"Sa tingin mo? Ayos lang si Annie?" Wala sa sariling naitanong ni Alex iyon kay Chester. Hindi pa maayos ang dalawa at ngayon nga ay isinama niya pa ang lalaki para may kasamang magprotekta sa kaibigan.
Para kay Alex, mahalaga ang pagkakaibigan. Poprotektahan niya si Annie sa abot ng kanyang makakaya. Para na niya kasing kapatid ito.
"Malaki na siya. Alam niya ang tama at mali. Alam naman niya sigurong ipagtanggol ang sarili niya. And to think, na hindi naman siguro basta-basta paloloko ang kaibigan mo," wala sa loob na sagot ni Chester.
Natawa bigla si Alex sa turan ni Chester. Hindi niya mapigilang mapahalakhak.
"Ano'ng nakakatawa?"
"Wala naman. Ganoon ba ang impression mo kay, Annie?" tawang wika nito. "Pero sa totoo lang unang beses ko siyang makitang kiligin sa lalaki..."
Tumaas ang kilay ni Chester. "Kinikilig na siya sa itsura na iyon?" Hindi makapaniwalang pahayag niya na lalong dahilan ng pagtawa ni Alex.
Nahampas ni Alex si Chester sa braso dahil sa sinabi nito.
"Sa itsura mo naman na iyan, kumukulo ang dugo ni Annie," litanya ni Alex na hindi naalis ang ngiti sa labi.
Maging si Chester ay hindi maiwasang maipagkit ang malawak na ngiti. Kahit kakikilala nila ni Alex ay magkasundong-magkasundo ang mga ugali nila. She's like a soulmate. And he knew back then, sa unang kita niya kay Alex. Gusto niya ito.
Hindi naman kalayuan sa campus ang bar na sinabi ni Kelvin kaya madali nilang natunton. Pagkapasok na pagkapasok nila ay agad bumungad sa kanila ang masayang tugtugin. Mga nagkakasiyahang mga tao na halatang mga estudyante sa kanilang paaralan.
"Doon tayo. Nagpa-reserve si Larry para sa selebrasyon," tawag sa kanila ni Kelvin. Magkatabi sila ni Annie na naghihintay sa paglapit nila.
Hinayaan lamang ni Annie na igiya siya ni Kelvin papunta sa itinurong silid. Habang sila Alex at Chester naman ay nakasunod lamang at nagngingitian. Hindi pa rin maalis sa isip nilang dalawa ang napag-usapan kanina.
"Guys! May kasama ako," malakas ang tono na bungad ni Kelvin pagkapasok nila.
Kumunot tuloy ang noo ni Chester dahil mukha nga namang hindi inaasahan ng mga kasama ng lalaki na naroon sila.
Agad na natigil ang mga kasamahang sinasabi ni Kelvin sa pag-uusap. Samantalang inilibot naman ni Annie ang kanyang mga mata sa paligid. Hindi naman karamihan ang mga naroon. Tila anim lang sa ka-teammates ni Kelvin at anim rin na mga babae. By partners ang dating dahil katabi ng bawat lalaki ang mga babae.
Namula si Annie sa isiping siya ang kapareha ni Kelvin doon. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang kakaibang ihip ng hangin nang makita sila.
Napaangat ang tingin ni Annie kay Kelvin na nakatingin sa mga kasamahan. Nang biglang may magsalita kaya muli niyang nabaling ang pansin sa mga kasamahan.
"Wow! Kaya pala nawawala si lover boy natin. Hi, Miss!"
Tumayo ang isang lalaki mula sa gitna. Malaking bulas ito at malaki ang katawan. Iyon ang nasa sentro kaninang may laro. Lumapit ito sa kanilang apat. Nilingon niya si Alex at Chester na ngayon ay seryoso na rin..
"Luvic, si Annie, Alex at Chester," pakilala sa kanila ni Kevin. Sinenyasan ang ibang mga kasama.
Umugong ang tila biruan bigla sa paligid. Pinupubtirya ng mga ito si Kelvin na tatawa-tawa lang.
"Welcome, Annie and friends. Ang ganda naman ng nasungkit mo, bro," biglang saad ni Luvic at kunwaring sinuntok nito si Kelvin sa sikmura. Nangiti lamang si Annie dito. "Maupo kayo. Celebrate tayo dahil sa wakas, may pinakilala na si Mr. MVP sa amin," ika ni Luvic na iginiya sila. Ngayon nga ay nakapalibot na sila sa isang mesa na napupuno ng iba't ibang inumin.
Kasalukuyan lamang na nagmamasid si Chester sa mga naroon at sa kinikilos ng mga bagong kakilala. Hindi nalingid sa kanya ang tila lihim na tinginan at ngitian ni Luvic at Kelvin. Hindi niya gustong pagdudahan ang lalaki ngunit hindi niya maiwasan dahil huling-huli niya ang tila palihim na senyales na ginagawa ng mga ito.
