Sixty four (Unedited)

2627 Words

Nakangiting pinatay ni Agnes ang lumang stove nang matapos niyang lutuin ang adobong baboy na kakainin nila ni Islaw para ngayong gabi. Sandali lang niyang inilipat ang laman ng kaldero sa pinggan bago iyon inilapag sa mesa na siya namang ikinatuwa ni Islaw na mukhang kanina pang naghihintay sa niluluto niya. Saglit ulit siyang tumalikod para kumuha ng tatlong plato, mga kutsara't tinidor para makakain na sila ng hapunan. Ngunit mabilis na nawala ang ngiti sa labi niya nang mapalingon siya sa sireno na basta nalang hinila palapit ang pinggan bago kinamay ang mainit-init at umuusok pang ulam. Nang tumubog ang mga daliri ni Islaw sa kumukulo pang sabaw ay mabilis itong napa-igik kasabay ng paghigit nito pabalik sa sariling kamay. Napabuntong hininga siya at nag-aalalang nilapitan ang siren

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD