But then it was ruined when I remember what was written in the minutes, when I imagine Arius waiting for me in this ghost house. I can't help but to imagine Rouisa lingering out here while talking to Arius. Naalala ko nang mabanggit ni Evony na bahay daw 'to ng Uncle niya, at pinsan naman niya si Rouisa. Kaya naiintindihan ko kung bakit kumportable at alam niya ang lugar na 'to. Nag-iba ang aking pakiramdam. Hindi man sinabi sa minutes pero pakiramdam ko siya ang nag-uuwi kay Arius, siya ang nagluluto ng pagkain sa kaniya, siya 'yung kakwentuhan, siya 'yung naging ako noong iniwan ko siya. Bukas, kailangan kong tapusin na basahin 'yon para mas malaman ang tungkol pa sa kanila dahil hindi ako naniniwala na hindi man lang nakaramdam ng kahit ano si Arius kay Rouisa. Ang tagal rin nilang

