Chapter 28

1776 Words

JUSTIN NAPADILAT ako dahil sa ingay ng tilaok ng mga manok. Dahan-dahan akong napabangon at naghikab. Ang sarap ng tulog ko. Napaka-presko talaga rito sa probinsya. Mahimbing lang naman akong nakatulog dahil hindi gaanong maingay rito sa lugar nina Lola kumpara doon sa lugar namin sa Maynila. Mga ingay ng walang tigil na pagdaan ng mga sasakyan, nagkakaraoke kahit dis-oras ng gabi, at iba pang ingay na likha ng isang tipikal na syudad. Samantalang dito ay mas mapayapa. Napansing kong wala na si Sid sa aking tabi. Ang aga naman yatang magising ng batang iyon. Sinuot ko na lamang ang aking tsinelas at saka ay tumayo. Muli akong humikab at nag-unat ng katawan bago kaswal na napatingin sa lapag kung saan natutulog si Papa. At halos magulantang ako nang makita ko si Sid na nasa tabi nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD