"Are you happy, Lexter?" tanong ni Kelvin pagkatapos niyang ipasa ang bola ng basketball sa bata. Sila lamang ang nasa court at one by one ang laro nila. Mag lalabin-isa pa lamang si Lexter pero malaking tao na ito kaya kayang-kayang makipagsabayan sa kanya sa pagba-basketball Tumigil ito sa pagdribble ng bola. "Ofcourse dada, hindi ko po inaasahan na makikita ko si Papa. Akala ko, kapag nasa wastong gulang na ako ipapakilala siya ni Mama," sagot nitong nag-dribble na muli at sinubukang lampasan siya para maka-shoot ng bola. Mabilis itong nakalusot sa kanya ngunit mas mabilis niya itong hinabol at tinapik ang bola. "Ouch!" Kasabay ng pag-aray ni Lexter ay ang pagtalbog ng bola palayo sa kanilang dalawa. Hawak ni Lexter ang kamay nitong kasamang nasaktan sa lakas ng ginawa niyang pagtap

