Ashley
Nagising ako ng wala ng katabi. Nakakainis hindi man lang ako nito sinuyo. Basta na lang ako iniwan ulit dito ng mag isa, at higit sa lahat hindi man lang ako makalabas.
Makalipas ang ilang minuto na pananatili ko sa kama ay nagpasya na akong bumangon upang maghanda ng makakain dahil ramdam ko na ang gutom ko.
Nagtungo muna ako sa banyo para gawin ang routine ko, matapos ay bumaba na ako para makapag luto.
Pagbaba ko pa lang sa hagdan ay sakto naman ang dating ni Ed, nagtaka naman ako kung bakit ito nandito ng ganitong oras, ang pagkakaalam ko ay may trabaho sila.
"Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba may trabaho ka?" Bungad kung tanong sa kaniya.
"Tsk. May pinabibigay iyong asawa mong tukmol, busy kaya ako na inutusan." Inis nitong sabi, napailing na lang ako at saka inabot ang isang paper bag na hawak nito.
"Ano ito?" Binuksan ko ang paper bag at naglalaman ito ng magandang dress, meron ding maliit na box, may laman itong earrings at kwentas.
"Suotin mo yan mamaya, sunduin ka ng asawa mo. Be careful here okay." Ti nap nito ang aking ulo bago umalis. Ano ba itong pakulo ni Luke.
Inilagay ko ito sa may gilid ng sofa at nagderetso na lang sa kusina para makapagluto na ng makakain ko.
Lumipas ang maghapon ko sa panunuod at pagkain, halos iyon lamang ang ginagawa ko dahil wala naman akong ibang maisip na ibang gagawin ko.
Abala ako sa panunuod ng makatanggap ako ng isang text. Mula iyon kay Luke. Susunduin daw ako nito mamayang 6 o'clock ng hapon. Naalala ko yung binigay na paper bag sa akin ni Ed.
Napatingin ako sa orasan at halos magmadali ako sa paggalaw ng makita kung 5 o'clock na pala ng hapon.
Mabilis akong nagtungo sa banyo para maligo. Madali lang naman ang ginawa kung pagligo, matapos ay pinatuyo ko na ang aking buhok.
Tinignan ko ang damit na susuotin ko, isa iyong sleeveless na dress. Mabilis ko na itong sinuot, napangiti ako ng makita ko ang kabuuan ko. Hindi sa nagyayabang pero maganda ang hubog ng katawan ko.
Nag lagay lang ako ng light make up, dahil ayaw ni Luke ng masyadong makolorate ang mukha, gusto lang iyon ng simple.
Itinali ko na lang rin ang buhok ko para mas magandang tignan. Mas lumitaw ang ganda ko ng suotin ko ang kwentas at hikaw na kasama ng dress.
Matapos kung maayusan ang sarili sakto naman na nakarinig ako ng busina. Malamang si Luke na iyon, agad na akong lumabas ng kwarto.
Hindi ko namamalayan na naiwaglit ko na ang inis at tampo na nararamdaman ko sa kaniya ng makita ko itong may malawak na ngiti pagkakita sa akin.
Nginitian ko na lamang din ito, ng makalapit ako ay agad ako nitong hinapit palapit sa kaniya at ginawaran ng mabilis na halik.
"Your so beautiful babe." Papuri nito sa akin. Nagtungo na kami sa sasakyan. Pinaandar na nito ang sasakyan, at habang nasa byahe kami ay kinukulit ko siya kung saan ba kami pupunta.
Pero tanging secret lamang ang sagot nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng excitement.
Ilang minuto pa ang tumagal ng makarating kami sa isang garden na punong puno ng mga magagandang ilaw. May mga nakikita rin akong naka pwestong mga lamesa at silya.
Inalalayan naman ako ni Luke sa paglalakad, ng papalapit kami ng papalapit ay nagtaka ako dahil nakikita ko ang mga kaibigan ni Luke at iba pa niyong mga katrabaho.