Magkatabi sila ni Alex at si Annie naman ay katabi ni Kelvin sa dulo malayo nang kaunti sa kanila. Luvic offered them a drink, tinanggihan niya iyon dahil magmamaneho siya, ngunit hindi niya napigilan si Alex nang kuhanin ang inaabot ni Luvic na nasa malaking mug.
"Hey!" untag niya rito at kukunin sana ang inumin ngunit mabilis nitong nailayo iyon.
"Isa lang, kailangan ko ito!" nakangising sabi ni Alex at nilasahan ang alak. Napangiwi pa ito sa lasa. "Not bad!" pahayag nito na kinontra ng hilatsa ng mukha niya. Halos nakangiwi kasi ito. Ngunit inunti-unti naman niyang ininom.
Napailing na lamang si Chester. They offered him again pero tinanggihan niyang muli. "Sorry, bro. Iuuwi ko pa ang mga binibining kasama ko," tanggi niya kay Kelvin na siyang pilit nag-aabot ng alak na nasa bote.
Ngumisi ito sa kanya bago tinungga ang boteng inaabot. "Sarap!"
Hindi niya pinansin ang tila mayabang na aura nitong pinapakita sa kanya. Umiinom siya. Party goer nga siya sa US. Pero dahil kilala niya ang mga taong nakapalibot sa kanya, malasing man siya. Pero sa pagkakataon ngayon, napigil niya ang sariling uminom. Dahil estranghero ang mga kasamahan nila, at dahil na rin kay Alex, isama na si Annie.
Ilang minuto ang nakalipas. Nagkakasayahan na ang ibang naroon. May naghahalikan pa nga sa harapan nila. Okay lang sa kanya. Sanay na siya. Ngunit ang mga bagay na iyon ay alam niyang hindi kinasanayan ng dalawang babae.
Kitang kita niya ang panlalaki ng mga mata ni Annie nang makitang halos hubaran na ng ka- teammate ni Kelvin ang kasamang babae.
Si Alex naman ay humagikgik na tila lasing na sa ininom.
"Wow, live show!" malakas na bulalas nito at itinuro pa ang dalawang nasa madilim na gilid.
Naghalakhakan ang iba ngunit hindi siya natuwa habang pinipigilan si Alex dahil itinuturo pa nito ang gawi ng mga ito. Mukhang lasing na lasing na rin ito.
Napakunot noo si Chester dahil isang baso lang naman ng alak ang ibinigay kay Alex ngunit agad na nalasing ito. Napansin naman iyon ni Annie kaya napalapit sa kaibigan. Uminom rin siya dahil hindi niya matanggihan si Kelvin ngunit patikim-tikim lang. Nagkunwari lamang siyang sinabayan ito. Isa pa, may trabaho siya. At sa tingin niya ay oras na rin para magpaalam. Hindi na lamang siya magpapahatid kay Kelvin.
"Alex, okay ka lang?" tanong niya sa kaibigan na ngayon ay nakatungo na nang makalapit siya.
Umungol lamang ito. Tumayo siya ng tuwid at hinarap ang biglang humapit sa beywang niyang lalaki. Gusto niya itulak ito ngunit ayaw niyang ipahiya si Kelvin. Kusa siyang sumama rito. Gusto niya si Kelvin pero ayaw niya ang biglang pagiging agresibo nito. Sa katunayan na kakikilala lamang nila.
"Anong laman ng baso?" tanong niyang nagpipigil ng galit. May balak bang lasingin sila?
"Oh sorry, mukhang sa kaibigan mo naibigay ang pi aghalo-halo naming alak..." sagot ng isang babae na nakangisi. Hindi na niya binigyang pansin kung sino iyon. Hindi nga niya kinilala ang mga ito kanina.
"Iuuwi na namin siya. Aalis na kami," sabi niya kay Kelvin na kababanaagan ng pagkadismaya sa boses.
"Sorry ha, sige, ihahatid ko na kayo," ika nitong puno ng lungkot sa boses.
Napakagat labi si Annie. May kasalanan nga siguro ito pero hindi lahat. Sumama sila rito at si Alex ang uminom. Walang pumilit dito.
Hinarap niya si Kelvin. Hinayaan niya ang kamay nitong nasa beywang niya.
"Huwag na. Sasabay na ako sa kanila. Selebrasyon niyo ito kaya dapat manatili ka rito," ika niya kay Kelvin.
Napabitiw si Kelvin sa pagkakahawak sa kanya. "No. Sinabi kong ihatid kita. Ihahatid kita. Hindi ba sabi mo may trabaho ka pa. Ihahatid kita," pamimilit nito.
