Halos lumuwa ang mga mata at kaluluwa ni Annie sa biglang paghalik ni Chester sa kanya. Hindi naman niya maitulak ito dahil sa naipit ang mga kamay niya sa pagyakap sa sarili at sa katawan ng ngayon ay walang habas na humahalik sa kanyang mga labi. Ang mga labi niya ay nakatikom ngunit tila ice cream na nilalantakan ni Chester iyon. "Mmm." Pilit niyang iniiwas ang mukha rito ngunit mabilis rin naman hinahabol ni Chester ang mga labi niya upang muling halikan. Parang ayaw tigilan. Kakaibang kaba ang nararamdaman niya sa sarili. Tila sasabog ang puso niya habang hinahalikan siya nito. Pilit niyang pinanatili ang katinuan ngunit talagang nakakawala ng tamang pag-iisip ang halik ni Chester. Naagos siya sa sarap nitong humalik. Gaya noon. Noon? Ang pagkakamali? Sa isiping iyon, malakas an

