Ashley
"Plano niya iyon. May balak na talaga siyang ipaalam kung sino siya. At ang mahirap ngayon, ay nawalan na kami ng track sa kaniya. Matalino siya, dahil alam niyang minaman manan natin siya, sa umpisa pa lang alam na niya, at plano niya din iyon." Umaga pa lang ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ni Luke. Abala ngayon silang nag uusap, at nakaupo lamang ako at nakikinig sa kanilang usapan.
"All we have to do is to be more careful."
Kung iisipin lahat ng mga plano niya ay parang kagagawan na ng baliw, ganoon na ba katindi ang galit niya para lang mang damay ng ibang tao, saktan at pahirapan ang mga inosente. Naiintindihan ko ang galit niya sa taong pumatay sa ama niya, pero ang hindi ko maintindihan ay ang idamay niya ang mga taong inosente, kagaya na lamang ang ginawa niya sa bahay ni Luke ng may mga kalalakehan na nanggulo.
Bakit hindi niya maintindihan na aksidente lang ang namagitan sa kaniyang ama at si Luke, dahil prinotektahan lang naman ni Luke ang sarili dahil balak talaga ng ama niya na patayin ito.
Abala lang ako sa pag iisip ng biglang mag ring ang phone ko, at nakita kung tumatawag sakin si Andrew.
Bahagya namang napatingin sa akin si Luke, pinakita ko sa kaniya kung sino ang tumatawag tinignan niya naman ako ng Don't answer look. Kahit kailan talaga napaka seloso, tumatawag lang naman eh.
Pero hindi ko na lamang siya pinansin at bagkus ay sinagot ko ito.
("H-hello")
"Hello Andrew." Magiliw kung pagbati, kita ko naman sa gilid ng aking mata ang masamang tingin ni Luke.
("A-ash...p-puntahan mo ko...") Nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko ang boses nito na tila nahihirapan.
"Where are you?"
("B-bahay.") mahina nitong pagkakasabi.
"Hello?! Andrew? Ayos ka lang ba?"
Bagkus na sumagot ay hindi na ito nakasagot pa, nakarinig na lang ako ng kalabog na parang may nahulog. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pag alala.
"L-luke...Si Andrew." Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.
"Kailangan niya ko." Pagkasabi ko non ay nag iba ang kaniyang expression, galit itong tumingin sa akin.
"Why?" Malamig nitong pagtatanong sa akin.
"Samahan mo na lang ako please. Hindi maganda ang pakiramdam ko, parang may nangyari sa kaniyang hindi maganda." Kita ko rito ang hindi pagsang ayon, pero hindi ako tumigil na magmakaawa na puntahan si Andrew.
Ilang minuto ang ginugol ko para lamang mapapayag siya na puntahan namin si Andrew, habang nasa daan ay patuloy ito sa pagsasabi ng kung ano ano na hindi ko naman naintindihan dahil nag aalala ako kay Andrew.
Pagkarating namin sa bahay ni Andrew ay agad na kaming pumasok, hindi naka lock ang pinto. Tahimik at walang katao tao, wala ang mga magulang nito dahil nasa ibang bansa sila, iyon ang sabi nito sa akin. Nagderetso kami sa ikalawang palapag isa isa namin tinignan ang bawat kwarto, at sa pinakahuling kwarto namin nakita si Andrew.
Nakahiga na ito sa sahig at punong puno ng pasa at mga gas gas sa katawan, may mga bahid na din ng dugo ang kwelyo nito. Mas lalo akong nag alala dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari kung bakit ganito ang postura nito ngayon.
"A-ash..." Mahina nitong pagtawag sa akin, agad ko namang sinenyasan si Luke na masama ang tingin, pero hindi ko iyon pinansin bagkus ay nagpatulong ako rito na ilagay sa higaan nito, wala din naman itong nagawa kundi ang sundin ang utos ko.
Agad akong nagpunta sa banyo nito para kumuha ng bimpo at bowl na may maligamgam na tubig. Kumuha na din ako ng ibang damit nito, pagbalik ko ay nakatayo lamang si Luke at bored na bored itong napapatingin sa kwarto ni Andrew.
Binasa ko na ang bimpo at akmang pupunasan si Andrew ng biglang inagaw sa akin ni Luke iyon.
"Luke!" Sigaw ko sa kaniya, umiiral na namn ang pagiging seloso nito.
"I'll do it!" Matigas nitong pagkakasabi.
"Hey! Sit properly!" utos ni Luke kay Andrew, nanghihina man ay sinunod naman ito ni Andrew, inalalayan ko rin ito sa pag upo.
"Aray." Daing ni Andrew, dahil sa mabibigat na kamay ni Luke na pagpunas napapailing nalang ako dahil sa ganoong akto nito.
"Close your eyes." Napabaling ang tingin ko kay Luke ng magsalita ito. Hindi ko din alam kung sino ang tinutukoy nito. "You." nguso niya sa akin. Tsk! ang arteng tao, magpapalit na kasi si Andrew kaya niya sinabi iyon. Napapailing na lang ako sa ka OA niya.
Nang matapos ang lahat at ng medyo okay na din naman si Andrew, ay hindi na ako nag atubiling itanong kung ano ang nangyari sa kaniya na para bang binogbog ito ng sampong tao sa dami ng pasa at gasgas nito, pati labi ay pumutok, meron din itong black eye.
"Ano ba ang nangyari sayo? Nakipag away ka ba?" Mababakas pa din ang pag aalala ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin at ngumiti na ang pahiwatig ay wag na akong mag alala pa.
"Abala ako sa paghanda ng pagkain ko, ng bigla akong makarinig ng mga kaloslos, malabong mga katulong ko iyon dahil pinagbakasyon ko sila. Sa takot ko na baka pinasok ako ng magnanakaw ay agad akong tumakbo papunta rito sa aking kwarto. Pero may limang lalake akong nadatnan sa terrace at napagtanto ko na doon sila nagmula. May mga dala silang mga pamalo, akma sana akong lalabas pero na corner nila ako, at ang sabi nila bago ako saktan ay ang ipaalam ko raw sayo na pati mga kaibigan mo ay sasaktan nila, at kasama na ako roon." Hirap man sa pananalita ay maayos din naman nitong naipahayag ang nais nilang sabihin.
Hindi ako nakaimik at tumingin lang ako kay Luke na inaalam kung totoo ba ang mga pinagsasabi nito.
"Hindi nila ako tinuluyan dahil iyon ang utos daw sa kanila sabi noong isa sa kanila. Ash? Ano ba nag nangyayari? Bakit ganoon ang mga sinasabi nila?" Magsasalita na sana ako ng naunahan na ako ni Luke sa pagsasalita.
"It's because of me, I accidentally killed someone, but that is just a self defense and if you will ask what the reason, I wont tell you. That's the reason why they want me to suffer by means of involving all the important people in my life, and it's also includes the people that matters to Ash." Hindi ko akalain na sasabihin iyon ni Luke kay Andrew. "I hate to say this, and I know uttering this word wont heal your wounds and bruises, but I'm sorry." Matagal silang nagtitigan na tila binabasa ang isip ng bawat isa.
"Hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin sa iyo ngayon. Pero sana wag mong hahayaan na masaktan nila si Ash, lalo na kung wala siyang kasalanan. Kung tutuusin dapat sisihin kita, pero mas pipiliin kung huwag na lang, dahil iniintindi ko ang iisipin ni Ash." Mahabang pahayag ni Luke.
"Like I care." Matigas namang sabi ni Luke. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero hindi ito nagpatinag.
"Andrew, humihingi rin ako ng paumanhin sayo, dahil nadamay ka." Ngumiti lamang ito sa akin.
"Ayos lang, huwag ka lang nilang magkakamaling saktan ka." Rinig ko ang mga mahihinang pagmumura at pagbulong ni Luke, pero hindi ko na lamang iyon pinansin pa.
Matapos ang aming pag uusap ay agad na din kaming umuwi ni Luke. Nang makarating kami sa bahay ay nadatnan namin na andoon pa din ang mga kaibigan ni Luke.
"What the!" Malakas na sigaw ni Luke, dahil ang mga kaibigan nito ay kasalukuyang ng mga nakatumba dahil sa sobrang kalasingan.
Marami ang nagkalat na mga boteng pinag inuman at mga pagkain sa sahig na nahuhulog. Napailing na lang ako kung tutuusin ay sanay na rin naman ako dahil sa tuwing narito sila ay sobra ang kalat nila.
Dahil sa pagod ay hinila ko na lamang si Luke papa akyat ng aming silid na patuloy padin sa pagmura at pag sigaw sa mga kaibigan nito na wala namang kamalay malay sa mga pinagsisigaw ni Luke dahil mga tulog na ito sa sobrang kalasingan. Napapailing na lang din ako dahil sa mga ginagawang pag mumura ni Luke. Kahit kailan walang araw na hindi ito nakapag mura. Tila ba ginawa na itong hobby niya.