bc

mahal na pala kita mr.sungit

book_age18+
95
FOLLOW
1K
READ
billionaire
others
possessive
age gap
arrogant
manipulative
expert
punishment
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

anong kaya mong gawin upang Ang lahat Ng saiyo ay Hindi mawala.

pati ba pagkatao mo kaya mong ibigay at isakripisyo para lang wag maagaw Ng iba kung sa tingin mo ay saiyo.

hanggang saan mo Ito mapapanindigan?

Makakaya mo pa kayang buuin ang sarili mo sa pagkawasak Ng dahil sa mga maling desisyon na iyong nagawa.

there was a bratt young girl who live and was raised by her parents like a little princess,

she already has everything from the beautiful and big mansion,expensive school, shiny gold, branded clothes,bags and shoe's and of course delicious foods,

it is also blessed with beauty that everyone admires.

But of course there is a saying that "nobody's perfect"

Nasa kanya na man Ang lahat ngunit may isang bagay ang Hindi ibinigay sakanya,

KATALINUHAN.

mahina ang utak nito Ng magpaulan Ng KATALINUHAN ang diyos ni kapiraso Wala Syang nasalo

Ganon pa man Ang dedikasyon at tapang nitong harapin Ang lahat ang katangiang likas sakanya,

sabi nya nga don't give up and never say die.

sya si Jack Moteriyal ang kilalang successful young businesses man at kilala rin bilang number one perfectionist,bawal sakanya ang magkamali,at ayaw na ayaw nya sa mga taong mahihina ang kokote o walang utak,

mga nagtatrabaho sa kanyang kumpanya ay ang mga makapag tapos Ng may higher grades o mga nagtapos Ng mga suma o magna cumlaude,

kaya naman dahil dito kilala ang kanyang kumpanya bilang the perfect and genius company.

anong mangyayari kung ang isang tulad nyang isang matalino at perfectionist ay makatagpo Ng isang bratt at slow makagets na taong tulad ni sandy na padalos dalos at Hindi man lang nag iisip

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SANDY Nagmamadali akong lumabas ng paaralan ng tumawag saakin ang personal kong driver na si kuya Betong na nasa labas ng aming paaralan na kurenta anyos mahigit ang edad. Takbo lakad ang aking ginawa dahil sa ramdam ko sa boses ni kuya Betong ang kakaibang boses. Pautal utal ito animoy hindi alam kung anong gagawin ni halos hindi ko nga sya naiintindihan kaya nagpasya na lang akong mag paalam saakin guro nang kitain ito sa labas. "Kuya!Kuya!" malakas kong tawag mula sa labas nang nakasarang bintana ng sasakyan. Nilakasan ko na nga ang pagkatok ngunit ito ay tila wala parin nanarinig sa kanyang paligid. Mula sa pagsilip sa bintana ng sasakyan kita ko kung paano ito humagulgol.Yuko ang ulo habang nakasapo sa manibela ng sasakyan. kaya lalo nang nadagdagan at nabuhay sa puso ko ang labis labis na takot. Takot na ngayon ko pa lang naramdaman. Wala nang kasing bilis ang pintig ng puso ko halos hindi ko na alam kung paano sabayan iyon ng aking paghinga. Sobra nang panlalamig ang bumalot sa buo kong pagkatao dahil sa pag aalala. Hindi ko naiintindihan kung ano ba talagang nangyayari. "Kuya,kuya!" malakas ko nang tawag ulit sa lalaking nasa loob ng sasakyan. kasabay non ang aking malakas na pagkatok ng bintana ng sasakyan. Sa wakas narinig din iyon ng taong nasa loob nang saradong sasakyan. "Nandyan kana pala señorita"sabay bukas sa pintuan ng sasakyan si kuya Betong habang pilit na itinatago saakin ang mga mata nito na puno nang basang luha. "Ano po ba ang nangyari?"tanong ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng sasakyan. "Kuya, ano ba talagang nangyari?" Bakit hindi ka sumasagot,Ano ba!" Sigaw ko nang tanong kay kuya Betong dahil sa pagkairitang nararamdaman ko, halos mamatay na ako sa mga kinikilos nya. Nakatingin lang ito saakin na para bang nagpapahiwatig sakin na wag akong mabibigla at may masamang nangyari. Pero kanino? natanong ko nalang sakin sarili. Itong taong kausap ko parang biglang naging pipi. kainis kaya pag ganon,parang kausap mo lang ay hangin. Napahawak nalang ako sa mga gilid nang magkabilang passenger seat sa bilis n'yang magmaneho ng sasakyan na para bang may hinahabol. Akalain mo iyon imbes na sumagot wala itong pasabing pinaandar ang sasakyan na parang bang sumali sa pustahan ng karera. Huminto kami sa napaka laki at napaka taas na hospital. "Kuya, anong ginagawa natin dito?May bibisitahin ba tayong taong may sakit? Bakit kailangan ko pang sumama?" Sunod-sunod kong tanong ulit sakanya pero tulad kanina. Sa halip na sagutin ang mga tanong ko pinasunod nya lang ako kung saan sya papunta. Nakakabwisit na talaga. Ano bang mahirap sa mga tanong ko. Na hindi nya maintindihan samantalang kinausap ko na nga sya nang purong tagalog ng magkaintindihan kami. Pero waley talaga. Nang nasa loob nakami nakita ko ang mga ilang sa mga pamilyar na mukha. 'Yong mga iba siguro hindi ko lang madalas makita pero alam ko sa mga ayos nila sila ay mga tauhan at trabahador namin sa hacienda.Nakasuot sila ng damit na may mahabang mangas at ang kanilang pang ibaba ay mahaba rin hanggang sa may paa upang kahit paano sila ay hindi masyadong mabilad sa araw.May suot din ang ilan ng sumbrero na yari sa abaka at ang kanilang mga kasuotan ay may mantsa ng putik. Pero bakit silang lahat ay mugto ang mga mata na animoy kagagaling lang sa pag iyak. Ang iba naman nagyayakapan at naghahaguran ng likod na tila ba pinapayapa at kinakalma ang isat isa. Pero bakit? Anong meron? tanong ko saaking sarili. "Ohhh Betong! Andyan kana pala"tinig ng isang pamilyar na boses ang paborito ko sa lahat si yaya Nena. S'ya ang nagpalaki saakin mula pagkabata. S'ya narin ang naging parang nanay ko dahil sa madalas wala sina mommy at daddy sa bahay dahil sa mga importanteng bagay tungkol sa kumpanya. "Nasaan na si señorita? Hindi mo pa ba kasama?"tanong ulit nito Kay kuya Betong dahil natatakpan ako nito sakanyang matabang pangangatawan kaya di ako kita mula likuran. Nagmasid ako saaking paligid wala naman pala sina mommy at daddy. Bakit kami nandito? Ang pagkakaalam ko ngayon ang uwi nila galing sa isang business trip dahil 18 bday ko na bukas. Isa ito sa mga pangako nila mommy at daddy ang iselebrate ang aking debu. Magiging isang ganap na akong dalaga. Ang lahat ayos na para saaking kaaarawan mula sa mga guest sponsors,gowns,pagkain,at syempre ang venue kung saan gaganapin ang seremonya ng aking pagiging ganap na dalaga. Ang venue ay ang napakalaki naming hardin na napapalibutan ng mga nakatanim na mga kulay pink na mga rosas na paborito naming dalawa ni mommy at syempre magkasabay namin itinanim noon. Doon kami gumawa ng mga magandang mga alaala ng aking pagka musmos. "Ya, andito ako"tawag ko sabay lapit sakanya. Ngunit sa halip na sumagot halos patakbo itong lumapit saakin at sabay yumakap nang napakahigpit at dama ko rin mula sa pagkakayakap nya saakin ang pag galaw ng mga balikat nito tanda na ito ay umiiyak. Ano bang nangyayari bat ba ang lahat ng tao rito ay umiiyak.Tanong ko saaking sarili. kumawala ako mula sa pagkakayakap ni yaya. "Ano ba to ya! Advance surprised para sa kaarawan ko bukas?" Tanong ko habang ang lahat