa may gate. "Ito ba ang tinutukoy niyo?" Pagtatanong ko. Ngumiti naman ang mga bata saka ko inabot ang bola na hawak ko. "Maraming salamat ho!" Masayang kinuha ng bata sakin ang bola at ng sila ay maka-alis nabigla ako sa biglang paghablot sakin ng isa sa mga tauhan ni Luke at pinadapa. Doon ko napagtanto na pinapaulanan kami ng bala na nagmumula sa labas, agad ako nitong hinila papasok ng mansyon habang patuloy ang barilan na nagaganap sa labas ng pinto. "Aaah!" Napasigaw ako dahil narinig kung may sumabog mula sa labas, patuloy padin ang batuhan ng bala sa panig namin at sa panig ng mga taong unang nagpa-ulan ng baril. Rinig ko naman na ang isa sa mga bodyguard ni Luke ay may kausapnsa kabilang linya. "We need back up now!" Sigaw nito ng paulit-ulit. Pinagpapasalamat ko na lamang at hindi na sila nagtangkang pumasok s aloob mismo ng aming bahay. Tila ba sadya lang nila itong gawin dahil nasa labas pa lamang sila. Ilan sa mga bodyguard ni Luke ay nakahandusay na at wala ng buhay, iba naman ay sugatan at hinihila ang iba pang mga kasamahan. Matapos ang ilang minuto ay mabilis na din na nagsi-alisan ang mga taong nasa labas. Ilang minuto ay nakarinignna din kami ng mga sasakyan na papalapit mismo sa aming tahanan. Marami ang dumalo at nagsidatingan. Agad namang binuhat ang mga nasawi at ang mga sugatan. Nanghihina akong napa-upo sa aming sofa. "D*mn! Ilan sa mga tauhan ko ang namatay dahil sa hayop na iyon!" Rinig kung sigaw ni Luke sa labas. Kararating lang nila ng bahay. "Papaanontayo naisahan ng isang babae lang!" Muli nitong pag-sigaw. "It's a set-up, sinadya niya tayong papuntahin sa lugar na iyon para makalusob sila mismo dito sa mansyon, She's mad! Really really mad." Pagpapatuloy ni Aro. "F*ck! How's my wife?" Tanong nito sa isang bodyguard. "Nasa loob na po si ma'am sir, mabuti na lamang at namataan agad namin na may paparating na mga sasakyan." Rinig ko ang mga yapak nila papasok sa loob ng pinto, hinintay ko ang pagpasok ni Luke ng makita ko siya ay agad ko itong nilapitan at yumakap sa kaniya. Inalo naman ako nito at pinapatahan. "D*mn! Luke!" Biglang pagsigaw ni Ed papalapit sa amin at saka inabot ang kaniyang Cellphone. "The h*ll!" Napasinghap ako ng makita ko ang video, kuha ito mismo sa aking shop na ngayon ay nasusunog. "Mabuti na lang Ash at wala ka roon." Lintaniya ni Aro. "Wala namang nadamay sa sunog sa shop, pero sugatan ang ibang staff na naroroon." Napatingin ako kay Edward habang sinasabi niya iyon. "Oh my God! Ito ang sinasabi ko, sa pananahimik niya may matindi itong gagawin. Luke! We have to make it stop, natatakot na ako sa pwedeng mangyari, at ayaw ko na may madamay pang mga inosente." Hindi ko na mapigilan ang sariling maiyak dahil sa mga nangyayari. "Kami na ang pupunta sa shop mo Ash, manatili ka na lamang muna dito." Umalis na sina Edward ang tanging kami na lamang ni Luke ang nasa bahay kasama ang iba pa nitong mga bodyguards. May mga dumating din na nag-aayos ng buong sekyuridad ng bahay, at ang pagpapalit na din ng gate sa bahay. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Hindi ko na din maiwasan mangamba, natatakot sa mga pwedeng mangyari pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD