Chapter 1

1121 Words
10 years ago Nagpalinga-linga si Chester sa kanyang paligid. Isang buwan na simula noong dumating siya galing sa America. Ngayon nga ay mag-aaral siya sa isang sikat na paaralan. Ang Saint Benedicto International School--isang pribadong paaralan na tanging mga may kaya ang nakakapasok. Kundi man mayaman, ay mga matatalino at scholar naman. Doon siya ini-enroll ng kanyang ama bago pa man siya pauwiin. Pasaway rin kasi siya kaya ngayon ay inihagis siya sa Pilipinas para magtino. Ayawan man niya at magpakagag0, wala na siyang magagawa kundi ang sumang-ayon na lamang. Kasalukuyan niyang binabasa ang kanyang schedule nang mapansin niya ang babaeng tumatakbo. Gumilid siya para bigyan ng daan ang babae, pero paglihis niya ay sa gawi niya rin lumihis ito. "Oh, I'm sorry," sabi niyang lumihis muli pero muling sa gawi niya lumihis ang babaeng may kaliitan. Una niyang napansin iyon dahil hanggang balikat niya lamang ang babae sa taas niyang 6 '1".  Tumigil siya at iminuwestra ang kamay para bigyang daan ito ngunit tinaasan lamang siya ng kilay ng babae at pinameywangan.  "Aba! Hoy, ginoo! Sobrang luma na ang style mo para makilala ako. Tumabi-tabi ka nga riyan! Late na ako at wala akong time para i-entertain ka!" mataray nitong saad na nakapagpalito kay Chester.  "Ang lakas naman ng bilib nito sa sarili!" ani Chester sa isip. Kakausapin niya sana ito at ipapaliwanag na hindi niya ito type ngunit agad itong tumakbo. Nanatili siyang nakatayo habang sinusundan ng tingin ang babae. Napailing na lamang siyang muling binalingan ng tingin ang papel kung saan nakalagay ang schedule niya. Kung bakit kasi hindi siya maagang pumasok. Transferred student siya at ilang subject lang naman ang kukuhanin niya. Alam niyang hindi naman siya pahihirapan at patatagalin ng ama niya sa Pinas. Pababalikin rin siya nito sa State. Ipapakita niya sa mga ito na tumino na siya at nag-iba, lalo na sa kanyang ina. Napabuntong hininga siyang napahilot sa sentido. Sumasakit ang ulo niya. Laking Pinas naman siya at nitong mga limang taon lang sila dinala ng ama sa America ngunit, mas ginusto niyang manatili na lang sana sa roon kesa ang mapauwi. "You need help?" Mula sa likod niya, isang malamyos na tinig ang nagtanong. Boses babae at napakalambing ng pagkakabigkas nito ng bawat salita. Akala niya ay hindi siya ang kinakausap ngunit napalingon siya nang kalabitin siya nito. Humarap siya at kita niya ang isang babaeng napakaganda. Mahaba ang buhok nito, seksi at may nakakaakit na ngiti. "Ah! Yeah, nawawala yata ako!" saad niyang ngumiti nang malawak. Napahigpit ang hawak niya sa papel nang lumapit sa kanya ang babae at silipin iyon. Naamoy niya ang napakabangong pabango nito. "O! Pareho tayo ng class! Ito oh!" aniyang itinuro pa ang schedule kung saan sila ay magkaklase raw. Napatango na lamang si Chester habang hindi maalis ang mata sa mukha ng babae. "Halika, sundan mo na lang ako. Late na nga lang tayo!" anas nitong hindi niya pinansin. Naglakad ito at sumunod siya. Mabibilis ang mga hakbang nilang dalawa dahil late na nga raw sila. "Chester by the way!" Nagawa pa niyang magpakilala ng pangalan habang malapit na sila sa silid. "Alexandra..." saad nito nang bumaling sa kanya. "Alex na lang!"dagdag nito at kumindat pa. Pareho silang napatawa nang nasa bungad na sila ng silid aralan. Pareho rin na agad napatago sa gilid ng pinto nang makita ang guro nila sa harapan at nakaupo sa mesa nito. Nagtse-tsek ng attendance. "Lagot! Late na nga talaga tayo!" wika ni Alex na nanlalaki ang mga mata. Ngunit kitang kita naman ni Chester na tila wala lang naman sa babae iyon. Halatang natutuwa pa kahit late na. Nakangisi kasi ito. "Alexandra Montanilla!" Napahagikgik si Alex nang marinig na ang pangalan. Sumenyas ito sa kanya na magpapakita na sa guro.  Kunot noong pinanood lamang niya ang babae na humakbang patungo sa bukas na pinto. Ngunit bago pa man mapansin ng guro ay may sumigaw na sa pangalan ng babae. "Alex! Okay ka na ba?" Hindi na ba masakit ang tiyan mo? Ano natatae ka pa ba?" Mas lalong lumalim at lalong nadagdagan ang kunot ng noo ni Chester samantalang kinindatan muna siya ni Alex bago hawakan ang tiyan at nagkunwaring masakit iyon. "Sir Lictao, kanina pa po rito si..." Nagulat si Chester nang hilain siya ni Alex para lumabas rin. Nagkasalubong ang mga mata nila ng babaeng nagsasalita. Iyong ang babaeng tumatakbo kanina na pinagkamalan syang nagkakagusto rito. "S-sila..." pahinang sabi nito. "Sir, kanina pa po ako pero sumakit po ang tiyan ko kaya sinamahan ako ni Chester. Bumili po kasi siya ng gamot para sa tiyan!" Si Alex na ang nagpatuloy ng gustong sabihin ng babaeng ngayon ay nakairap sa kanya. Napaismid pa ito nang lalo siyang lumapit kay Alex at bumulong. "What's happening?" Mahinang bulong niya kay Alex. "Just pretend!" anas ni Alex na nakapinid ang bibig. Napalunok si Chester dahil unang araw niya ay nakakaamoy na siya ng trouble. Balak pa naman niyang maging maayos at mabuti ang semester na iyon para agad siyang pabalikin sa America.  Pareho silang napatayo nang tuwid ni Alex nang lumapit sa kanila ang guro.  "Are you okay now, Miss Montanilla? Ayaw mo bang pumunta sa clinic para matingnan ka ng ating nurse?" tanong na nagdududa ng guro. Chester is about to speak nang gagapin ni Alex ang kamay niya at hawakan.  "No need, Sir. I'm alright now. Nakainom na po kasi ng gamot," sagot nito.  Napatango-tango na lamang ang guro nila at muling bumalik sa kinauupuan kanina.  "Get in and we will start!" utos ng guro nila kaya agad na tumalima si Alex. Hila-hila si Chester na hindi pa rin naintindihan ang nangyayari. Nagngisian si Alex at Annie. Second year college na silang dalawa at naging magkaibigang matalik simula noong first year sila. Naupo si Alex katabi ni Annie, si Chester naman ay naupo sa kaliwang bahagi ni Alex na bakante. "Salamat!" bulong ni Alex sa bestfriend.  Ngumiti si Annie ngunit agad ring napasimangot nang mahagip ng mga mata niya ang lalaking matamang nakatingin na sa harapan at nakikinig. "Bakit kasama mo ang lalaking iyan?" tanong niya kay Alex na ininguso pa si Chester. Nagtaka naman si Alex na napatingin muna sa lalaki bago balingan ang kaibigan.  "Kilala mo si Chester?" kunot noong tanong niya imbes na sagutin ito. Halata niya na iba ang mood ng kaibigan pagdating sa lalaki. Palakaibigan si Annie. Ito nga ang unang nang-approach sa kanya noon. Kaya nagtataka siya kung bakit ganoon ito makatanong at makatingin kay Chester. "Humaharang sa daraan ng reyna!" sagot nitong napaismid pa. "I am not, Miss!" singit ni Chester na narinig pala ang usapan nila. "And hindi kita gusto kaya stop assuming na ginawa ko iyon para magpapansin sa iyo!" Pareho silang napanganga ni Alex sa sinabi ni Chester.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD