I lightly scoff, "Akala ko nag-uusap pa kayo ng kakambal mo." Nanatili siyang tahimik, may kung anong malalim siyang iniisip bago ko unti-unting nakita ang pagdilim ng mga mata nito. Nakita ko na bahagyang hinawakan ni Diane si Sirius na para bang kinokontrol niya ito sa maaring mangyaring masama. Itinaas ko ang aking noo at sinalubong rin ang tingin ni Sirius, "Sabihin mo, baka sakaling matakot ako." Parang nawala ang lahat ng pagkokontrol ni Sirius sa sarili niya. Mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Diane sa kaniya at lumapit sa akin. Hindi ako pumalag nang hilahin nito ang braso ko ng sobrang higpit. "Let me show you how to deal with emotions, huh, Scarlet." "Do it." "Ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo. We never trusted someone like what we have with Phoexe. Kapantay '

