"Iyon naman! Lakas mo talaga, Kuya Islaw." "Agnes, k-kapag kinikiss kita l-lumulundag ang puso ko sa t-tuwa. Hindi ko a-alam pero may k-kung ano akong n-nararamdaman. B-basta masarap sa pakiramdam." Patago siyang napangiti dahil sa mga salitang binibitawan ni Islaw. Tila yata'y nadadala na siya sa mga sinasabi nito, lalo pa nung abutin ni Islaw ang braso niya at hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya. Hindi niya akalaing magagawang magbitaw ng ganoon katamis at kalambing na salita ang isang sireno. At hindi niya rin inakalang nararamdaman rin pala ni Islaw ang nararamdaman niyang ito. Akala niya kasi ay siya lang ang may pakiramdam niyon, iyong tipong lumulundag sa tuwa ang puso niya. Iyong tipong nagiging maaliwalas ang isip niya dahil kay Islaw. Pero pareho pala sila. "G-gusto k