Napatingin siya sa kanyang relo. Kung tatanggi pa siya. Baka nga ma-late pa siya. Tumango na lamang siya rito.
Tinulungan ni Annie si Chester na akayin si Alex. Hawak niya ang bag ng babae. Unang beses nitong uminom kaya lasing ito agad.
Dumaan muli sila sa pinaka-puso ng bar kung saan bakapaimbabaw ang musika at nagsasayawan ang mga taong naroon. Tila nabuhayan si Alex at iwinaksi ang hawak ng mga kaibigan.
"Sa...yaw tayo..." pamimilit nito at pasuray-suray na nagtungo sa dance floor.
Agad niyang ibinigay ang bag na hawak kay Chester para sundan ang kaibigan na nagsasayaw na sa gitna. Umikot ang kanyang paningin dahil sa ilaw at sa kumpol ng mga tao habang hinahanap ang kaibigan. Tila nawala kasi ito sa agos ng sayawan.
Nang biglang may humawak sa puwetan niya. Nagulat siya doon at agad na dumapo ang palad niya sa lalaking agad na natigil.
"Bastos!" sigaw niya rito.
Matalim ang tingin sa kanya ng lalaki. Susugurin sana siya nito nang may dumapong kamao sa lalaki.
Napasigaw si Annie at tumigil ang ilan sa mga naroon. Kitang kita niya kasi ang pagbagsak ng nanantsing sa kanyang lalaki.
"Gago ka ah!" sigaw ni Kelvin at susugurin pa sana nito ang lalaking bagsak pa rin ngunit napigilan niya.
"H-hayaan mo na, Kelvin," utal na pigil niya rito. Nanginig ang kanyang mga kamay na nakahawak dito. Nanlalamig.
"Are you okay?"
Tumango siyang mangiyak-ngiyak. "Si...Alex?" Nagawa pa niyang mag-alala sa kaibigan.
"She's okay. Nasa labas na sila ng kaibigan mong si Chester," sagot nito bago siya akayin palabas.
Muli niyang nilingon ang lalaking sinuntok ni Kelvin. May mga tumulong na para makatayo ito. Hawak pa rin siya ni Kelvin at hila-hila hanggang sa makarating sa labas. Doon ay hinihintay na siya ni Chester. Nasa labas ito ng sasakyan nito samantalang kita niya mula sa bukas na bintana ng sasakyan si Alex. Nakahiga ito sa backseat ng kotse.
Hinarap niya si Kelvin na ngayon ay naghihintay na magsalita siya.
"Hindi na ako papasok. Iuuwi na namin ang bestfriend ko..."
"Are you sure?" mababanaag ang pag-aalala sa boses nito na siyang dahilan ng pagkabog ng kanyang dibdib.
Napakagat labi siyang tumango bago magsalita. "Salamat kanina."
"Wala iyon. Kulang pa nga ang isang suntok..." reklamo nito na siyang ikinangiti niya.
Magsasalita pa sana si Annie nang maringgan niya ng pagtikhim si Chester na naghihintay sa kanya. Gusto man niyang irapan ito, hindi niya magawa dahil ito pa rin ang maasahan nilang magkaibigan.
"See you na lang sa school, Kelvin."
Tumango ito at inihatid siya kung nasaan si Chester at ang sasakyan nito. Dahil sa nakahiga na si Alex sa backseat, sa harap siya naupo kasama ni Chester.
"See you then," paalam na muli ni Kelvin bago tuluyang paandarin ni Chester ang sasakyan palayo rito.
Sa pagmasid ni Annie mula sa side mirror, kita niya na muling bumalik si Kelvin sa loob ng bar.
"Don't put your 100 percent trust on him. Kilalanin mo..."
"Alam ko!"singhal niya rito. Nagmamasid rin pala ito gaya niya sa kilos ng lalaking iniwan. "Hindi ako tanga!" dagdag niya at humalukipkip. Biglang sumibol muli ang inis sa kanyang sistema.
"Okay..."
"Just shut up. Puwede ba huwag ka na magsalita pa," putol na muli niya sa sasabihin nito. Hindi na niya naitago ang iritasyon sa kanyang boses. Dumagdag pa sa inis niya ang biglang pagtigil nito sa gilid ng daan. Hindi ito umusad ilang saglit na ang nakararaan.
"Ano ba? Akala ko ba ihahatid mo kami?" Hindi na iya mapigilang asik dito. Mukhang iniinis talaga siya dahil nakataas ang kilay nitong hinarap siya.
"How? You said I'd better shut my mouth. Paano ko matatanong anong address ninyo para maihatid ko kayo?" Sarkastik na saad nito.
Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Bigla siyang inatake ng hiya rito. Huminga siya ng malalim bago niya sabihin ang address nila. Agad naman itong nag-drive at tahimik na lamang silang bumiyahe.