“Ok, class dismissed. Don’t forget to bring your research papers on our next meeting.” wika ni Sir Aries at nagsipag-tayuan na kaming lahat. Kinuha ko na ang aking bag. Akmang lalabas na sana ako ng aming classroom nang bigla na lamang may umakbay sa akin. Medyo nagulantang ako dahil kanina pa ako may malalim na iniisip at bigla-bigla na lamang itong sumulpot. “Uuwi ka na agad?” sambit nito. Si Miko lang pala. Tinanggal ko ang kanyang braso mula sa pagkakapatong sa aking batok. “Obvious ba?” pagtataray ko rito at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng classroom. “Init ng ulo neto.” Sumunod naman ito sa akin. “Ano bang kailangan mo?” diretsahan kong tanong rito at bigla itong hinarap. “Napansin ko kasi na parang iniiwasan mo na ako mula nu’ng... Alam mo na...” Medyo nahihiya nitong

