"Ikaw talaga Buchu, puro ka kalokohan." "Kalokohan? Ate, nagsasabi ako ng totoo." "At paano mo naman nasabi na totoo iyang sinasabi mo?" humalukipkip siya at kunwaring tinaasan ng isang kilay. "Ate Agnes, mga tingin mo palang kay Kuya Islaw ay alam ko na agad. Iyong malamlam mong mga mata na nakatitig kay Kuya Islaw, parang nangungusap at tila siya lang ang nakikita mo." ani nito na hindi na niya nagawang sagutin. Tila natameme siya dahil sa sinabi ng bata. "Alam ko na alam mo sa sarili mo na hindi lang basta awa ang nararamdaman mo para kay Kuya Islaw, Ate Agnes. Alam ko at nakikita ko na unti-unti na siyang nakakapasok sa puso mo." Mas lalo lamang yata siyang tinakasan ng salita dahil sa mainit at matamang pagtitig sa kanya ng batang si Buchukoy. Hindi talaga matalino si Buchu pagd

