Prologue 2

1389 Words
Magkaharap sila Alex, Annie, Chester at Lexter na nakaupo sa sala.  Magkatabi si Chester at Alex, samantalang si Annie at Lexter ay sa kabilang kabisera ng sofa. Walang halos nagsasalita sa kanikang apat. Tahimik ang paligid, tanging mga mata lang nila ang nag-uusap. Ginagap ni Annie ang kamay ng anak. Palipat-lipat ang tingin ni Lexter sa kanyang ina at kay Chester na titig na titig kay Annie. Hindi mabasa ang bilalaman ng titig niyang iyon. "A-ako ang ama ni Lexter!" basag ang boses at siguradong pahayag ni Chester na matamang nakatitig na ngayon sa kanyang anak. Hindi man niya alam kung paanong si Annie ang babaeng naka-one night stand niya. Alam niya sa sarili na kanya si Lexter. "Bakit inilihim mo ito sa akin?" tuluyan nang gumaralgal ang boses ni Chester dahilan ng pag-iwas ng tingin ni Annie dito. "Bakit inilihim mo sa akin na may anak tayo?" Napailing si Annie at pilit sinusukil ang damdaming muling nagpapabigat sa kanyang dibdib. Ang panunumbat ng kaibigan. Ng ama ng kanyang anak. Nasasaktan rin naman siya sa nakikitang lungkot sa mga mata ni Chester. Ang pangungulila sa anak nito. "Ma?" Nalilito man, naiintindihan ni Lexter ang lahat. Matagal na niyang gustong makita at makilala ang kanyang ama. Mahal niya ang kanyang ina ngunit, nasasabik rin naman siyang makilala at makasama ang kanyang ama na ngayon nga ay nasa harapan na niya. Mas hinigpitan pa ni Annie  ang hawak sa kamay ng anak nang tingalain siya nito. Napakagat labi siya dahil hindi niya kayang sagutin si Chester na nakaharap ang kanyang anak. "S-sa kuwarto ka muna, Lex. Mag-uusap lamang kaming tatlo ng ninang at ni..." sabi niyang malalim na napabuntong hininga. Hindi kayang direktang tawagin si Chester. "Hindi mo ba ako ipakikilala nang maayos sa anak ko?" may galit na tanong ni Chester. Tumaas pa ang tono ng boses nito. Hinawakan siya ni Alex para pigilan. Napaiwas ng tingin si Annie doon. "Tayo muna ang mag-uusap-usap, Chester," turan naman ni Alex sa kaibigan at matamang nakatitig sa mag-ina. Nagulat na lamang silang tatlo nang tumayo si Lexter at nilapitan si Chester saka muling yumakap sa ama nitong matagal na pinanabikan. "Nice meeting you po, Pa," aniyang ikinahagulgol ni Chester. Hindi na niya napigilan ang sariling mapaiyak sa ginawa ng kanyang anak. Niyakap niya nang mahigpit si Lexter. Binabawi ang sampong taong nawala. Sina Annie at Alex naman ay hindi napigilang mapaluha sa eksenang nasasaksihan. Hindi mapigilang makonsensiya ni Annie dahil sa pagkakait niya sa karapatan ng mag-ama na magkakilala. Sampong taong itinago niya ang bagay na iyon sa dalawa. Pero...nagdusa rin naman siya. "Patawarin mo ako, anak. Hindi ako naging ama sa iyo ng maraming taon. Hindi ko alam..." hagulgol ni Chester. "Wala akong kaalam-alam." Masakit! Masakit para kay Chester na ngayon niya lamang nahawakan ang kanyang anak. Na ngayon lamang niya ito nayakap. Kaya halos ayaw na niya itong pakawalan pa. Lumapit si Alex kay Annie na ngayon ay nakatutop sa bibig habang pinipigilan ang impit na iyak. Pinapanood ang mag-ama niya. Alam ni Alex na labis ang guilt na nararamdaman ng kaibigan sa ginawang paglilihim. Ano man ang dahilan ni Annie ay pilit na iniintindi iyon ni Alex.  Gusto niyang intindihin ang kaibigan gaya ng pag-intindi nito sa kanyang sitwasyon ngayon. Nang maghiwalay ang mag-ama ay naiwan silang tatlo sa sala. Pare-parehong hindi nagsasalita. Nagpapakiramdaman. "Siguro, kailangan ninyong mag-usap na kayo lamang na dalawa," basag ni Alex sa  katahimikang namamayani sa kanila.  Napakapit si Annie sa kanyang kamay nang akma na siyang tatayo. Nilingon ni Alex ang kaibigan at binigyan ng ngiting nagsasabing maayos lang ang lahat. Hindi klase ng taong nananakit si Chester. Noon pa man, napaka-gentle ni Chester. Sa kanilang dalawa. "Samahan ko lamang si Lexter. Please, talk. Sort things out," muli niyang tiningnan ang dalawa bago maglakad paalis patungo sa kuwarto ni Lexter. Kakausapin niya rin ang bata at ipaliwanag ang lahat. Nanatiling madilim ang mga matang nakatitig si Chester kay Annie nang sila na lamang na dalawa. Hanggang ngayon, ayaw pa rin paniwalaan ng kanyang isip na ang babaeng nasa harapan niya ang naka-one night stand niya. Na ang kaibigan niyang itinuring na kapatid ang babaeng matagal na rin naman niyang hinanap. Ayaw niyang paniwalaan na si Annie iyon. Si Annie na naging tulay niya para sa pag-ibig kay Alex. Si Annie na walang ibang ginusto kundi ang magkatuluyan sila ni Alex. Ang babaeng nakakaalam ng labis niyang pagmamahal sa kanilang kaibigan. "Paanong?" "Huwag na nating pag-usapan pa ang nakaraan, Chester!" putol ni Annie sa kanya. "Nangyari na ang nangyari. Isang gabing pagkakamali ang nangyari sa atin. Huwag na natin pag-usapan pa!" dagdag pa nito kaya lalong napatitig si Chester sa babae. Binabasa ang nilalaman ng mga matang matapang na nakatitig sa kanya.Napaismid siya. Matapang o nagtatapang tapanagang muli? Si Annie nga ang kaharap niya. Isang babaeng nagtatapang tapangan na haharapin ang lahat kahit walang karamay. Iyon ang Annie na kilala nila noon pa man. Walang kinakatakutan. "Gusto kong maging ama sa anak ko, Annie! Gusto kong makasama ang anak ko sa mga oras na ipinagkait mo siya sa akin," mariin niyang saad.  Matigas ang ekspresiyon sa mukha. Ayaw niyang magalit, pero hindi niya kayang pigilan. Nagpupuyos ang kalooban niya. "A-anong ibig mong sabihin?" Hindi mapigilang makaramdam ng kung ano sa sarili si Annie sa narinig. Pakiramdam niya, magiging giyera ang usapan nila para sa anak. "Anong ibig mong sabihin, Chester!" napalakas ang boses ni Annie at napatayo pa. Napakuyom ng kamao si Chester sa naging reaksiyon ng babae. Pinag-aralan niyang mabuti ang kaibigang matagal na hindi nakita. Wala itong pinagbago. Maganda pa rin gaya ng dati. Maging ang ugali nitong kasing tigas yata ng bato ay hindi rin nagbago. Alam niyang lalaban ito kapag sinabi niyang gusto niyang kunin ang kanyang anak. "Sumama kayo sa akin!" sabi niyang hindi tinanggal ang mga mata sa babae. Tama nga siya ng hinuha, nanlilisik ang mga mata nitong pinameywangan siya. "Tumira kayo kasama ko. I want my son, with me..." "No!" mariin na tanggi ni Annie. "Tama na na alam mong anak mo si Lexter. Tama nang kinikilala ka niya! Huwag mo ng guluhin pa ang lahat!" sigaw nito. Hindi alintana kung marinig sila ni Lexter. Guilty siya sa paglilihim pero hindi siya makakapayag na mawala ang anak niya sa kanya. "Gusto kong makasama ang anak ko, Annie! Karapatan kong makasama ang anak ko!" ika ni Chester napatayo na rin at tila pinayungan ng kanyang malaking katawan ang katawan ni Annie. Nagmistula siyang higante sa liit nito.  "Ten years is enough, Annie! Gusto kong makasama ang anak ko!" "T-then dalawin mo siya! Puwede mo naman makasama siya na hindi kami sumasama sa iyo!" Napailing si Chester. Kulang ang padalaw-dalaw lang. Gusto niyang makasama ang anak niya araw man o gabi. Sulitin ang sampong taong nawala sa kanila. "Kung ganoon, ako ang  lilipat dito. Gusto kong maging malapit sa anak ko!" pinal na desisyon niya. Nanlaki ang mga mata ni Annie sa narinig. Nakipagmatigasan siya ng tingin kay Chester. Hindi nagpatinag kahit pa nga nakakatakot ang maari nitong gawin. Hindi na niya kilala si Chester. Nababanggit na lamang ito ni Alex ngunit, halos iniwasan na niya ang may kinalaman dito. "Chester! Huwag mo naman ako pahirapan, please!" Hindi niya kaya! Si Annie ang unang sumuko. Lumapit si Annie. Hinawakan niya sa kamay si Chester. Naging magalaw ang mga mata ni Chester nang makalapit na ang babaeng ina ng kanyang anak. Hindi niya maatim makita ang ngayon ay parang nagsusumamong itsura ng babae. Pinatigas niya ang sariling kalooban bago muling magsalita. "Kayo o ako ang lilipat, Annie? Mamili ka!" Napabitaw si Annie kay Chester. Tumalikod siya at nagpupuyos ng galit. Marahas na nagtaas baba ang kanyang dibdib. "Huwag mong gawing komplikado ang lahat, Chester!" matigas niyang ika nang humarap na sa lalaki. Hindi niya hahayaang mawala ang anak niya sa kanya. O ang magulo ang buhay nilang payapa na. Nabuhay silang wala si Chester, kaya bakit kailangan pang pumasok ito sa buhay nila. Tama na ang makilala ito ng anak niya. "Ikaw ang dahilan kung bakit gumugulo tayo ng ganito, Annie! You fooled me! Us! Now, I want my son!" Tumalikod siya sa babae. "I need your answer by tomorrow! Hindi mo magugustuhan ang maaari kong magawa, Annie. So better decide!" sabi niya bago tuluyang iwan ang babaeng napasalampak na lang sa sofa at tahimik na umiyak sa palad niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD