Bumangon ako sa pagkakahiga at hahawiin na sana ang buhok ko nang makita kong wala nang puting tela ang nakabalot sa kanang kamay ko.I was bleeding againThe only wound that wouldn't heal by itself Hindi ako pumasok sa WIT, tinawagan ko sila Tita Ashlie at Saki na hindi maganda ang pakiramdam ko. Ayokong kumilos, kahit sagutin lang ang tawag ni Tita Ashlie ay hindi ko magawa.Pero hindi naman ibig sabihin ng nangyari kanina, kailangan ko nang manatiling hindi gumagalaw. Alam kong may dapat akong gawin at ang nakakainis lang, hindi ko na talaga alam kung anong dapat.Alam ko lang ang pangalan ng mga magulang ko dahil sa birth certificate ko pero nang magtanong ako sa nagrerehistro, sinabi nila na matagal na raw silang patayNapapikit ako ng mariin. Nabuhay na akong mag-isa. Wala akong ideya ku

