"Thank you," nakangiting sabi ni Tita at hinawakan ang aking isang kamay, inalalayan niya ako paupo sa upuan at binitawan na ang aking kamay, saglit lang iyon dahil umupo lang rin siya at muling hinawakan ang dalawang kamay ko na inilagay ko sa aking kandungan. Biglang nawala ang ngiti ni Tita at naging seryoso ang mukha niya. "Kahit hindi mo pa maintindihan 'to sa ngayon, gusto kong sabihin pa rin ito sa'yo," bumuntong hininga siya at humigpit ang pagkakahawak sa aking kamay. "I wan't my son to be happy," marahang sabi nito at matamang nakatingin sa akin. "But, with the situation, it's so impossible," pumungay ang mga mata niya at bakas ang lungkot sa mga mata na ikinataka ko pati na rin sa mga sinasabi niya. "You know that we're not like you right?" Tanong niya. "Huh? A-ano po'ng ibig

