Chapter 2

1531 Words
"Nakakagigil! Ang sarap basagan ng itlog! Ang yabang!" Nanggigigil na bulalas ni Annie habang kausap si Alex. Hinarap niya si Alex habang nasa ladies washroom sila at nasa harapan ng malaking salamin. Sinulyapan lang naman siya ni Alex na ngayon ay naglalagay ng liptint sa bibig. May pupuntahan na naman at alam ni Annie kung saan iyon. Paniguradong sa Business Ad building na naman. Tinaasan ni Annie ng kilay ang kaibigan at pinameywangan. "Nakikinig ka ba sa akin, Alex? Naku babes! Magpapapansin ka na naman ba sa lalaking nasa Business Ad building?" sita niya sa kaibigan. Nakalimutan na niya ang gigil kay Chester at medyo nag-alala na kay Alex. Sinasaktan lang kasi nito ang sarili. May kasintahan ang lalaking gusto nito pero hayun at tila babaeng mawawalan ng lalaki. Taken pa ang hinahabol-habol. Humarap sa kanya si Alex na may ngiti sa labi. Inirapan niya ito at mas tinaasan ng kilay. Kung may diyosa ng ka-martyr-an, si Alex iyon batay sa pagkakakilala niya sa kaibigan pagdating sa pag-ibig. "O, siya. Kita na lang tayo sa next subject," paalam ng kaibigan na agad umalis at hindi na siya talaga pinansin pa. Napapailing na lamang si Annie habang palabas na rin ng banyo para sa mga babae. Naglalakad siya papunta sa canteen nang mamataan niya si Chester. Nakaupo ito sa isang bench na napapalibutan ng mga puno. May parte kasi sa kanilang campus na panay ngq puno at benches. Napagitnaan ito ng mga buildings na iba't ibang departamento. Nakaakbay ang kaliwang kamay ng binata sa sandigan ng upuan habang ito ay nakapikit. May nakasalpak na earphone sa mga teynga na tila nagrerelax. Napaismid si Annie habang patuloy na pinagmamasdan ang lalaki. Hindi tuloy niya napansin na may mababangga na siyang lalaki sa pathway na dinadaanan. "Ay t**i mong malaki!" bulalas niya dahil sa gulat. Agad naman siyang nahawakan ng lalaki sa beywang para hindi siya tuluyang matumba mula sa pagkakabangga. Napalunok siya nang magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Nakangiti itong titig na titig sa mga mata niya. Pakiramdam pa nga ni Annie ay nagpapa-cute ito. "You okay?" tanong nito bago siya itayo nang maayos. Ngunit ang kamay nito ay nakahawak pa rin sa kanyang beywang na para bang ayaw siyang bitiwan. Tuloy ay napaliyad siya ng kaunti para mailayo ang kanyang mukha rito. Napakurap-kurap si Annie. Guwapo ang lalaking nakangiti ngayon sa kanya. Unang napansin niya ang nunal nito sa gilid ng labi. Lalo kasing kapansin-pansin dahil sa pagngisi nito. Hindi alam ni Annie ngunit kumabog ang kanyang dibdib. Sa kaalamang may guwapong lalaki sa kanyang harapan. At sa kaalamang hindi man lamang niya magawang magalit dahil sa pagkakahawak nito sa kanya. "Ahmmm, excuse me. Padaan muna ako." Napapitlag si Annie at napabitiw rin ang lalaki sa kanya nang may magsalita. Nilingon ni Annie iyon at nagpuyos siya ng galit nang matagpuan ng mga mata niya ang mga mata ni Chester na tuwid na tuwid ang pagkakatingin sa kanila. Lalo na sa kanya. Inirapan niya ito at gumilid. Ganoon rin ang ginawa ng lalaking nakabanggaan niya. Pero bago man makalagpas si Chester ay nahimigan niya itong nagsalita. "Lumang style pala? Pero gumagana pa!"usal nito na tila kinakausap ang sarili ngunit alam ni Annie, siya ang pinariringgan nito. Umasim ang mukha niya at gusto niyang sundan ang papalayo nang lalaki nang maringgan naman niya ang lalaking nakabanggaan ng mahinang pagtawa. Napataas tuloy ang tingin niya rito. Hindi lang guwapo ang lalaki. Matangkad rin ito at kayumanggi ang kulay. Siya iyong depinasyon ng sinasabi ng karamihan na tall, dark and handsome. "Nabuko na yata ako agad!" sabi nitong napakamot pa sa batok. Nahihiya na rin itong napangiti sa gawi niya. Nangunot ang noo ni Annie dahil hindi gets ang sinasabi ng lalaki. "Kelvin by the way," nahihiyang pakilala nito sa sarili. Inilahad pa ang kamay sa kanya. Napatitig si Annie sa kamay ng lalaking nagpakilalang Kelvin. Muling umangat ang tingin niya rito bago ngumiti at abutin ang kamay nito. "Annie," ika niyang hindi mapigilang ang pag-arko ng mga labi. Naramdaman ni Annie ang pagpisil ng lalaki sa kanyang palad. "Ikinagagalak kong makilala ka na, Annie. Noon ko pa talaga gustong makilala ka," pahayag na muli nito. Mas napangiti si Annie at tila nagguhit puso ang mga mata niya. Kaguwapo naman kasi ng lalaking nasa harapan niya at hindi nito ikinakaila sa kilos na gusto siya nito. "Can I get your number?" Gustong taasan ni Annie ng kilay ang lalaki dahil sa napakabilis na kilos nito. Walang paligoy-ligoy. "Hin...di puwede?" Muling wika nito nang hindi siya sumagot agad. Umiling naman si Annie pagkatapos ay ininguso ang hawak pa rin nitong kamay niya. "Paanong makukuha ko ang cellphone ko kung ayaw mo na akong pakawalan ngayon pa lang?" natatawang biro niya rito. "Ow!" Napahalakhak nang mahina si Kelvin. "Pero bakit ko naman bibitiwan kung puwede naman huwag ng pakawalan," hirit pa nito na ikinailing muli ni Annie. Halatang mahilig sa bola. Isang mambobola. Pero sa kalooban ni Annie ay kinikilig na siya. Kakaiba ang dating ng lalaki sa kanya. Hindi mayabang kahit pa ga halata na man na sinasadya na nito ang lahat. Hinanap ni Annie ang kanyang numero sa contacts. Hindi niya memoryado ang kanyang numero dahil mahina siya roon. "Ring my phone. Para ma-save ko ang numero mo," utos niya sa lalaki nang ilahad niya dito ang teleponong nanglalaman ng kanyang cellphone number. Agad namang inilabas ni Jerome ang kanyang cellphone at agad na pumindot doon. Ilang saglit lang ay tumunog na ang cellphone ni Annie. Agad niya ring nirehistro ang numero ng lalaki roon. Mr. TDH. Iyon ang inilagay ni Annie na name sa contacts. Nakangiti niyang itinagong muli ang cellphone sa kanyang bag. Magpapaalam na sana siya nang unahan na naman siya nitong magsalita. "Saan ka pupunta?" Umingos si Annie dahil mukhang hindi nga siya balak pakawalan ng lalaki. "Sa canteen. Papalipas ako ng oras bago ang subject ko," sagot niyang sa sarili ay okay lang naman. Ang flirting ay isang pamamaraan para libangin ang sarili. Boring na boring siya at walang magawa talaga. Single naman siya. Sana nga ay single rin ang lalaking, mukhang kilala sa campus dahil medyo pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan. Napatango-tango si Kelvin pagkatapos ay tumabi sa kanyang gilid. "Tara, gutom na rin ako. I'll treat you." "Huh? Sure ka? Hindi ako tatanggi pero baka biglang may manabunot sa akin dahil kasama kita," ika niyang may halong katotohanan. Sa guwapo pa naman ng lalaki. Hindi siya maniniwalang wala itong girlfriend. Natatawang pinaningkitan siya ng mga mata nito. "Kung ang tinutukoy mo girlfriend. Wala ako. Mga babaeng naghahabol, marami. Pero iisa lang gusto kong habulin ngayon," sabi niyang kinindatan siya. "Lets go." Hindi na umangal pa si Annie. Gusto rin naman niya kasing makausap pa ang lalaki. Hindi siya mabo-bore lalo at iniwanan siya ng kaibigang si Alex. Napabuga naman ng hangin si Chester habang pinapanood ang pagsama ni Annie sa lalaking bago lamang na kakilala. Nakalapat ang kanyang likod sa may pader malapit sa hagdanan papunta sa library. Napailing siyang paakyat na sana nang makita niya si Alex na tumatakbo. Hindi niya alam kung saan galing ito pero mukhang masama ang timpla ng mood nito batay sa hilatsa ng mukha. Imbes na tumuloy sa library ay sinundan niya ang babae na ngayon ay marahas na naupo sa isang bench at nagtipa sa cellphone. "Dad." Hindi gustong makinig ni Chester kaya aalis na sana siya ngunit huli na dahil nakita na siya ni Alex. Sinenyasan siya nitong lumapit. Tahimik siyang naglakad palapit dito habang may kausap pa. "Kung babalik sila riyan, babalik rin ako. Hindi ko gustong maiwan rito mag-isa, Dad," ika ni Alex. Naupo si Chester at sinalpak na muli ang headphone sa kanyang teynga. Nagkunwaring may pinapakinggan, ngunit ang totoo ay wala naman. "No, I don't want to. Uuwi ako." Pinatay ni Alex ang cellphone at marahas na napabuga ng hangin. Nalaman niya kasing uuwi si Rick at Keila sa probinsiya at doon magpapatuloy ng pag-aaral. Malayo sa kanya. Kung kailan ay hindi niya alam. Samantala, patuloy lamang si Chester sa pagkukunwaring pakikinig ng musika. Iyon nga lamang, nabuko siya ni Alex nang tanggalin nito ang isang earphone at ilagay rin sa kaliwang teynga nito. Alanganin siyang napangiti rito at sinubukan pang magsinungaling. "Ta...pos na, play ko na lang ulit..." ika niya ngunit lumabi lamang si Alex. Tila naiiyak pa ito. "Puwede ka bang mag-play ng sad songs. Gusto ko lang maiyak," suhestiyon nito. Tahimik siyang pumunta sa app kung saan may mga magagandang musika at naghanap nga ng mga musikang tagos sa puso. Hindi niya gusto ang mga ganoon ngunit tila ba gusto niyang pagaanin ang loob ng dalaga. Ngunit imbes na mapagaan ay tahimik na umiyak si Alex habang siya ay tahimik rin na nakikinig. Hindi sa musika kundi sa lihim na pagtangis ni Alex. Hindi niya alam ngunit tila ba may dumagan na mabigat sa kanyang puso. Hindi niya gustong makita ito sa ganoong sitwasyon. Ibang iba kanina na tila ba isang malaya at matapang na babae. Alam ni Chester na kakikilala pa lamang nila ni Alex. But there's something inside him na gustong protektahan ang dalaga. Mukhang mapapatagal siya sa pagbabalik sa US dahil nagkakaroon siya ng dahilan para manatili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD