Chapter 3

1584 Words
"Thanks Kelvin," paalam ni Annie nang ihatid siya ng lalaki sa kanilang silid aralan. "I'll call and text you," ika naman nito bago tuluyang umalis. Patakbo pa nga ito dahil maging ito ay late na sa klase. Sa kabilang building pa naman ito. Kumukuha raw ito ng Engineering at nasa ikatlong baitang na sa kolehiyo. Ngiting-ngiti si Annie habang papasok. Walang kaalam-alam na pinag-uusapan na pala siya ng mga kaklaseng nakakita sa kanila. "Woah, Annie, nililigawan ka ba ni Kelvin?" tanong ng babaeng nadaanan niya sa harapan. Nagtaka siya dahil mukhang kilalang kilala ng mga ito ang lalaki. "Kilala mo?" Hindi niya maiwasang maitanong. Kanina pa niya napapansin na talaga nga lng sikat at kilala ang lalaking bagong kakilala. "Naku! Sinong hindi nakakakilala roon. Eh MVP iyon ng basketball team. Dine-date mo pero hindi mo kilala?" Hindi makapaniwalang tanong muli nito na siyang dahilan para umugong ang tila bubuyog na bulungan. "Suwerte mo naman, napansin ka niya. Hindi mo alam na sikat iyang manliligaw mo?" Maang siyang napailing. Hindi naman kasi siya mahilig sa sports. Hindi rin siya nanonood kahit game sa campus nila. Kung hindi pag-aaral ay trabaho ang inaatupag niya. Ngayon nga lamang niya ginustong makipag-usap sa isang lalaki. Ang lakas naman kasi ng dating ni Kelvin. Kaya naman pala, isa itong varsity player. Wala talaga siyang kaalam-alam kung sino ang lalaking kasama kanina. Kaya ba pinagtitinginan sila sa canteen kanina? Akala niya kasi, guwapo lang talaga ang kasama at agaw pansin. Naalangan tuloy siya rito. "Bakit ka alangan? Magkaibigan lang naman kayo, Annie," ika niya sa isip. Hindi naman nanliligaw si Kelvin gaya ng iniisip ng mga nakakita sa kanila. Paismid siyang napangiti nang magpaalam sa mga kausap. Hindi na niya pinansin ang ibang nagtatanong tungkol sa lalaki. Hahayaan niya kung ano ang iniiisip ng mga ito. Pumunta siya sa puwestong inuupuan nila ni Alex. Excited siyang ikuwento kanina ang tungkol kay Kelvin kay Alex ngunit tila nawalan na siya ngayon ng gana gawin iyon. Napatingin siya sa hawak na cellphone. Mag-aala una na ng hapon ngunit wala pa ang kaibigan. Malaki ang pagtataka niya dahil kahit busy ito kaka-stalk sa lalaking mahal, hindi pa naman ito late. "Nangyari doon? Dati namang maaga rito ah!" bulalas niya. Umupo siya sa puwesto at nagtipa ng text. Pagkatapos noon ay ise-send na sana niya nang mamataan na niya ito sa bungad ng pinto. Ngunit hindi mag-isa, kasama na naman nito ang lalaking dahilan para kumulo muli ang dugo niya. Nakasimangot na siya nang makalapit ang mga ito sa kanya. Agad niyang hinarap si Chester at hindi pinansin ang kaibigang namumugto ang mata sa pag-iyak. "Bakit narito ka? Alis na, hindi mo ito klase..." "Annie!" saway sa kanya ng kaibigang si Alex. "Wala ng next subject si Chester. Makiki-sit in na lang siya sa atin," dagdag nito na lalong ikinadismaya ni Annie. "Huwag kang umupo sa tabi ko!" banta niya sa lalaki at nilagay ang bag niya sa bakanteng upuan. "Don't worry, I'm not going to," ika naman ni Chester na humila ng bakanteng upuan sa tabi ni Alex. Napairap si Annie at nawalan na talaga ng gana. Maging noong nagka-klase na sila ay wala siya sa tamang huwisyo. Naroon siya ngunit tila wala naman ang utak niya kaya nong tinawag siya ng kanilang guro para sa isang tanong ay wala siyang maibigay na sagot. Kaya hanggang sa matapaos ang kanilang klase ay badtrip siya. Uwian na noong magsabi si Alex na sasabay sila kay Chester. Nagprisinta raw ang lalaki para ihatid sila. "At bakit sasabay tayo sa kanya?" reklamo niya kay Alex. Sila na lamang ang naiwan sa classroom at nag-aayos pa ng mga gamit. "Huwag kang sumabay kung ayaw mo. Si Alex lang inaya ko. Sinabit ka lang..." biglang saad ni Chester saka lumayo sa kanila. Lalo tuloy hindi maipinta ang hilatsa ng mukha ni Annie na humarap sa kaibigan. "Alex!" Lumalaki ang butas niya sa ilong na tinawag ang pangalan ng kaibigan. "Annie, ano ba talaga ipinagpuputok ng butse mo kay Chester? Kanina ka pa mainit ang ulo sa kanya..." tanong ni Alex na sumulyap pa sa kaibigang lalaki na nakahalukipkip na habang nakasandig sa pader malapit sa pinto. Naghihintay. "Basta..." "Dahil ba iyon sa sinabi niyang hindi ka niya type? Ilang beses ka ng nasabihan ng ganyan ng mga crush mo, bakit kay Chester ka lang galit?" Pinanlakihan niya ng mga mata si Alex sa katotohanang sinabi nito. Muling napasulyap si Annie sa lalaking ngayon ay nakapikit na nakasandig pa rin sa pader. Nakasalpak na naman ang earphone nito sa mga teynga. "Basta! Tama naman ako na papansin ang lalaking iyan noong muntikan akong mabangga. Deny-deny pa niya eh sinasadya naman niya!" inis na pamimilit niya ng saloobin kay Alex. Napailing na lamang si Alex. Hindi niya alam sa kaibigan kung bakit ganoon kakitid ngayon ang utak nito. Magkaiba sila ng pakiramdam kay Chester. Una pa lamang ay alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang lalaki. Napatunayan niya iyon kanina. Nirespeto siya ni Chester sa pamamagitan ng pananahimik habang siya ay umiiyak. Hindi siya basta-basta nagtitiwala. Ngunit sa mga naging malapit sa kanya, tanging si Annie at Chester ang sobrang gaan ng pakiramdam niya at alam na alam niyang magiging matalik niyang kaibigan ang mga ito. Umikot ang mundo niya sa kanyang ama at sa lalaking minahal noon pa. Hindi siya nakaranas ng mga kaibigan gaya ng dalawa. "Basta, ayaw ko sa kanya! Kaya puwede ba, huwag na huwag kang nagsasama sa kanya, Alex. Kakikilala mo lamang sa kanya, malay mo masamang tao iyan. Baka manloloko. Bakit nga ba kayo magkasama na naman..." "Huwag siyang sasama sa akin? Pero ikaw na nagsasalita ng ganyan ay sumama sa isang estranghero," sabad ni Chester na naririnig pala lahat ng usapan nila. Lumapit ito habang tinatanggal ang earphone sa mga teynga. "Estranghero na halata naman na sinadyang mabangga ka. Estranghero na walang pagdadalawang isip na sinabihan mo ng pangalan mo at binigyan ng numero." Napaatras si Annie nang lumapit sa kanya si Chester. Malapit na malapit. "Now tell me? Sino ang masamang tao? Sino ang nananadyang makilala ka? I know it's not me..." Napalunok si Annie. Hindi makapagsalita. Malapit kasi si Chester sa kanya at naniningkit ang singkit na mga mata. Marami siyang gustong sabihin ngunit naumid na talaga ang kanyang dila. Humugot siya nang malalim na hininga at matapang na tumitig kay Chester pagkatapoa ng ilang saglit na pagkatulala. Nakipagmatigasan siya ng titig dito. "For your information, hindi siya estranghero. Kelvin! Kelvin ang pangalan niya!" gigil na asik niya sa lalaki. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin dahil dito. "Ikaw nga itong hindi ko kilala... "Chester. Now? Kilala mo na ako. And for your info, hindi ako masamang tao. Hindi ko gugustuhin na may mapahamak ng dahil sa akin at lalong hindi ko gugustuhin na si Alex iyon!" giit din nitong hindi siya inurungan. Lalong uminit ang ulo ni Annie dahil sa pagpatol ni Chester sa kanya. "Patola ka rin no? Bakla ka ba?" Hindi niya maiwasang wika sa lalaki. Pinameywangan niya na ito. "Tumigil nga kayong dalawa. Para kayong mga bata. Annie..." Hinila siya ni Alex palapit sa tabi nito. "Ikaw ang mali rito. Hinuhusgahan mo si Chester ng walang katuturan at dahilan..." Napairap lamang si Annie. Ayaw niyang pumayag at umamin na siya ang mali. Ayaw niyang lunukin ang pride na sa una pa lamang ay naapakan na ni Chester. "Babes, please naman. Subukan mong makipagkaibigan kay Chester..." "Ayaw!" mariin niyang tanggi. Tinalikuran ang lalaki at balak na rin sanang umalis at iwanan ang dalawa nang muling magsalita si Chester. "Sorry. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko pero, sorry, Annie." Napakagat labi siya at natigil. Gusto niyang magpapadyak dahil ang lalaki nga ang nagso-sorry pero siya naman ang sobrang guilty. Gusto niyang aminin na may kasalanan nga siya. Naiinis siya sa sarili. "So..." "Annie!" Mula sa kagustuhan niyang humingi rin ng tawad, natigil siya sa pagsasalita nang may tumawag sa pangalan niya. Lahat sila ay napabaling sa tumawag sa kanyang pangalan. Nasa bungad ng pinto si Kelvin. Nakasuot ito ng uniporme na pangbasketball. "Kelvin." Agad na nilapitan ni Annie ang lalaki na ngayon ay ngising-ngisi. "Bakit ka narito?" "Gusto sana kita i-invite. May laro kami ngayon. Puwede ka bang manood. Pampasuwerte lang," yaya nitong bumaling sa mga kasama niya. Si Alex naman ay naglakad palapit sa kanila. "Laro?"tanong nito na sa kanya nakatingin. Naninimbang ang titig nito sa kanya. "Alex, si Kelvin pala. Kelvin bestfriend ko si Alex," pakilala niya sa kaibigan. Hindi pa pala niya nababanggit kay Alex ang tungkol sa lalaki. Walang balak si Annie na ipakilala si Chester ngunit natuon ang tingin ni Kelvin dito. "Si...Chester pala." Napatigil siya at nag-isip kung paano ipakikilala ang lalaki. "Bagong kakilala." Napasinghap si Annie nang lumapit rin si Chester sa kanila. Ngayon nga ay napagitnaan na siya nila Alex. "Hi!" Nagulat si Annie dahil inilahad ni Chester ang kamay nito kay Kelvin. Alanganing abutin iyon ng lalaki. Ngunit dahil nakatingin siya rito tila magiliw itong nakipagkamay kay Chester. "Sige, nood kami. Samahan namin si Annie," biglang deklara ni Alex at hinila pa siya para mauna nang maglakad palayo sa dalawang lalaki. "Annie, mukhang may kailangan kang sabihin sa akin!" nanlalaki ang mga matang bulong ni Alex sa kanya. Napanguso siya habang muling napalingon sa kanyang likod. Nakasunod lamang ang dalawang lalaki. Naunang maglakad si Chester samantalang nasa cellphone si Kelvin at tila may tine-text. Magtatagal pa sana ang tingin niya rito ngunit binawi na lamang niya nang biglang humarang si Chester sa paningin niya. Inirapan niya ito bago hilain si Alex palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD