Episode 18

1448 Words
Ashley Hindi ako makapakali sa kwarto dahil di ko alam kung ano ang gagawin kung palusot para makaalis ako sa bahay upang makipag kita kay Amber. Panigurado ako na baka hindi ako payagan ni Luke, lalo na't alam ko na ang lahat lahat. Pero nagbabakasakali lang ako na baka maayos ito sa maayos na pakikigpag usap kay Amber. Kaya lang niya nagagawa siguro ang lahat ng iyon dahil inakala nito na pinatay ni Luke ang daddy nito, the fact na accident lang ang lahat. Baka sakaling magawa kung mapatigil si Amber sa ginagawa niya. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto, pagkababa ko pa lang ng hagdan ay sinalubong na ako ni Luke ng nagtatakang mga tingin. Nagtatanong ang mga mata nito. "Babe, makikipagkita ako kay Amber." Pagkasabi ko nun ay naging masama na ang timpla ng mukha nito. "No! You're not going anywhere." Matigas nitong pagkakasabi. "I just want to talk to her, besides hindi niya alam na alam ko na ang totoo nitong pagkatao. Just please let me talk to her." Bakas sa mukha nito ang hindi pagsang ayon. Umiling iling ito at hinawakan ang noo nito at hinimas himas na tila ba sumasakit ang ulo nito "Ash, can you just please listen to me. Stop being stubborn will you!" Hindi iyon pasigaw pero mababakas roon ang matindi nitong pagka inis. "Bakit ba ayaw mo ko pagkatiwalaan, gusto ko siyang makausap baka mapakausapan ko pa ito na itigil na ang lahat." Patuloy na pagpapaliwanag ko sa kaniya. "You don't understand do you? You don't know the harm might be waiting for you if you meet her! Don't be so hardheaded Ash!" Nabigla ako sa ginawa nitong pag amba ng suntok sa lamesa dahil sa inis. "Alam ko, pero nagbabakasakali lang naman ako. Bakit ba hindi mo din iyon iniintindi? Ikaw na lang lagi ang nasusunod, paano naman ako?" Nainis ako dahil sa pagiging sarkastiko nito sa pagtawa sa akin. Tinalikuran ko na ito at akma na akong hahakbang ng bigla ako nitong hilahin at i-corner sa may pader. "You're not going anywhere." Madiin nitong pagkakasabi at saka ako binuhat pabalik sa aming kwarto. Kahit anong pagpipiglas ang gawin ko ay hindi ako nito hinahayaan na makawala. Hindi rin ako nito pinapakinggan sa mga pinagsasabi ko. "Aaah!" Nabigla ako sa ginawa nitong biglang pagbitaw sa akin. Hindi iyon masakit dahil malambot ang kamang pinaglagyan niya sa akin. "Stay here." Madiin nitong sabi sa akin. Nainis ako dahil hindi ko na ata magagawa ang plano ko. Amber's POV "Tsk. Sinasabi ko na eh, hindi na hinahayaan pa ni Luke na makita o makasama ko si Ashley. I bet alam na din ni Ashley ang lahat. But I don't care." Inis kung ibinato ang baril sa aking higahan. Nagpalit na ako dahil alam kung hindi na din naman matutuloy ang pagkikita namin ni Ashley. Mukhang mahihirapan ako this time. Kakailanganin kong mapalabas si Ashley sa lungga nito. Tignan na lang natin kung hindi mamatay sa takot ang isang Luke! Kumuha ako ng isang dagger at saka iyon ibinato. Saktong tumama sa larawan ng lalakeng pumatay sa aking ama. Hindi ako titigil hanggat hindi mo mararanasan ang mawalan ng taong pinapahalagahan mo. Isang napaka importanteng tao ang kinuha mo sa akin Luke. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa daddy ko! Sunod sunod ang ginawa kung pagbato ng dagger sa larawan ni Luke. Hindi ko mapigilan ang sarili na makaramdam ng kaginhawaan tuwing ginagawa ko ang bagay na iyon. Napatingin muli ako sa may lamesa kung saan naroon ang mga larawan namin ng aking pinakamamahal na ama. "I didn't have the chance to say thank you to you dad." Alam ko na illegal ang trabaho ng aking ama. Pero kinailangan niya iyon upang isalba ako sa kamatayan. Kapapanganak pa lang saakin noon ng nanay ko ay iniwan na ako nito, iniwan niya kami ni daddy para sa ibang lalake. At ang masakit iniwan niya ang anak niyang hinahabol ang kamatayan. May sakit ako sa puso, at dahil hindi ganoon kaganda ang income ng kompanya ni daddy ay napilitan itong gumawa ng bagay na hindi mabuti. Naging mafia ito, at tila ba nasanay na at nabago na ng panahon ang aking ama. Ngunit isa lang ang hindi nabago, iyon ay ang pagmamahal niya sa akin na anak niya. Kahit