Ashley
"Please babe, open the door." Hindi ko iyon pinansin bagkus ay tahimik lamang akong umiiyak sa isang sulok. Bakit ganito? Lagi na lang ba akong masasaktan sa tuwing mamahalin ko siya. Totoo nga ba na kapalit ng matinding kasiyahan ay matinding kalungkutan.
Bakit sa tuwing nagiging okay na ang lahat, may darating upang masira ang kasiyahan na nagaganap. Bakit kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, sila pa ang madalas na nasasaktan.
Hindi pa ba sapat ang pagiging totoo nila sa mga nararamdaman kung kayat paulit ulit na ipinaparamdam ang sakit.
Ilang beses pa ba ako luluha para makamit ang totoong kaligayahan. Ano ba ang nagawa ko? O may nagawa ba akong mali para pagdusahan ang mga ito?
Nakarinig ako ng kalabog dahil sa lakas ng pagsipa sa pinto at tila ba balak na itong sirain. Pero imbes na bigyan ko iyon ng pansin ay hinayaan ko lamang ito.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon, hindi ko mawari. Nanghihina ako, hindi ko magawang tumayo sa kina uupuan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko na sa tuwing pilit kung tumayo ay paulit ulit lang akong napapaupo.
*Blag*
Hindi ko pinansin ang pagbagsak ng pinto, bagkus ay niyakap ko na lamang ang mga tuhod ko at tahimik sa pag iyak. Rinig ko ang mabigat nitong pag hinga, naramdaman ko itong papalapit sa akin.
Bago pa man ito makalapit sa akin ay agad na akong nagsalita.
"Huwag mo kung lalapitan. Nagmamakaawa ako, iwan mo muna ako." Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon, di ko alam kung umalis na ba ito o nanatili pa rin ito sa aking harapan.
"Ash...What you just know and hear aren't true. It was just a set up. Please babe listen to me. Yes, we meet, but I don't remember that I lay my hands on her. I swear, nothing happens." Sa pagkakataong iyon ay hindi ako nakasagot, hindi ko alam pero hindi sapat sa akin ang mga sinasabi niya.
"I was damn drunk, but hell, I didn't touch her, nothing happens!"
"Just please, leave me alone." Iyon lamang ang lumabas sa aking bibig. Gusto ko na munang mapag isa. Hindi ko alam pero naguguluhan ako. Nasasaktan ako di ko mawari.
Rinig ko ang pag buntong hininga nito. Hanggang sa marinig ko na itong lumayo, nang masiguro ko na wala na ito, bumuhos muli ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Hindi ko magawang paniwalaan ang mga sinasabi niya. Kung walang nangyari, bakit may mga larawan. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan at isa pa, buntis ang babae.
Hindi ko na alam kung ilang oras akong nanatili sa ganoong posisyon, madilim na ang paligid ng mapakalma ang sarili.
Dahan dahan akong tumayo, at nagtungo sa aking damitan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan kung bakit ako nag e-empake. Ang tanging gusto ko lamang sa oras na iyon ay lumayo.
Nang matapos ako sa pag ayos ng gamit ay agad kung tinawagan si Andrew, dahil siya lang ang malalapitan ko ngayon.
Dahan dahan ako sa pagbaba, mabuti na lamang at walang tao sa loob ng bahay. Nang sumilip ako sa labas ay naroon ang mga budyguards ni Luke.
Agad akong nag isip ng paraan para makaalis ng hindi nila namamalayan. Kinuha ko ang baril na nakatago sa cabinet ni Luke, agad ko namang inilagay ang mga gamit ko sa pintuan na pinakamalapit sa gate ng bahay.
Nagtungo ako sa kusina, at naghanda sa gagawin ko. Kumuha ako ng mga babasagin na plato at ibinato ko ito, naglikha iyon ng malakas na tunog kasama na rin ang ginawa kung pagsigaw. Rinig ko ang kanilang pagtakbo kung kayat alam ko na papunta na sila sa loob ng bahay.
Nagmadali akong nagtungo sa pintuan, binuksan ko iyon. Bitbit ko ang bag na kung saan naglalaman ng gamit ko, pagkatapos ay pinaputok ko ng tatlong beses ang baril na hawak ko at saka ito inihagis sa loob.
Nang magawa ko iyon ay mabilis akong tumakbo ng mabilis, mabuti na lang din at hindi ganoon kahirap na buksan ang gate, nakita ko rin agad ang kotse ni Andrew. Mabilis akong sumakay ng marinig ko silang tumatakbo papalapit sa akin. Mabilis din na nagmaneho si Andrew ng nakasakay na ako.
"What the hell? Ano bang nangyayari?" Bungad sakin ni Andrew, habang mabilis na nagmamaneho at napapatingin sa likod namin.
"Just please, ilayo mo ko dito. Sa lugar na walang nakakaalam. Hindi ko alam ang gagawin." Tinignan ako nito at bakas sa mukha nito ang awa sa akin.
Hindi na siya nagtanong pa kung kayat minabuti ko na lang din na tumahimik. Mabuti na lang din at hindi kami nasundan ng mga guards ni Luke.
Tahimik lang ang aming naging byahe, hanggang sa tumigil ito sa gilid ng daanan kung saan natatanaw ang magandang tanawin, napaka gandang pagmasdan ang kislap ng mga ilaw sa bawat gusali.
"Dito ako pumupunta pag sobrang bigat na ang loob ko. Iyong hindi ko na alam ang gagawin, nare relax ako sa tuwing napag mamasdan ko ito. Dito muna tayo." Lumabas ito ng sasakyan at saka nagtungo sa harapan ng pinto upang mapagbuksan ako.
Nang makalabas ako sa kotse nalanghap ko ang bango ng tanawin, dumampi sa balat ko ang napakalamig na simoy ng hangin. Naupo siya sa may gilid ng daanan kung saan may nakalagay roon na parang upuan.
Umupo rin ako sa tabi nito at sabay na pinagmasdan ang tanawin.
"Alam mo ba, minsan ayaw ko ng maging masaya ng sobra, dahil sa tuwing masaya ako. Matinding kalungkutan ang kapalit nito." Nakangiti itong tumingin sa akin. "So tell me, what happened?" Bumakas sa mukha ko ang kalungkutan.
"May dumating na babae sa bahay, nagkakilala sila ni Luke noong panahon na hindi ko siya kasama, and nasabi niya na may nangyari sa kanila at nagbunga iyon." Tuloy lang ang pag buhos ng luha ko. " Hindi ko alam, hindi ko siya magawang paniwalaan. May mga pictures na ipinakita sa akin iyong babae, hindi ko na alam sino papaniwalaan ko pa."
"Kung alam ko na ganyan, na masasaktan ka edi sana hindi na kita hinayaan na bumalik sa taong yon." Ramdam ko ang galit ni Andrew habang sinasabi iyon, napasandal na lamang ako sa kaniyang balikat habang patuloy sa pag iyak.
"Napapagod na ako sa ganito Andrew. Pagod na pagod na ako."
"Ash, pwede bang ako na lang. Ako na lang." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, wala na akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Kung ganoon lang kadali na alisin siya sa isipan ko ginawa ko na. Na ganoon lang sana kadali na palitan siya. Ang hirap, dahil ginawa ko siyang mundo ko. Nagtiwala ako ng paulit ulit, umaasa na magiging okay ang lahat.
Pagsubok pa ba ito sa aming relasyon? O hudyat para tapusin ang aming kwento? Hanggang dito na lang ba ang lahat lahat?
Hindi ko alam, pero ayaw ko siyang sukuan, pero nasasaktan na ako. Ano pa ba ang dapat kung gawin dahil ako mismo ay hirap na hirap na. Litong lito na ako sa kung ano ba ang dapat kung gawin. Tama na ba ang laban? O aasa na magiging maayos din ang lahat.
Siguro mabuti na lang na lumayo muna, para makapag isip isip. Pero bakit ganoon, hinahanap pa din siya ng puso ko.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong umiyak hanggang sa unti unti nang nagdilim ang aking paligid.