"Babe, ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Alex kinaumagahan habang palapit sa mesa kung nasaan si Annie sa kitchen area ng inuupahan nilang apartment. Sinabunutan pa nito ang buhok dahil sa tindi ng kirot na nararamdaman.
"Maupo ka, ipainit ko lang ang soup na niluto ko para mainitan iyang sikmura mo," ika ni Annie.
"No, coffee is enough, babe. Para kasi akong nasusuka."
Agad naman kumilos si Annie para ipagtimpla ng kape ang kaibigan.
"Buti na lang at mamaya pang alas onse ang klase natin. Kung hindi, lagot tayong pareho..." sermon niya kay Alex pagkatapos ilapag ang tasa ng kape sa harapan nito.
Nangiti ito ngunit napangiwi rin dahil sa atake ng sakit sa ulo.
"Wala akong maalala. May nangyari ba o ginawa akong mali?"
Gusto man ikuwento ni Annie, parang naninindog pa rin ang balahibo niya sa isiping nabastos siya kagabi dahil sa kalasingan ni Alex.
"Wala naman, sige na. Magkape ka na. Mauuna na akong maligo, babes..."
Nagkape nga si Alex at siya naman ay naligo na. Dala ang mga gamit sa banyo. Hindi naman niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ang katawan ngunit pagkatapos niyang maligo ay inayos niya ang kanyang kilay at naglagay siya ng moisturizing cream sa kanyang mukha para magmukhang malambot at hindi dry dahil sa init ng panahon at malagkit na pakiramdam na dala ng hangin.
Hindi niya alam na tumagal na siya madyado kung kaya't nakasimangot na si Alex nang lumabas siya. Malapit ito sa pinto kaya paglabas pa lmang niya ay kita na niya ito.
"Ang tagal mo, babes," reklamo ni Alex. "Iba na ang may nagpapatibok ng puso."
Napangisi si Annie sa kaibigan. Ganoon rin naman kasi ito lagi sa umaga. Maraming seemonyas ng pagpapaganda.
"Mana sa iyo, babes. Bestfriend talaga tayo," sabi niyang pumuwesto sa likod ng kaibigan at mahinang itinulak ito paloob sa banyo. "Ligo na, ang baho mo. Amoy alak ka."
"Tse. Maganda naman ako," pahabol na wika ni Akex bago tuluyang isara ang pinto ng banyo.
Napapailing na pumanhik si Annie sa limang baitang na hagdan. Ready naman na siya kaya tinungo na lamang ng kanyang mga paa ang isnag maliit na silid na ginawa nilang shop ni Alex. Naroon ang maliit na sewing machine niya na ginagamit niya para sa mga tinatahing kung ano-ano para mapagpraktisan sa pananahi. May project rin silang ginagawa ni Alex kaya inuumpisahan na niya ito. Draft pa lang ang design na ginawa ni Alex kaya paunti-unti niya ring binubuo ang maliliit na detalyeng kailangan nila.
Mula sa maliit na silid ay rinig niya ang kaluskos sa katabing kuwarto. Mukhang natapos na si Alex sa paliligo at ngayon nga ay naroon na sa kuwarto nito para magbihis.
Ilang saglit lang ay narinig niya ang mabilis at tila patakbong pagbaba nito. Doon na siya tuluyang tumayo at ihanda na rin ang sarili.
Naulinigan niya si Alex na tila.may kausap sa baba ngunit binalewala niya na muna iyon at pumasok na rin sa kuwarto upang kunin ang ilang gamit niya.
Pasipol-sipol pa siyang bumaba nang biglang umasim ang mukha niya nang magtama ang mga mata nila ni Chester na nakaupo ngayon sa kanilang sofa at nasa sala.
Tinaasan niya ito ng kilay at tatanungin sana ngunit naunahan siya ni Alex na magsalita.
"Sinusundo tayo ni Chester..."
Napairap si Annie dahil alam naman niya sa sarili na hindi 'tayo' talaga ang ipinunta ni Chester kundi, si Alex lang talaga.
Hindi siya nagsalita pa ngunit nagtuloy-tuloy siyang naglakad papunta sa pinto palabas.
"Annie, saan ka pupunta?" habol na tanong ni Alex.
Tumigil siya at nilingon ito. Sa gilid ng mga mata niya ay kita niyang tumayo na rin si Chester.
"Maglalakad na lang ako."
"Ha? Magpapagod ka pa, babes. Sakay na lang tayo," pamimilit ni Alex sa kanya. Halatang pinipilit din nitong maging okay sila at maging magkasundo ni Chester.
"Hindi na. Kailangan ko rin kasi ng ehersisyo. Sige na. Mauna na ako."
Hindi siya nagpapigil kay Alex kahit anong kumbinsi nito sa kanya. Malayo-layo rin ang kanilang unibersidad pero okay lamang naman sa kanya. Ilang beses na nilang ginagawa iyon ni Alex lalo na ang pauwi.
Lumiliko na siya sa isang eskinita palabas ng lugar nila nang lagpasan siya ng sasakyan ni Chester. Biglang sumibol ang matinding inis sa kanyang kalooban dahil hindi man lamang siya tinigilan ng mga ito.
"Pakipot ka kasi. Tapos maiinis ka!" piping pagalit na saad niya sa sarili at nagpatuloy na lamang maglakad dala ang matindi pa ring inis na pakiramdam.
Nakarating siya sa silid ng isang subject nila na medyo pawis at pagod. Suwerte niya lamang dahil hindi gaanong tirik ang araw at medyo maulap ang panahon.
Napaingos siya nang hindi makita si Alex doon gayong alam niyang nauna pa ang mga ito na dumating dahil nga nakasakay. Mas lalo tuloy nadagdagan ang inis niya dahil parang inaagaw ni Chester ang atensiyon ng kanyang bestfriend. Gusto tuloy niyang magtampo kay Alex. Imbes na samahan siya sa paglalakad ay talagang iniwanan siya kasama ng lalaking iyon. Tapos ngayon nga ay wala pa ito at tila nag-bonding pa sa kung saan.
Padarag siyang naupo at inilabas ang notebook para reviewhin ang pinag-aralan kahapon. Nakatutok ang kanyang mga mata roon ngunit walang anumang pumapasok. Idagdag pa ang pagkalam ng kanyang sikmura. Tinapay lamang ang kinain niya kanina at alam niyang kulang iyon. Gutom na rin siya.
Padarag siyang tumayo para umalis at bumili sana ng makakain nang mula sa may pinto ay makita niya si Alex, siyempre kasama nito si Chester habang nagtatawanan. Magkasundong-magkasundo ang dalawa.
"Annie, sila ba?" Biglang tanong sa aknya ng isang kaklase. Lumapit ito sa kanya.
"No way," agad niyang tanggi. "Dadaan muna sa akin ang lalaking magiging nobyo ng bestfriend ko," asik niya sa babaeng saka lang naman siya kakausapin kapag tsismis. Ito rin kasi ang kumausap sa kanya tungkol kay Kelvin.
Nagkibit ang babae sa pagtataray niya rito at iniwanan na lamang siya. Siya naman kasing paglapit ni Alex pagkatapos nitong magpaalam kay Chester.
Nakasimangot siya nang maupo si Alex sa tabi niya. Nalimutan niya ang gutom dahil sa tampong nararamdaman.
"Bakit ang haba yata ng nguso mo babes?" tanong ni Alex na manhid yata dahil hindi nito alam ang ipinagtatampo niya.
Naupo ito at parang wala lang na tahimik siya, eh sa tuwing magkasama sila ay daldalan lamang sila nang daldalan. Walang katapusang kuwentuhan.
"Babes? May problema ba?"
Lalo siyang ngumuso nang sa wakas ay kausapin siya at mapansin ni Alex na nagtatampo siya.
"Saan kayo galing? Nauna pa kayong umalis pero late kayong dumating? Anong ginawa niyo ng Chester na iyon?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan halatang dismayado ang boses.
"Wow, nagtatampo ba ang bestfriend ko? Naku babes, huwag ka ng magtampo. Bestfriend ko na lalaki si Chester, pantay lang kayo sa paningin ko."
Umingos siya. "Bestfriend mo agad? Kakikilala mo lang sa kanya, babes. Anong ipinakain niya sa iyo at tila masyadong malapit ka sa kanya?"
Mas humarap pa siya sa kaibigan. Natatawa pa si Alex kaya pinaningkitan na niya ito ng mga mata.
"Gutom lang iyan, babes. Kumain ka muna bago dumating professor natin. Eto...," ika nitong inabot ang isang paper bag ng isang sikat na fastfood.
Nang ayaw niya iyong abutin ay inilapag iyon ni Alex sa mesa niya. Umalingasaw ang mabangong amoy ng pagkain doon. Tuloy, kumalam ang kanyang sikmura. Kagat labi niyabg binuksan ang paoer bag at bumungad nga sa kanyang paningin ang fries at hamburger. Hindi na niya napigilang kuhanin ang burger at lantakan iyon. Gutom na siya talaga.
"Nakikita ko si Chester bilang isang taong mapagkakatiwalaan, babes. Nagkaroon na ako ng mga kakilala, matagal silang nakasama. Ngunit gaya mo, sa kanya lang magaan ang loob ko. Walang wala sa mga kaibigan ko ng matagal para pagkatiwalaan ko, babes. You and Chester, kayo ang mga bestfriends ko..."
Nakinig lamang siya kay Alex habang ngumunguya. Wala na rin naman siyang panahon na sumagot dahil puno ang kanyang bibig ng pagkain.
"Mabuting tao si Chester, babes. Naisip ka pa nga niyamg i-take out-tan ng pagkain kahit sinusungitan mo siya."
Muntikan niyang maibuga ang nasa bibig sa sinabi ni Alex. At dahil pilit at bigla na lamang niya iyong nilunok ay nabulunan naman siya.
"Annie?" tarantang tawag ni Alex sa pangalan niya nang sunod-sunod siyang maubo. "Nasaan na iyon? Hindi ko dala ang inumin."
Tila hindi na siya makahinga sa kakaubo at napalingon na sa aknya ang ibang kaklase. Itinuro niya ang bag na may lamang bottled water kay Alex ngunit hindi naman nito maintindihan. Gusto man niyang magsalita ngunit talagang may nakabara sa kanyang lalamunan.
"Tu....big," pilit niyang ibigkas.
Naluluha na siya nang may buglang naglapag ng unumin sa kanyang mesa. Dali-dali niya iyong kinuha at ininom. Wala na siyang panahon para tingalain pa kung sino iyon.
Nang mahimasmasan, namumula niyang tiningala ang taong nagbigay ng inumin sa kanya. Napalunok siya at hindi nakapagsalita para magpasalamat.
"Nalimutan kong ibigay," ika ni Chester na ang tinutukoy ay ang inumin na kasama ng burger. "Alis na ako."
Pinanood lamang ni Annie si Chester na umalis. Hindi talaga siya kumilos para habulin ito at magpasalamat.
"Annie naman..." sita sa kanya ni Alex. Alam niya ang tinutukoy nito.
"Kasalanan naman niya. Kung hindi niya ako binilhan ng makakain, hindi ako mabubulunan!" ingos niya sa kaibigan.