na ganoon ang trabaho ng aking ama ay ginagawa lamang nito iyon upang matus-tusan ang pangangailangan ko at masiguro na maayos ang pamumuhay ko. Oo, pumapatay ang daddy ko but he doesn't have any choice but to kill. Iyon ang tanging paraan para maipagtanggol nito ang sarili laban sa mga nagtatangka rito. Ganoon ang gawain nila. Gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang nangyari sa daddy ko. At hindi ko kasalanan kung bakit ako naging ganito, ginawa nila akong ganto. Ginawa akong halimaw ni Luke! Dahil pinatay nito ang daddy ko! Muli akong napatitig sa larawan ng aking ama. "Don't worry dad, pagbabayarin ko si Luke. Dadating ang panahon na mararanasan rin ni Luke ang hirap na pinag daanan ko." Ashley's POV Buong maghapon akong nakahiga at hindi ako lumabas ng kwarto. Naiinis ako, naiinis ako sa lahat ng bagay. Dahil sa sobrang badtrip ko napagbuntungan ko ang kwarto namin sa inis. Nagkalat ang mga unan at iba pang gamit, at wala akong balak na ayusin iyon. Badtrip talaga! Dahil maghapon akong hindi lumabas ay nakaramdam ako ng gutom. Kaya napag desisyonan kung bumaba upang kumuha ng makakain. Sa pagbaba ko ay nagulat ako dahil naroon pala sa baba sina Luke at ang mga kaibigan namin na tila may pinag uusapan. Natigil lamang iyon ng bigla akong dumating. Hindi ko sila napansin pero naramdaman ko ang isang titig na tila ba pinapasok nito ang aking kaluluwa. Walang duda, si Luke iyon. Tsk. Ano na naman ba problema nito at ganun makatingin sa akin? Inis kung sabi sa aking isipan. Matapos kung kumuha ng makakain ay muli na akong bumalik sa aming kwarto, napansin ko noong dumaan muli ako ay tumahimik na naman sila. Tsk. Mga wirdo. Nang makarating ako sa labas ay inilapag ko sa maliit na lamesa ang mga pagkain ko saka naupo sa sofa at binuksan ang Tv. Sa kwarto namin ni Luke ay mayroon itong parang mini sala, ginawa iyon dahil mahilig kaming manuod ni Luke ng iba't ibang klase ng mga movies at iba pa kaya pinaayos nito ni Luke. Abala ako sa pagkain at panunuod ng biglang bumukas ang pinto pero hindi ko na lamang iyon pinansin bagkus ay ipinag patuloy ko ang pagkain at panunuod. "What the! Seriously Ash?!" Tinutukoy nito ang kalat na ginawa ko sa aming kwarto, pero hindi ko ito tinapunan ng tingin. Nagkunwari ako na parang wala akong narinig. Hindi ko man nakikita ay alam kung inayos ni Luke ang mga kalat ko. Aba! Bahala siya maglinis, ininis niya ako kaya kasalanan niya yan. "Tsk. I told you when my friends is here wear something that they won't see what's mine!" Inis nitong sabi pero hindi ko pa din ito pinapansin. Bahala ka dyan kausapin mo sarili mo. Wag mo kung simulan Luke, itigil mo yang kabanuan mo. Inis kung sabi sa aking isipan. Napansin ko ang ginawa nitong pag iling bago umalis, nakita ko itong nagtungo sa banyo. Siguro ay maliligo na ito. Natapos na ako sa panunuod at inayos ko an din ang pinagkainan ko. Pagbalik ko sa aming kwarto ay nakita ko si Luke na nakatapat sa loptop nito at tila may ginagawa. Hindi ko na lamang iyon pinansin at saka nagtungo ako sa banyo. Ni lock ko iyon para hindi makapasok ang maniyak na iyon. Panigurado baka bibigay ako, gusto ko na munang magtampo sa kaniya. Pinuno ko ang bathtub at saka naglagay ng body soap, saka ako humiga. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ako ng tagal, hindi pa sana ako aahon sa tub ng makarinig ako ng malakas na pagkatok sa pinto. "Hey Ash! What the hell are you doing? Are you okay?" Rinig kung pagtatanong ni Luke. Hindi ko ito kinibo, bagkus ay naghugas na ako ng katawan at nagpatuyo ng katawan saka nagsuot ng pantulog. Sa loob ng banyo namin ni Luke ay mayroon na rin doon na walkin closet namin. Pagkalabas ko ng banyo ay natapat sa akin ang isang bulto ng lalake. Nakatayo ito sa pinto ng banyo. "Babe, I'm sorry." Malambing nitong pagkakasabi. Pero nilagpasan ko lamang siya. Rinig ko ang mabigat nitong paghinga bago lumabas ng kwarto. Tsk. Di talaga ako susuyuin. Badtrip kang lalake ka! Dahil sa inis ay nagdesisyon akong itulog na lamang. Lumipas ang ilang minuto at sinakop na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD