Chapter 4

1012 Words
Go! Go! Shooters, Go go Shooters! Iyon ang pumapailanglang sa buong gymnasium. Sigawan ng halos karamihan ay mga babae na nag-cheer sa koponan nila Kelvin. Nag-umpisa na ang laro at iniwanan na sila ni Kelvin. Minabuti nilang tatlo nila Alex na maghanap ng mauupuan na medyo malayo sa court. Naiingayan sila sa sobrang sigawan. Kitang kita ni Annie kung gaano kasikat ang bagong kakilala na lalaki. Halos pangalan nito ang ipinagsisigawan. Tingin niya tuloy sa sarili ay ignorante. Walang kaalam-alam tungkol kay Kelvin. Napalingon siya sa katabing si Alex. Maging ito ay hindi kilala si Kelvinat ang basketball team. Hindi naman kasi sa mga ito ang atensiyon nilang dalawa. Pinilit i-enjoy ni Annie ang laro magong ng dalawang kadama. Hindi siya mahilig sa sports. Buti na lamang at six thirty pa ang duty niya sa cafe na pinagtatrabahuan at naroon sila Alex para samahan siya. Alas kuwatro pa lamang ng hapon. Magpapaalam na lamang siya kay Kelvin pagkatapos ng laro. Atleast, pinagbigyan niya itong panoorin. Una pa lamang ay nagpakitang gilas na si Kelvin. Pagkahawak ng bola ay agad nito itinira ang bola para sa tatlong puntos. Hindi pa pumapasok ang bola ay napalingon na ito sa gawi nila at nakangiting naka-sign pa ng three points ang kamay bago siya nito itinuro na tila sinasabing para sa kanya ang puntos na iyon. Pinamulahan ng mukha si Annie lalo na noong halos mapalingon ang ibang nanonood sa kanya. Para kasing sinasabi ni Kelvin na siya ang goodluck nito sa mga puntos na nakukuha. "Ang haba ng hair ah, kakikilala pa lang pero sobra nang magpakitang gilas," biglang bulong ni Alex sa kanya bilang kantiyaw. "Too good to be true though," sabad naman ni Chester na ikinairap niya. Kikiligin na sana siya pero may epal pala silang kasama. Kita niya ang pagsiko ni Alex kay Chester kaya hindi na rin siya nagsalita pa at muling tumutok na lamang sa laro. Natutuwa naman siya dahil nananalo ang team ng kanilang paaralan. Ilang beses na rin na nakapuntos ang binata at sa tuwing makakapuntos ay kung hindi titingin sa kanya ay ituturo naman siya. Hindi na niya maitago ang hiyang nararamdaman. Proud naman siya na may lalaking ganoon ang ipinapakita sa kanya. Una iyon, kaya pakiramdam niya ay espesyal siya. Pinagtutuunan siya ng pansin at halata ng'ang may gusto sa kanya si Kelvin. Kung hindi? Bakit ganoon ito kumilos? Pagkatapos ng isang oras ay nanalo ang koponan nila Kelvin na walang kahirap-hirap. Tambak ang kalaban nila ng halos tatlumpu't apat na puntos. Ito pa ang player of the game. Hinintay nila na umalis ang ibang mga nanood para sana malapitan si Kelvin para batiin ito sa pagkapanalo ng koponan at makapagpaalam na rin si Annie. Ngunit papalapit pa lamang siya ay tatlong babae na ang lumapit dito. Kitang kita ni Annie ang pagpunas ng babae ng maliit na tuwalya sa mukha ni Kelvin at sa katawan nitong pinagpawisan. Hindi alam ni Annie ngunit tila pinag-initan siya ng ulo na makita iyon. Parang tuwang tuwa pa kasi si Kelvin sa naglalanding babae. Umingos siyang tumalikod at hinarap ang kaibigang si Alex at ang lalaking kasama nito na hindi niya mabasa kung anong nilalaman ng tingin sa kanya. Blanko kasi na titig lang sa kanya. "Tara na. Alis na tayo!" Hindi niya naitago ang inis at basta na lamang nag walk-out. Hindi niya napansin ang biglang paglingon sa kanya ni Kelvin at ang pagkaway sana nito. Nakadagdag kasi sa inis niya ang itsura ni Chester. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito sa loob ng seryosong mukha nito. Medyo nahulog kasi siya sa kamandag ng basketbolistang bagong kakilala. Palabas na sila sa gymnasium nat hindi niya inaasahang hahabulin sila ni Kelvin na hangos na hangos. "Annie..." Napapitlag si Annie nang marahan siyang hawakan ni Kelvin sa braso para pigilan. Hindi niya kasi ito pinansin at nagtuloy na parang walang narinig. Agad naman itong napabitiw sa braso niya nang tumingin siya roon. Wala ring ngiti ang mukha niyang humarap dito. "Aalis ka na ba?" tanong nito. Tumingin sa mga kasamahan niyang tahimik lang sa tabi niya. "Puwede ka bang ma-invite? My konting selebrasyon lang sa pagkapanalo namin," alanganing dagdag ni Kelvin. Napalunok si Annie. Naroon pa rin ang inis niya rito. Pero nang mapatitig siya sa mga mata nitong malamlam at sa ngiting nakakaenganyo ay hindi na niya alam kung paano tumanggi. Napalingon tuloy siya sa mga kasamahan. Nag-usap ang mga mata nila ni Alex. "Kasi may..." "Please, saglit lang tayo. Gusto lang kitang ipakilala sa teammates ko at barkada. Aalis tayo agad. Ihahatid kita," agad na pakiusap nito sa kanya. Hindi siya binigyan ng pagkakataong tumanggi. Nanatiling tahimik si Annie. Babae lamang siya. Nadadala sa lalaking nasa garaoan niya. Hindi siya sumagot dahilan upang muling magsalita si Kelvin. "Puwede mong isama mga kaibigan mo," dagdag nito. Sa tingin ni Annie ay seryoso naman si Kelvin kaya hindi niya mapigilang mapangiti. Natutuwa ang puso niya dahil sa ipinapakita ni Kelvin. "Alex?" Lumingon siya sa kaibigan at sa pamamagitan ng mga mata ay muli silang nag-usap. Umaasang pumayag sana ang kaibigan. Pagkakataon siguro iyon para makilatis nila nang mabuti ang binata. Si Alex naman ay gustong taasan ng kilay ang kaibigan. Mukhang nahuhulog ito agad sa lalaking basketbolista na sa tingin niya ay bolero. Mahilig kasi sa bola. Ngunit dahil kaibigan niya si Annie at nag-aalala siya para sa kapakanan nito ay napatango na lamang siya. Kung kailangan niyang bantayan si Annie ay gagawin niya huwag lang itong mapahamak. Wala pa siyang tiwala sa lalaking kaharap. "Susunod kami ni Chester sa inyo. Saam uli iyon?" tanong ni Alex kay Kelvin. Nagprisinta kasi ito na sa sasakyan na nito sila sasakay. Ngunit dahil may dala naman si Chester ay tumanggi sila. Si Annie na lamang ang kasama nito at susunod naman sila sa mga ito. "Musiko bar," sagot ni Kelvin na pinagbuksan ng sasakyan si Annie. Tumango si Alex. Pinanood nila ang pag-alis ng sasakyan ni Kelvin bago nila maisipan ni Chester na sumakay na rin sa sasakyan nito at sumunod na. Pinagbukasan siya ni Chester ng pinto at maingat itong nagmaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD