"A-a-alis?" kunot noong ipinaling nito ang ulo. "Oo, aalis." sagot niya na may kasamang hand gestures. Ilang araw narin ang nakakalipas nang sa wakas ay natuto itong lumikha ng salita. At ang unang-unang salita na nabigkas nito ay ang pangalan niya. Simula nun ay mas naging madaldal si Islaw, madalas ang pag-imik nito kahit minsan ay hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito. Naiisip niya nalang na baka nag-aaral lang ito ng mga salita na naririnig nito. "Agnes, aalis. Aalis!" "Oo, Islaw. Aalis ako at kasama ka." "Agnes, a-aalis. Ako, s-sama." mahinang turan nito na animo'y tatlong taong bata na inuulit-ulit ang mga salitang naririnig. "Tama iyan, Islaw. Kailangan mong matutong magsalita." nakangiti niyang tinapik-tapik ang buhok nito. Doon niya lang napansin na masyado na pa

