It was a smooth week for Chester and his son. Work at home siya dahil minabuti ng kanyang ninong na sa bahay muna siya magtrabaho. Mas nagkaroon siya ng oras sa kanyang anak. Hatid-sundo niya ito sa school--na kahit medyo malayo ay okay lang. Ngayon nga ay kagagaling lamang nilang magbasketball ng anak sa gym ng building na kinaroroonan ng kanyang condo unit. "You're such a good basketball player, son. How do you learned that?" tanong niya habang akbay-akbay ito. Talo siya sa anak sa score na twenty laban sa labing isang pinuntos niya. Hindi niya ito maguwardiyahan at score lang nang score sa kanya. "Kay dada po, Pa," sagit nitong sobrang proud. Napaingos siya ng lihim. What separates him and his son was what he called 'dada'. Parang laging bida ito sa kanyang anak. At hindi niya maiw

