Ashley
Napabalikwas ako ng bangon ng bigla kung maalala ang mga nangyari. Napatingin ako sa paligid at hindi pamilyar sa akin ang lugar.
"Oh, mabuti gising ka na, kumain ka na." Inilapag nito ang pagkain sa kama kung saan ako nakaupo. Tinignan ko ang suot ko at iyon padin ang suot ko kagabi.
At doon naalala ko ang nangyari.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo at napatingin kay Andrew.
"Pasensya na sa abala." Nahihiya kung sabi sa kaniya.
"Sus, lagi lang akong andito para sayo Ash. Sige na kumain ka na kagabi ka pa hindi kimakain eh." Sabi nito sa akin.
"Salamat."
Matapos kong kumain nanatili na muna ako sa veranda ng kwarto ni Andrew, wala ito ngayon dahil umalis para mag-grocery at pinili kung maiwan sa bahay niya.
Muli kong naalala ang mga nangyari kahapon, muli ay nag unahan na tumulo ang mga luha sa aking mata. Hanggang kailan ko ba dadanasin ang mga ito. Hindi ganoon kadali para mag hilom sa sugat na binigay ng taong lubusan kong pinagkatiwalaan. Hindi ganoon kadali na gamutin ang sarili, kahit gaano ko man kagustong gamutin ito, hindi iyon madali.
Kailan man hindi ako nagkulang sa pagmamal, binigay ko ang sarili ko ng buong buo. Malinis ang aking intensyon, at minahal ko siya sa tamang paraan na wala akong nasasaktan. Pero bakit ganito ang balik sa akin, ako pa itong nasaktan, bagkus kagandan lang naman ang pinakita ko.
Napatigil ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng mga ingay sa baba. Kayat dali dali akong lumabas ng kwarto. Pagbukas ng pinto ay nakita ko sa labas si Andrew na parang may itinataboy ito. Doon ko napagtanto na si Luke ito, may mga kasamahan rin ito. Hindi ko alam pero natakot ako. Agad akong bumalik sa kwarto ni Luke, at itinago ko ang maleta ko sa taas ng cabinet ni Andrew na kung saan hindi ito makikita.
Nagmadali din ako sa paghahanap ng pwesto na pwede kung pagtaguan. Lumabas ako ng kwarto ni Andrew at dahan dahan na naglakad papunta sa kabilang kwarto, mabuti na lamang at nakabukas ito kaya agad akong nakapasok.
Stock room pala ang aking napasukan, kaya mas pinili ko na lamang na isiksik ang sarili s isang gilid na kung saan puno ng mga kahon, mabuti na lamang at maliit ang aking katawan kaya nag kasya ako roon.
Habang nagtatago ay nakarinig ako ng mga yapak ng paa na kung saan papaakyat dito sa second floor, rining ko rin ang kanilang malalakas na boses. Ramdam ko ang galit ni Luke.
"Ash! Ash! Lumabas ka! I know you're hiding!" Sigaw nito, pero nanatilin pa rin ako sa aking pwesto.
"See, wala siya rito. Kaya pwede ba umalis na kayo. Nanggu gulo na kayo." Rinig kong sigaw ni Andrew.
"Bro, baka wala talaga dito si Ash."
"I don't know, May pakiramdam ako na andito lang siya, Kaya pwede ba Andrew, ilabas mo na ang asawa ko! Wag mong antayin na uminit ang ulo ko!" Pagbabanta nito kay Andrew. Kinakabahan na din ako sa pwedeng mangyari kay Andrew, pero ayaw ko din na magpakita muna kay Luke. Hindi ko siya kayang makita sa ngayon.
Ilang minuto ay nanatiling tahimik ang paligid, pinakiraramdaman ko kung ano na ang nangyayari sa labas. Nanatili lang ako sa pagkaka upo ko sa gilid.
Napamura ako ng biglang tumunog ang aking cellphone at doon ko napagtanto na si Luke ang tumawag. Nataranta ako dahil maaring narinig ito sa labas, kaya agad kong inihagis ang aking cellphone sa isang sulok.
Mas sumiksik ako sa aking pinagtataguan at mabuti na lamang dahil sa mga box na nagsilbing taguan ko upang hindi ako makita.
Muntik na akong mapasigaw ng biglang bumukas ang pinto ng sobrang lakas. Muli narinig kung tumunog ang aking cellphone sa isang gilid.
"D"mn it! Lumabas ka Ash, alam kong andito ka lang. Please love." Pagmamakaawa nito. Pero nanatili lang ako sa aking pwesto.
Rinig ko ang mga yapak na papalapit sa pwesto ko, dahan dahan akong tumayo para mas isiksik ang aking sarili. Naririnig ko na ang mga yapak nito na papalapit sa aking pinagtataguan, ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo, hanggang sa papalapit ng papalapit ang mga yapak hanggang sa bigla na lang akong bumagsak at hindi ko na namalayan ang sumunod pang nangyari.
*****
"Ash! Ash!" Napamulat ako sa mga mahihinang tapik sa aking mukha, bakas sa mukha ni Andrew ang pag-aalala. Nagtaka ako sa aking paligid dahil ang alam ko ay nagtago ako sa isang kwarto na may mga kahon na nakatambak, dahil ang kinaroroonan ko ay sa balkonahe ng silid ni Andrew.
Napagtanto ko na panaginip lang naman pala ang nangyaring pagpunta ni Luke sa bahay ni Andrew na pilit akong kinukuha.
"What happen to you? Pagdating ko nakita na lang kita na nakalupasay rito? Okay ka lang ba? Masakit pa ba ang katawan mo?" Sunod sunod nitong tanong sa akin.
"Okay lang ako, bigla na lang kasi ako nahilo kanina, siguro pagod lang at stress na din, kinakailangan ko pa talaga sigurong magpahinga."
"Halika, may binili akong pagkain baka gusto mo ng kumain para kahit papano lumakas ka." Inalalayan ako nito sa aking pagtayo papunta sa kaniyang kama at inilapag ang mga pagkain na binili.
"Andrew sobrang pasasalamat ko ngayon dahil tinutulungan mo ako, lalo nat may mga taong gusto rin akong saktan at nagtatangka sa buhay ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta eh."
"Lagi lang akong andito, sayang lang nahuli ako ng dating eh. Sana ako yong nasa posisyon ng asawa mo. Pero alam ko kahit anong gawin ko hinding hindi mawawala ang pagmamahal mo sa kaniya."
"Sa totoo lang hindi ko na alam, sobrang sakit na eh, ang sakit niyang mahalin."
Tahimik lng itong nakikinig sa akin, sa totoo lang din wala naman na akong ibang mapuntahan pa, lalo't nasira na ang pagkakaibigan namin ni Amber.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ang buhay ko, nagmula lang naman ako sa simpleng pamumuhay at hangad ko ang maayos na buhay, pero iba ang binabato ng tadhana sa akin.
Ilang minuto pa kami nag-usap ni Andrew bago ito magpaalam na may aasikasuhin lang siya kaya't naiwan na naman akong mag isa sa kaniyang bahay.
Sana maging maayos na ang lahat, dahil hindi ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin.