Ashley "Ashley, papasok na ako." Kasalukuyan akong naninirahan kina Hera sa kaniya ako humingi ng tulong at ngayon ay naririto ako. "Ash, hali ka na kumain ka na, halos hindi ka nakakain ng maayos eh " Nakangiti ako nitong inalok, halos magta-tatlong araw na din ako dito, mabait ang mga magulang ni Hera sa akin, buong puso nila akong pinatuloy sa kanilang tahanan. "Pasensya ka na Hera, ikaw lang kasi ang mahihingian ko ng tulong, iyong isa kung kaibigan hindi ko kasi ma-contact kaya ikaw na lang talaga ang tinawagan ko." Muli kung sinabi sa kaniya. "Walang kaso iyon sa akin, hindi ko alam pero natutuwa ako na nakakasama kita, actually pati sila mom at dad eh. Nasabi din nila sakin, na para kitang kapatid, kamukha mo si Ashley na twin sister ko, yes kapangalan mo siya." Mahaba nitong s

