SANDY
Isang linggo na rin ang mabilis na lumipas nang ihatid namin sa huling hantungan ang labi ng mga magulang ko.
Kung dati rati lagi man silang wala sa bahay alam ko naman sa sarili ko na may aantayin ako sa harap ng pinto.Lagi ko ngang inaabangan ang kanilang pag- uwi.
Ngunit iba ang sitwasyon ngayon.Naisin ko man sila makita at magdamag na tumayo sa harapan ng pinto nang antayin ang pag uwi nila.Wala nang uuwi pa wala na akong aabangan pang umuwi.
Naging mas masakit saakin ang biglaang pagkamatay ng mga magulang ko.Dahil ayon umano sa imbestigasyon ng mga pulis sinadya at planado ang pagkamatay nila.Hindi ko lang matanggap dahil kung sino man ang may pakana ng lahat ng ito paano nya nagawang kunin ang buhay ng mga magulang ko.
Alam ko naman na ang buhay ng tao ay hiram lang natin lahat sa diyos at ang diyos lang ang may karapatan na kunin ito.Kay buti sa lahat ng mga magulang ko at lalo kong nakita iyon dahil sa dami ng mga nakiramay.Kaya naman labis labis ang galit ko sa taong nasa likod ng kanilang pagkawala.
"Sandy,Sandy" tawag ni yaya Nena habang kumakatok sa pintuan ng aking silid.Ilang araw na rin akong hindi lumalabas sa aking silid.Tanging gusto ko lang ay ang umiyak nang umiyak.Pakiramdam ko kasi ang bigat bigat ng katawan ko at para rin akong isang buhay na patay.
Wala nang sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.Gusto ko nga sanang wala nang maramdaman yung bang gusto kong maging manhid na lang.Gusto ko rin ang magka-amisya.
"Sandy,Ano ba! Gusto mo bang ipasira ko pa itong lack ng pintuan mo?" rinig kong sigaw ni yaya Nena sa likod ng saradong pintuan.
"Ahhh! Ano ba yan, Eto na tatayo na!" pasigaw ko rin na sagot. Naiinis man, pinili ko na rin ang tumayo nang pagbuksan ang nagmamay ari ng tinig.
"Ohhhhh ano! Ano na naman ba?" bungad ko kay yaya Nena ng pagbuksan ko ito ng pinto.Kainis kasi, ang sakit sakit ng ulo ko tapos eto sya katok nang katok.
mabigat man at masakit ang aking ulo mas pinili ko na ang bumangon para malaman kung anu ba talagang nangyayari sa labas tila lalong nagkakaroon gulo.
para akong mabubuwal bawat paghakbang ko ng mga hagdanan,
pinilit ko parin ang maglakad pababa mula rito tanaw ko ang mga hindi pamilyar na mukha.
Yung isa parang isang abogado ,nakasuot kasi ito ng coat and tie na suit at may dalang atashi case at may mga masamang mga kalalakihan na pagkalaki laki ano,,,
syempre ng katawan.kayo talaga mga green minded makarinig lang ng ANO.iisipin na yun eh.
señorita gising na po pala kayo bati saakin ng isang katulong na si Anna na ka edad ko lang rin..
lumapit ito saakin upang alalayan ako dahil kita siguro sa pagmumukha ko ang hindi maayos na lagay ni hindi ko nga halos maidilat ang aking mga mata pakiramdam ko maga ang mga ito..
Anong nangyayari dito..?
sigaw kong tanong Kay kuya betong habang pinipigilan nila na makapasok ang mga unipormadong mga kalalakihan at ng isang parang attorney.
ahhh señorita nagpipilit po kasi silang pumasok gusto raw ho nilang makita ang buong loob ng mansion.nahihirapang sagot ni kuya betong saakin dahil sa pagpigil nila makapasok ang mga naturang lalaki.
At bakit gusto ninyo makapasok at makita ang pamamahay ng mga magulang ko..? mataray kong tanong sa mga ito habang naka pameywang.
Ahhh kasi señorita....ganito kasi iyon...bitin bitin na sabi ng isang parang attorney nakangisi pa man din ito saakin at may nakakasukang tingin,na animoy isang asong ulol..
pwede ba ayus ayusin mo ang pananalita mo..? wag kang pa pogi dahil hindi naman..
you like a old dirty man,na uugod ugod di bagay duh.....!pamaldita kong sabi sakanya..
pakiramdam ko kasi para sya yung isang tao na may taglay na isang katerbang kamanyakan sa takawan na animoy hubad ka sa paningin nito
Okey okey...! Hindi na ako magpapaliguy liguy pa señorita...sagot nito saakin na may ngising aso..
Ito kasing hacienda at mansyon ninyo ay kailan man ay hindi na
magiging pagmamay ari mo.. sagot nito na may pang iinsultong kasama at bawat salita ay may diin...
Anong sabi mo...? galit kong tanong pati yung mga eyeballs ko sa mga mata ay gusto ring magwala sa sobrang ginawa kong pagdilat..
Itong hacienda at mansyon kung saan ka nakatayo ay pag aari ng mga magulang ko at kailanman ay hindi ko ipinagbibili kahit pa kanino..
hep hep hep ....! sabi nito na may kasama pang malakas na tawa ng
isang demonyo sa katauhan nito.
may señorta may señorita...!
nahuli ka na sa mga balita,hindi ka updated...?nakakaloko nitong tanong saakin.
