kay Buchukoy hanggang sa matapos sila sa pagkain. Magkatulong ulit sila ni Buchu nang ibalik nila sa kwarto si Islaw at hinayaan na niya muna ang dalawa sa loob, kailangan pa kasi niyang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan nila. Mamaya ay lalabas pa siya para humanap ng lamang dagat na dinala ng malakas na alon. Baka kasi wala na siyang maipakain kay Islaw dahil maging siya ah wala ring pagkain para sa sarili niya. Mahirap talaga kapag mahirap ka. Gaya nga ng sinabi niya ay lumabas siya sa loob ng bahay kahit madilim na, kailangan niya pa kasing humanap ng pagkain para kay Islaw lalo pa't medyo malakas pala itong kumain. Habang naglalakad-lakad siya sa dalampasigan ay hindi niya maiwasang mapatitig sa karagatan kung saan niya binalak na magpakamatay. Siguro kung hindi dahil kay Islaw

