Episode 21

1837 Words
Ashley Napasalampak ako sa aking higaan ng makarating ako sa aming kwarto ni Luke. Kararating lang namin galing kina Andrew para muli itong kamustahin, as usual sinamahan ako ni Luke, ng maihatid ako ay agad na din naman itong umalis kaya ito ngayon mag isa na naman ako. Ilang araw na din ang lumipas at sa awa ng Diyos walang nangyaring hindi maganda. Naging tahimik ang mga sumunod na araw. Pero kahit na ganoon ay mas lalo akong kinakabahan, dahil baka may plinaplano na naman silang hindi maganda. Habang na sa ganoong posisyon ako ay nabigla ako sa biglaang pagkatok ng pinto. Lantang gulay akong tumayo at saka pinuntahan ang pinto para mapagbuksan kung sino man ang kumakatok nito. "Hi beautiful! Pinapasundo ka ng iyong napaka seloso mong asawa na daig pa ang demonyo kung makatingin ng masama." Bungad sa akin ni Edward pagkabukas ko ng pinto. Ano na naman ba ang gimik ng mga ito, at bakit ba ako pinapasundo ni Luke. Wala naman akong maalalang okasyon ngayon, at wala din siyang nabanggit na may pupuntahan kami. "Pero bago tayo umalis, mag ayos ka na muna, nagmumukha ka ng losyang." Pang aasar sa akin ni Ed, binatukan ko naman ito. Bwisit talaga itong mang asar. "Biro lang naman eh, mapanakit ka talaga eh gumagaya ka na kay Luke huh." Sinamaan ko na lang ito ng tingin, kumaway na lang ito ng nakakainis at sinarado ang pinto. Pagka baba ni Edward ay agad na din akong naligo ulit at nag ayos ng sarili. Simple lang naman ang outfit ko, iyong outfit na babagay sa kahit ano mang okasyon. Nang matapos ako ay agad na akong bumaba para puntahan si Edward. Naabutan ko naman itong nangangalkal sa loob ng ref ng mapansin niya akong nakatayo malapit sa kaniya habang ako ay nakapameywang nag peace sign ito saka inalis ang subong tinapay. "Bagay talaga kayo ni Luke. Anghel at Demonyo." Di ko naman napigilang hindi matawa dahil kung tutuusin sang ayon ako sa sinabi niya. Napapailing na lang din ako tuwing naiisip ko siya tuwing nagagalit or what. "Ano tara na?" Yaya niya sakin, tinanguan ko na lang ito, sumunod na ako sa kaniya. Sa kotse na din niya ako sumakay, kasunod naman namin ang mga buddy guards ko. Ilang minuto lang ang byahe at narating na namin ang aming destinasyon. Naalala ko na ito iyong garden kung saan nag celebrate ako ng birthday ko. Teka ano bang meron? Nang makababa ako sa kotse ni Edward ay inalalayan naman ako nitong papunta sa gitna ng garden. Ano na naman ba ang gimik nila. "Wise men say Only fools rush in But I can't help falling in love with you" Napangiti ako ng makita ko ang pinaka mamahal kung lalake na papunta ngayon sa kinatatayuan ko habang kumakanta ito. Nakita ko naman sa gilid ang mga barkada nito na tumutugtug ng kaniya kaniyang instrumento habang si Luke naman ay kumakanta. Kahit na ganoon kaloko ang mga ito, suportado at tapat naman na kaibigan kay Luke pati na rin sa akin. Napa ngiti ako dahil sa tuwa, napapaligiran ako ng mga taong alam kung hindi ako papabayaan. Pero ano nga ba ang trip ng mga ito ngayon ay may pahara harana na pa silang ginagawa. "Shall I stay? Would it be a sin If I can't help falling in love with you? Like a river flaws Surely to the sea Darling, so it goes Something are meant to be." Nakangiti itong lumapit sa akin habang kinakanta ang mga linyang iyon hanggang sa tuluyan na itong nakalapit sa akin at saka inabot ang isang kamay. "Take my hand Take my whole life too For I can't help falling in love with you." Inikot naman ako nito habang isinasayaw. Napapatawa na lang ako dahil ang isang Luke na sobrang tahimik at parang galit na galit sa mundo, pero ganito sa babaeng mahal niya. "Like a river flaws Surely to the sea Darling, so it goes Something are meant to be." "Take my hand Take my whole life too For I can't help falling in love with you For I can't help falling in love with you." Tumigil kami sa pag sayaw ng tumigil na din ito sa pagkanta. Nakangiti kaming nakatingin sa isa't isa pinapakiramdaman ang sobrang saya na aming nararamdaman. "I may not be the perfect man for you, but I can be a better man for you. You know how much I love you, I'll risk my life just to make you safe. I won't let anyone hurt nor harm you. I will always be by your side. We have been through a lot, that make us more stronger, and I will waste my time for you to know how important you are. I know this is not the right time for this, but I want it to happen. So I'm here, standing in front of you, and to ask you again." Hindi ko alam pero noong lumuhod siya ay napaluha ako, dahil sa tuwa pagkagulat, mix emotions ang nadarama ko sa oras na ito. Pakiramdam ko ay unang beses ko na namang makaranas ng ganito. "Will you marry me, again?" Hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya at paulit ulit na sinasagot ko siya ng Oo. Ramdam ko ang higpit ng yakap nito sa akin habang pinapaikot ako sa ere. Rinig ko din ang hiyawan at pagpalakpak ng mga kaibigan naminh nakasaksi sa pag propose ulit ni Luke. "So? Kelan na ulit ang kasal?" Pagtatanong ni Edward. "Tsk! You're not invited." Basag ni Luke sa kaniya. "Sus! Yon ay kung payag si Ashley