ng tao sa paligid ay aking pinagmamasdan. Lahat sila ay mababakasan ng kalungkutan. "Kung surprised ito,Hindi ito ang gusto kong surprised!" Inis kong sabi sa lahat sa sobrang pagkairita na aking nararamdaman nang dahil sa pagkalitong nangyayari saaking paligid. "Kung ni Isa man sainyo,Walang magsasalita,Mas mabuti pang umalis na ako!Naiistress ako sainyong lahat!"pamaldita kong sabi. Bago pa man ako humakbang upang umalis. Bumukas ang saradong pintuan ng isang silid at iniluwa nito ang isang pamilyar na lalaki at isang doctor. "Si Justine ba iyon?" Usal kong bulong. Parang may pinirmahan ito sa isang papel na inabot ng doctor matapos iyon ay nagkamay sila. "Ang lahat ay ayos na,Paki hintay nalang ang sasakyang kukuha ng mga bangkay na mag aayos sakanila" Rinig kong sabi ng doctor dahil hindi naman ako kalayuan mula sa kinaroroonan nila. "Bangkay?"malaking question mark saaking utak. Para bang na mental block ako nang narinig ang salitang bangkay. Noong una para pa akong nalito ni hindi ko alam ang kahulugan ng salitang bangkay. "Bankay?"means to say patay. maluka lukang tanong ko sa sarili. Nang makabawi ako sa pagkabigla lumapit akong patakbo Kay Justine. Inilang hakbang ko lang ang pagitan namin. "Anong bangkay?Sinong patay?"sabay sabay kong tanong. Tulad ng mga unang pinagtanungan ko. Niyakap din nya ako ng sobrang higpit na animoy pinahihiwatig nito na may masasandalan at makasama ako anu mang mangyari. Pinilit kong syang itulak gamit ang natitira kong lakas at matapang na humarap sa kanya. "Wag ninyo akong idaan sa iyak,At mga mapang awa ninyong tingin,Dahil hindi ko talaga kayo maintindihan. Ones and for all!Sasabihin mo saakin kung ano talagang nangyayari!"Galit na talaga ako sa mga taong nakapaligid saakin. This time I hate them all. "Babe...Wala na sila"bitin nitong wika saakin na may luha pa sa mga mata. "Sinong sila?" tanong ko kahit alam ko naman sa isang bahagi ng isip ko kung sinong sila. Nagbabakasakali akong iba ang mga isasagot nya hindi tulad ng nasa isip ko. "Your mom and dad" mahina nitong sagot. Ngunit para saakin iyon ang mga salitang nagpabingi nang sobra sobra saakin. "Sinungaling,Sinungaling,Sinungaling!"paulit ulit kong usal na parang kumawala ang sarili kong utak . Hindi ko iyon makakayang maranig. Niyakap ako ni Justine ng buong higpit upang maipadama saakin na hindi ako nag iisa. Si Justine ang boyfriend ko ng tatlong taon kahit 15 palang ako noon officially boyfriend at girlfriend kami.Una kasi syang nanligaw sa mga magulang ko pasado sya sa mga ito. May isang kondesyon silang hiningi dito. Ang maging malinis ako hanggang sa araw na mapagdedisyunan na namin magpakasal. Bawal na muna raw ang magkaroon kami ng romantic o intimate touch sa pagitan namin. Hanggang holding hands at kiss sa noo ang pwede.Tinupad naman iyon lahat ni Justine. Kaylan man hindi ito nagtangkang gawan ako ng kahit anong kahalayan. kahit pa dumadating sa punto na tanging kami lang ang magkasama. Si Justine ang nag iisang taong pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. S'ya rin ang P.A at secretary ng daddy. Pinangangasiwaan rin ni Justine ang hacienda. Sakanya dumadaan ang pagpasok at paglabas ng mga pera doon. Dahil nga sa malaki ang tiwala ng daddy minsan sya narin ang pumipirma ng mga dukomento pag wala si daddy dahil sa mga importanteng mga business trip nito. kahit ako ay nagiisang anak, Hindi nila hinayaan na mapag aralan ang mga negosyo namin at ng hacienda.Gusto na muna raw nilang makatapos ako ng pag aaral bago ko pag aralan at bigyan pansin ang aming mga negosyo. "Tara na,Mauna na tayong umuwi ng makapagpahinga ka man lang babe" Aya saakin ni Justine habang akay akay ako para maglakad. "Naiayos ko na ang lahat babe,Mauna na tayo sa mansion ng maiaayos natin kung saan sila ilalagak" Dagdag na saad ni Justine. Sya naman pagdating ng mga ilan sa mga kaibigan nila mommy at daddy. Ang ilan naman mga business partners nila sa negosyo. Ang iba namumukhaan ko meron din naman ang hindi. Minsan kasi t'wing bakasyon walang pasok sinasama nila ako sa opisina nila at nakikilala at nakakasalamuha ang ilan sa mga Ito. Mababait silang lahat. Isa na rito na dumating sina Mr.at Mrs. Monteriyal na naging ka close ko rin noon. Business partner at malapit na kaibigan ng mga magulang ko. "Ohhh!My little princess nakikiramay kami sa nangyari sa mga magulang mo" Pag aabot nang pakikiramay sa akin ng mag asawang may edad na rin. Niyakap rin ako ni Mrs. Monteriyal ng mahigpit. Sinusubukan nitong kahit papaano maibsan ang sakit na aking nadarama. Ginantihan ko rin iyon ng mahigpit na yakap habang umiiyak. Dahil pakiramdam ko kahit papaano kasama ko si mommy sa katauhan nya. Labis-labis ko iyon ipinagpapasalamat Kay Mrs Monteriyal. Sa katunayan magkatulad sila ni mommy. Laging little princess ang tawag nila saakin kahit pa halos dalaga na rin ako. Gustong-gusto ko ang tawag nila saakin ng ganon. Lalo ko lang pinag sisihan ang mga panahon na kasama ko sila mommy at daddy ng hndi man lang ipinaramdam ang labis labis na pagmamahal ko para sakanila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
596.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook