Ashley Matapos ang mga nangyari at mga nasaksihan ko nalaman ko din ang totoong nangyari, bumalik ako sa bahay para ayusin lahat. Mas pipiliin ko na lamang na manatili at para matulungan ko din siya na maibalik ang mga ala-ala niya sa akin. Pero habang tumatagal palamig ng palamig ang trato niya sakin, parang hindi na siya ang Luke na asawa ko, kung gaano siya ka cold noong una ko siyang nakilala, mas naging malala ngayon. Mayat maya rin itong pumupunta at binibisita ang puntod ng dati nitong girlfriend, na halos lahat ng pagmamahal nito sa dating nobya ay bumalik. Nasasaktan na ako sa mga nangyayari, dahil sa aksidente na iyon, na pakana ng babaeng tinuring kung kaibigan ay unti unti ng nagugunaw ang buhay namin na masaya. Hindi na ako gaanong kinakausap ni Luke. Lumipas ang isang bu