na hindi ako invited bugok!" Nagtawanan na lang kami dahil sa ginagawang pang aasar ni Edward kay Luke at halata rin ang pagka pikon ni Luke. Kahit kailan talaga napaka-pikunin. "Tara na sa bahay ni Luke at tayo'y mag saya!" Sigaw naman nilang lahat maliban sa amin ni Luke na nakabusangot habang ako naman ay napapatawa sa pang aasar na ginagawa nila rito. "Tsk!" Hinila na ako ni Luke papunta sa sasakyan. Nang makarating kami sa bahay ay may naka park roon na kotse, isang puting kotse at sa harapan ng pinto pa talaga itong nakaparada. Sinong may ari ng sasakyan na iyon at bakit may sasakyan roon, paano ito nakapasok sa loob ng bahay. "Sir. Meron pong dumating hindi namin mapaalis dahil hinahanap ka at importante daw ang sasabihin sayo, kilala niya daw kayo. at may pinakita itong larawan niyo na magkasama kaya pinapasok na namin, at isa pa nagdadalang tao raw po ito." Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito, pero naramdaman ko ang pagkakahigpit ng paghawak ni Luke sa aking bewang. "Sino daw iyon?" Tanong ko naman kay Luke bago pa ito magsalita ay may lumabas ng babae, maganda ito at sexy rin. Pinagmasdan ko ito, walang kapatid na babae si Luke. Pinsan? naalala ko na hindi ito close sa mga pinsan nitong babae, kung kaibigan na babae ay wala itong kaibigan na babae. "Mabuti at dumating ka na." "Sh*t!" Rinig kung pagmumura nina Aro ng makarating sila sa bahay. "Tasha? What are you doing here?" Tanong ni Aro sa kaniya. "Well obviously I was looking for Luke." Mataray nitong sabi. Tumingin naman ito sa akin ng masama at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Cheap." Rinig kung sabi nito. Ako ba sinabihan ng cheap ng babaeng ito. "I won't waste my time to people like you. Leave already while I was in a nice state." Banta sa kaniya ni Luke pero ngumisi lang ang babae at hindi natakot sa banta ni Luke. "After mo kung mapakinabangan ganyan ang ibabalik mo sa akin, well then hindi mo ko mapipigilan sa gusto ko!" Galit nitong sigaw kay Luke. "Tsk! What do you want? Money? 1 million will be enough? or 10?" "Hindi pera ang habol ko, ama ng anak ko ang habol ko." Gulat akong napatingin kay Luke dahil sa sinabi ng babae, Ano bang ibig sabihin nun? Kilala ba ni Luke ang tatay ng bata? or what? "Ito ba? Ito bang babae na ito ang dahilan kaya hindi ka na nagpakita pa sakin matapos ang nangyari sa atin?" Nagpa ulit ulit sa tenga ko ang mga huling sinabi ng babae. Naramdaman ko din ang mas lalong pag higpit ng pagkakahapit sa akin ni Luke. "I have proofs para masabi ko na ikaw ang ama ng bata, dahil ikaw lang naman ang gumalaw sa akin." "I can say that I was drunk that night, but I'm not that kind of man to f*ck anyone, except for my wife." Napatawa naman ang babae sa sinabi ni Luke. "Really? Can you explain this." Meron itong iniabot na envelop kay Luke. " Baka gusto mo din makita yung video kung paano tayo maglaban sa kama?" Natigilan ako ng mapagtanto ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Buntis ang babaeng nasa harapan ko ngayon, at sinasabing si Luke ang ama nito, at may proof ito na may nangyari sa kanila. "Sayo ko lang binigay ang sarili ko, pero anong ginagawa mo, umalis ka ng walang pasabi? Kaya pala dahil binalikan mo ang ex wife mo." Dagdag pa nito. "Wife, she's not my ex-wife, cause she's my wife, still my wife." Inagaw ko ang envelop na hawak ni Luke. Nanginginig ko itong pinagmasdan. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng galit sa mga naririnig ko. "Oh baka gusto mo din makita ang video namin." Dagdag pa na sabi ng babae. Hindi ko ito pinansin bagkus ay tinignan ko ang mga larawan. Lahat ng larawan ay tulog si Luke, at ang babae ang tanging gising at siya mismo ang kumukuha ng letrato, suot nito ang polo ni Luke habang walang damit na pang itaas si Luke habang ito ay nakahiga sa kama. "Babe, That's not true, I swear there's nothing happened to us. I can clearly remember that i fell asleep." "Ayan na ang mga proof ko, sasabihin mo pang hindi totoo. Dalawang buwan na akong buntis Luke." Napatingin naman ako sa postura ng babae, hindi pa man mahahalata ang dyan nito pero dahil sa pinakita nitong result na nagkumpirma na buntis nga ito ay sapat na sakin para sabihin na totoong buntis nga ito. "Tasha! Pwede ba? Baka sa iba yan at pina paako mo kay Luke." Rinig ko namang sabi ni Aro. Napatingin ako sa kaniya. "Kilala niyo siya?" Mahina kung pagtatanong sa kanila. Nakita ko naman silang nagtinginan at tumingin rin sila kay Luke. "Ash..." "No need...Kilala niyo nga siya." Akma sana akong lalapitan ni Luke pero umatras ako. "Layuan mo ko. Nandidiri ako sayo." Iyon lamang ang tanging lumabas sa aking bibig at itinapon sa pagmumukha nito ang mga larawan na hawak ko kanina. Agad akong pumasok sa bahay, rinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Luke at ang ng mga kaibigan namin. Hindi ko sila pinansin pa dahil naguguluhan na ako, nagtatanong ako sa isipan ko kung ano ba nag nangyayari dahil ako mismo ay hindi ko pinapasok sa isip ko ang mga nalaman ko at ayaw ko na itong intindihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD