Ashley Lumipas ang isang linggo at heto ako ngayon hindi mapakali, pabalik-balik ang lakad ko sa silid na tinutuluyan ko. Malakas ang pakiramdam ko na totoong ako ang nawawala nilang anak, kasunod din roon ang pag-alala na baka hindi ito tutugma. "Aaahhhh! ASHLEY! I KNEW IT!" Rinig ko ang malakas na sigaw ni Ate Hera hanggang sa bigla na magbukas ang pinto ko. Tumakbo ito papalapit sa akin at humihikbi. "Ang bunso ko." rinig kung sabi nito, pumasok din rito sina tita at tito sa aking kwarto. "Finally Edgar! Kompleto na tayo muli." Sabi nito at niyakap nila akong lahat habang umiiyak. Ibig sabihin, ako nga ang Ashley na anak at kapatid ni Ate Hera. Nabigla man sa mga nangyari, niyakap ko na din sila pabalik, ramdam ko ang saya nila ganoon na sa akin. "We're going to celebrate! Edgar

