Muling tinungga ni Chester ang bote ng alak sa kanyang kamay. Nakauwi na siya sa kanyang condo at ngayon nga ay inilulunod ang sarili sa alak dahil sa sama ng loob at galit. Galit na alam niya kung para kanino. Buti na lamang at napigilan pa niya ang sarili at huwag sumabog sa harap ng kanyang anak. Anak na hindi man lamang niya nahawakan ng sampong taon. Galit na galit siya dahil ipinagkait sa kanya ang kanyang anak ng sampong taon. Ten f*cking years! Ang mas ikinagagalit niya ay si Annie pa mismo ang gumawa nun sa kanya. Mas nasasaktan siya dahil sa pagtatago nito. Sa pagsisinungaling nito. Sa hindi pagsabi na siya pala ang ama ng dinadala nito. "Sh!t!" sigaw niya. Napasabunot sa ulo nang hindi na lang sa nainom sumasakit ang kanyang uli. Kundi sa isipin kung paano makukuha ang anak.