Ang lahat ng mga nakikita at natatanaw mo at maging ang hacienda at ng mansion kung saan ka nakaapak ay ibinenta at nabili na sa malaking halaga. sagot nito saakin na hindi parin nawawala ang mga ngiting demonyo..
Anong karapatan mong ibenta ang mga ito...? Wala kang karapatan gawin iyo..! galit na galit kong sigaw sa kanya habang hawak ito sa magkabilang kwelyo,
sobrang lapit ng mukha namin gusto ko na nga itong durain dahil sukang suka ako sakanya.
Hindi ko na alintana ang mga laway kong nagtatalsikan sa mukha nito,
naalala kong hindi pa pala ako nakakapag tooth brush ng ilang araw..
okey okey humihingi ako ng paunmanhin sa mga inasal ko.
habang pilit kong kinakalma ang aking sarili habang inaayos ang nagulo nitong kweldo at pinagpag iyon ng may kalakasan at pilit ang aking ngiting pinakawalan..
alam mo kasi Mr. attorney bata man ako sa iyong paningin,alam ko naman ang mga karapatan ko bilang anak ng may ari ng haciendang ito at maging ang mansion,kaya paano maibebenta ito ng hindi ko man lang nalalaman.? ha? mahinahon ngunit may diin na mga salitang binitawan ko sakanila kahit pa sa totoo wala akong kaalam alam pagdating sa mga karapatan na yan.
Ms. señorita ang pagbili ng inyong hacienda at maging ang mansion na ito ay dumaan sa legal at malinis na proseso.
Ito ay handa narin kunin ng bagong may ari,kung maari lamang lisanin na ninyo ito sa lalong madaling panahon.
kung hindi mapipilitan kaming kaladkarin kayo kasama silang lahat..Turan nito saamin.
alam mo Mr. attorney mas mabuti pa siguro kung sabihin mo nalang saakin kung sinong demonyo ang nagbenta nitong hacienda kung ayaw mong dito palang lagutan ka na Ng hininga,sabi ko sakanya habang sakal sya leed gamit ang sarili nitong kurbata.
Hindi mo naitatanog Mr. attorney nag aral ako Ng martial arts at naging black beltter din ako,kaya mas mabuti pang magsalita ka na..
Hindi ako makanginga..! sambit nito na halos mangitim na ang mukha..
ayyy....! oo nga pala,pasensya na,nahihigh blood kasi ako sa mga pinagsasabi mo eh,
linuwagan ko na nga ang kanyang kurbata at baka matuluyan pa ito at makulong pa ako edi sayang naman ang beauty ko..
batay rito sa mga dokomento isang nagngangalang Justine Almonte ang nagbenta nito sa malaking halaga Kay Mr.Jack Monteriyal na aking kliyente.
lalong sumakit ang ulo ko sa pagbanggit nya sa pangalang Justine Almonte.
Mr. attorney hindi ko maintindihan..! si Justine Almonte ba iyong binanggit mo ay yung boyfriend ko ng tatlong taon sya ba si Justine na sinasabi mo.?
Hindi ko alam miss kung iyon nga basta ang malinaw dito ay ang nag ngangalang Justine ang nagbenta nito,
sagot na may pagkayamot nito saakin siguro sabi nito malay nya ba sa personal kong buhay.
oo nga pala sa loob ng isang linggo ni hindi na nagparamdam si Justine saakin,ni hi sa txt ay wala dati rati sya ang pumupuno ng inbox ko,
Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang biglang hindi nito pagpaparamdam dahil sa aking pagluluksa..
hinde hinde...!!!,tumahimik ka at dalhin mo na ang mga kasama mong mga unggoy at wag na wag nakayong magtangka pang bumalik dito.
tulak kong pagtataboy sakanila dahil sa bigat ng aking nararamdaman na dinagdagan pa iyon ni Justine na sana mali ako at ibang tao ang tinutukoy sa mga papeles..
pagbibigyan ka kami ngayon miss pero sa pagbalik namin wala kaming magagawa kung hindi ang kaladkarin ang sinu mang tutol.
pagbabanta nito bago umalis..
Wala akong nagawa kung hindi ang mapa upo nalang at magsisigaw sa galit habang lumuluha..
isinusumpa ko hinding hindi ito makukuha ng iba saakin dahil sa magulang ko ito.
gagawin ko ang lahat upang manatili itong akin,handa ko itaya maging ang sarili kong kapakanan hindi lang makuha ng sino man.sigaw kong may kasamang pag iyak
babawiin ko Ito sayo Jack Monteriyal..Hindi ito kailanman magiging iyo...
Justine Almonte kahit pa mahal kita kaya ko iyon kalimutan,
sisingilin kita ng mahal maging ang sarili mong buhay ay hindi magiging sapat,
sa ibinigay kong pagmamahal sayo na sinuklian mo ng di tunay.
at ang labis labis na tiwalang binigay ng mga magulang ko na sinamantala mo,sinaksak mo kami Ng patalikod..
gagantihan kita....!!!
naghuhumiyaw kong sigaw kaya di malaman Ng mga tao roon kung paano ako mapapatahan,
ang lahat ay umiiyak rin katulad ko,naaawa marahil sila sa sinapit Ng buhay ko..