Nang tuluyan na makalapit ay sabay sabay silang nagbigkas ng HAPPY BIRTHDAY.
At doon ko naalala na kaarawan ko pala ngayon, dahil sa sobrang dami ng mga nangyari pati kaarawan ko ay nakalimutan ko na.
"Happy Birthday Ash!" Bati ng mga kaibigan nito sa akin.
"This is my simple surprise for you babe." Napayakap ako kay Luke dahil natutuwa ako. Nakalimot ako sa sarili kung kaarawan pero hindi nito kinalimutan.
"Ah wait. Here." Binigay nito sa akin ang cellphone, iyon pala ay naka video call sa amin sina mom at dad.
Binati lang ako ng mga ito at nagbigay ng mga payo at iba pang matatamis na salita. Hindi ko man naranasan ang magkaroon ng buong pamilya, pero nagpapasalamat ako sa mga magulang ni Luke dahil pinadama nila sa akin ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang anak.
Matapos ang aming pag uusap ay may mga binigay sila sa aking mga regalo. Pati mga katrabaho nito at iba pang kakilala ay niregaluhan ako.
Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko si Amber dahil wala ito roon. Kahit ganoon ay mahalaga pa din sa akin si Amber. Sa maikling panahon ng pagsasama namin bilang matalik na magkaibigan ay naging mahalaga na siya sa akin.
"Babe? Are you okay?" Tanong sa akin ni Luke.
"Naiisip ko lang si Amber, kahit na ganoon ay naging parte na siya ng buhay ko. Nalulungkot ako dahil wala siya." Niyakap lang ako nito at saka inaya.
"Let's go." Nagtaka naman ako dahil nagsasaya pa lang kami. Binigyan lang ako ng ngiti at saka nagpaalam sa mga kasama namin at ganoon rin ako.
"Uuwi na tayo?" Tanong ko ng makaalis kami.
Pero hindi ako nito sinasagot hinawakan lang nito ang kamay ko at patuloy lang kami sa paglalakad patungo sa tabi ng dagat.
"We're here." at dahil mabuhangin at nahirapan ako sa paglalakad ay binuhat ako ni Luke. Beach picnic. Sakto ang liwanag ng buwan at napakaraming bituin.
"Peace offering mo ba to?" Tanong ko kay Luke. Narinig ko lang itong tumawa at saka ito lumapit sa akin. Sumandal lang ako sa kaniyang dibdib habang naka back hug ito sa akin. Masaya naming pinagmamasdan ang mga bituin.
"Babe. I'm sorry if sometimes or should I say, I'm being over protective of you. It's just that I can't afford to lost a diamond. I may not be that showy, but I do really love you. Forgive me for all my mistakes, and the things that I have done to you that causes you so much pain. I love you so much Ashley, always and forever." Humigpit ang yakap nito sa akin. Hindi ako nagkamali sa desisyon ko na bigyan siya ng isa pang pagkakataon.
Hindi niya ako binigo, lubos lubos na pasasalamat ko sa Diyos dahil kahit na nagdaan kami sa mahirap na pagsubok ay pinagbuklod niya parin kami, at lahat ng pagsubok na iyon ay maykapalit na matinding kasiyahan.
"I love you Luke always and forever. Masaya ako na nakilala kita, kalimutan na natin yung mga masasakit na ala ala. Gumawa tayo ng panibagong ala ala." Matamis ang pagkakangiti ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghigpit nito ng yakap sa akin.
"Because of you I experienced to become more happy. Your my happiness Ash." Siniil ako nito ng halik.
Nanatili kami ng ilang oras sa pagtitig sa buwan at sa mga bituin.
"Let's go back babe." Usal nito at inalalayan ako sa pagtayo. Nakaramdam na din ako ng ginaw, nang bumalik kami sa garden kung saan naganap ang maliit na selebrasyon ay konti na lamang ang natitirang mga bisita, naroon pa din sina Ed at masayang nakikipaglandian naman si Aro.
