Nang maibaba ang ilang mga gamit sa bahay ni Annie ay muling umalis si Chester para naman puntahan ang natitirang negosyo ng ama sa Pinas. Nanganganib na rin kasi itong ma-bankrupt kaya kailangan niya rin tutukan bukod sa anak niyang kakikilala lamang. Kasalukuyan siya ngayong nasa opisina. Abala siya nang may kumatok sa pinto at pumasok. "Hijo." "Ninong?" Lumapit ito sa kanya. Nakaupo siya at natatabunan na siya ng mga papeles na kailangan i-review. Mga proyektong naantala at mga trabahante na kailangan pasuwelduhin. Malaki ang epekto ng pagsara ng ilang negosyo ng ama sa America ang negosyo nito sa Pinas. Talagang papalubog na iyon. Sinusubukan niyang isalba ngunit hindi niya alam hanggang kailan at saan? Hindi siya mahikero na madaling masolusyonan ang malaking problema ng ama. "We

