Sarado ang isip nang halos lahat ng tao sa bayan. Ipinagpatuloy nalang niya ang pagkain hanggang sa sabay-sabay silang natigilan nang may kumalabog mula sa loob ng kwarto niya. Napatayo siya ngunit bago pa man niya maharangan ang pinto ay nakatayo na ang ama ni Buchukoy at handa nang buksan ang pinto. Kung hindi pa siya napasigaw dahil sa matinding kaba ay baka nabuksan na nito ang pinto ng kwarto. M-muntik na nitong mahuli ang itinatago niya. Kapag nangyari ang bagay na iyon tiyak na palalayasin siya sa bayan at tiyak na huhulihin ng mga tao ang sireno na itinatago niya ngayon. "Tiyo Kukoy, n-nandyan po si Erick sa loob. Huwag nalang po natin isturbuhin." pagdadahilan niya. "Ganoon ba? Akala ko kung sino na ang nasa loob eh." komento nito bago bumalik sa pagkain. Hindi na muling bumal