Tsk.tsk. Kailan ba magtitino ang isang to?
"Hey guys, we're leaving." Paalam ni Luke sa kanila. Nagpaalam na din ako sa kanila at muli ay binati ako ng mga ito.
Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa bahay. Nagpahinga kami ng saglit saka naligo, pagkatapos ay nag prepare ng makakain si Luke dahil nagutom ako bigla.
Abala ako sa pagtingin sa mga regalo. Natutuwa ako dahil bagamat simple lang ang iba ay ang gaganda ng mga ito.
Niregaluhan ako ni Ed, Aro at Jacob ng mga libro. Alam kasi nilang mahilig ako sa mga books. May mga natanggap akong mga dresses, meron din bag at iba pa.
Abala ako sa pagbu bukas ng mga regalo ng pumasok na si Luke at inilapag sa lamesa ang mga pagkain na inihanda nito.
Nagpunta ito sa may terrace dahil nakatanggap ito ng tawag galing kay Black. Secret agent ni Luke.
Pinili kung inuna ang second to the last na regalo bago kay Luke. Simple lang ang pagkakabalot nito, brown box at may black na ribbon.
Napasigaw ako ng tuluyan ko itong nabuksan. Nanginginig akong tinitigan iyon.
"Babe! What happen?" Nag aalalang tanong ni Luke ng makalapit siya sa akin. Nanginginig kung itinuro ang box na may dugo. Hindi ako sure kung ano ang laman isang patay na hayop.
"The f*ck!" Napatakip si Luke ng ilong ng makita kung ano iyon. Mga daga iyon at may nakalakip na larawan ko at may nakalagay na kusilyo sa noo ng larawan ko.
Agad iyon kinuha ni Luke para itapon. Ganoon pa rin ang pwesto ko ng bumalik ito. Agad ako nitong inalalayan paupo sa sofa. Hindi ako makapagsalita, naroon pa din ang takot at pagkagulat ko. At hindi ko na kailangan isipin ba kung sino ang nagpadala non. Alam kung si Amber iyon.
Nagpaalam sa akin si Luke na may tatawagn kaya naiwan ako sa kwarto ng mag isa. Agad kung kinuha ang aking telepono at tinawagan si Amber.
"Hi best! Happy Birthday! Pasensya ka na wala akong regalo at hindi kita napuntahan." Rinig kung sabi nito sa kabilang linya. Sumilay sa mukha ko ang plastic na ngiti.
"Actually natanggap ko na ang regalo mo." Mahinahon kung sabi sa kaniya. Rinig ko itong tumawa. Parang baliw.
"Bakit Amber? Bakit kailangang ikaw pa? Hanggang kelan mo itatago sa akin ito? Tinuring kitang kaibigan at kapatid." Hindi ito sumagot sa mga tanong ko.
"Tsk. Pasensyahan na lang tayo, di ka naman madadamay kung hindi mo siya nakilala. Alam mo kung ako sayo, iwanan mo na lang siya. Isa pa hindi ko na kailangan pa na ipaalam sayo, dahil alam ko na malalaman mo rin ang lahat mula sa asawa mo. Oh, anong kasinungalingan ang ikinuwento sayo?"
"Huwag galit ang manaig sayo. Lalo kung hindi mo naman alam kung ano ang tunay na naganap. Amber alam kung kahit papano ay may mabuti kang kalooban, kaya kung pwede lang sana, alamin mo ang lahat. Huwag mong hayaan na sirain ka ng galit."
Rinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. Nawalan ako ng pag asa na mababago ko pa ang isip nito.
Hindi na ito nagsalita pa at ibinaba na ang tawag, Sakto naman ang dating ni Luke.
Matapos akong pakalmahin ni Luke ay nagpasiya na kaming matulog at magpahinga. Bukas ko na lang isipan ang lahat ng nangyari.