Siguro nga hindi kasing lakas ng salitang mahal kita ang salitang gusto kita, pero para sa kanya ay malaking bagay na iyon. Lalo pa't mismong galing kay Islaw ang salitang iyon. Aminin man niya o hindi, ay tuluyan na talagang nahuhulog ang kanyang loob sa malambing na sirenong ito. At hindi naman na iyon nakakapagtaka, mabilis mahalin ang isang tulad ni Islaw. "Agnes, sino iyan? Bagong jowa mo?" mabilis siyang dumistansya kay Islaw nang biglang dumating ang isang babae na ka-edad niya din. Ang sikat na tsismosa sa palengke. "Ikaw pala, Lia." nginitian niya ito. Si Islaw naman ay nanatiling nakatayo sa gilid. "Ang guwapo naman ng bagong jowa mo. Puwede pa-share?" malanding tanong nito habang malagkit na nakatitig kay Islaw. Sinamaan niya ito ng tingin. "Grabe naman iyang tingin mo, A

