Alas kwatro palang ng madaling araw ay gising na si Agnes nang marinig ang mahihinang hinagpis ng sireno na nakahilata sa kama niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa matigas na upuan na gawa sa kahoy na nasa sala bago siya nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto kung saan nagpapahinga ang sireno. Pagkapasok niya palang sa loob ng kwarto niya ay nanuot kaagad sa kanyang ilong ang malansang amoy ng lalaki. Isda nga pala itong sireno na ito. Pero hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang malansang amoy na kumalat sa kwarto niya at sa halip ay nag-aalalang nilapitan niya ang sireno na mahinang umuungot dahil sa tila kumikirot ang mga sugat nito. Sa totoo lang ay masyadong malalim ang mga sugat na natamo ng katawan nito marahil dahil sa pagpapasabog ng dinamita sa karagatan. Maraming malalal

